11. Pretend

12 0 0
                                        

11. Pretend

"T-teka! Magpapapaliwanag po ako! Te- teka lang!"

Napaupo si Nanay sa upuan habang hawak ang dibdib. Binalingan ko si Apol na wala pa ding t-shirt. Gusto kong pumikit dahil sa nangyari kanina.

"Sabi ko mag tshirt ka! Wala ka bang tshirt!" He just shrugged and he went to the kitchen. Gago!

"Nay! G-ganto yon! Kasi.. Ganto! Ganto!" Binalingan ako ni Nanay.

"Hestia! Idiretso mo yang dila mo! Ganto ka ng ganto, magpaliwanag ka kundi papaluin kita!" Napanganga ako sa sermon ni Nanay. Lumabas si Apol ng kusina na may dalang baso ng tubig.

"Ma'am, here's a glass of water. Drink up please." Nasampal ko ang noo ko. Dahang dahang tinanggap ni Nanay ang baso. Hindi pa din sya naka tshirt! Binabalandra nya ang eight pack abs nya at well defined chest sa harap ng kamag anak ko!

"Hoy! Mag tshirt ka! Ano ka ba?!" Natataranta na ako dahil lalo akong madidiin nito. Tinignan nya ako at gusto kong umiwas dahil bumubuhos ang lahat ng nangyari kanina.

"O-oo nga hijo. Maganda ang katawan mo pero mag tshirt ka muna. Nadidistract kami eh lalo na si Hestia."

"Tita Flor!"

"Mama!"

"Flor!"

Sabay sabay ang sigaw namin kay Tita Flor. Bakit ba kasi andito silang lahat?! Alam kong pulang pula na ako ngayon. Bakit sila nagpunta ng walang pasabi? Bakit nakita nitong tatlo na 'to ang kababalaghan na yon? Pano kung si Nanay ang nakakita? Lord, patawarin nyo po ako.

"Sige po, aakyat lang po ako." Paalam ni Apol. Kung naaayon lang ang panahon ay tatawa ako dahil sa pananagalog nya. Binalingan nya pa ako at nginisian.

"Ikaw sana ang sosorpresahin namin, Hestiana pero parang kami ang nasorpresa." Sabi ni Tita Flor. Lahat sila ngayon ay nakaupo sa couch na mahaba. Ako naman ay nakatayo. I feel alienated, ngayon palang kasi ako nagisa ng ganito. Ni hindi ko nga napansin na nandito si Ate at Jiad dahil pre-occupied ang utak ko.

"Hindi naman po kasi ganoon yon, Tita." Paliwanag ko.

"Ano yon? Nagtatagu taguan kayo sa loob ng kwarto?" Natatawang sabi ni Mutya. Hinampas naman sya ni Jean at Ayce. "Aray ko naman!"

"Anak, kaano ano mo ba yon?" Napaisip ako. Kaano ano? Ni hindi ko sya boyfriend pero nagpahalik ako ng ganoon. Si Jiad nga hindi ako nahalikan tapos si Sir Apol makahalik kala mo boyfriend ko. Tinignan ko sila. Lahat sila ay nag aabang ng sagot. Hindi ko alm ang sasabihin ko. Pwede ko bang sabihin na wala lang?

"Ano- ano po, Nay.. Ano po.."

"Ano? Ano? Grabe ka, Hestia. Abangers kami dito!" Sabi sa akin ni Mac. Nakagat ko ang labi ko.

"Boyfriend nya po ko, Ma'am." Nakababa na pala mula sa taas at may suot na syang tshirt sa wakas.

"Bakit hindi nyo sinabi sa akin?! Akala ko ba Fantastic Four tayo ha? Ano fantastic three na lang kayo?"

"Gaga! Hindi din namin alam. Shock din ang beauty ko ngayon, Mutya kaya shut up!" Sigaw naman ni Ayce kay Mutya. Frantic na silang tatlo, akala mo ay wala silang kasama dahil halos magwala na sila.

"Samahan nyo ko sa Cathedral, Fantastic three! Magpapamisa ako ng isang buong buwan! Nakamove on na sya kay ---"

"Bunganga mo! Ang daldal mo! Tumahimik ka Jean ha!" Napapailing ako sa tatlo. Napakagulo sa loob ng bahay ko at ang dahilan nito ay ang lalaking 'to!

"Mutya, Jean, Ayce. Kalma ano? Paano makakapagpaliwanag 'to?" Saway ni Chris sa kanilang tatlo. Natigil naman sila. Kaya muli ay nasa aming dalawa ang mata nilang lahat.

Her AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon