22. Jealous

26 0 0
                                    

22. Jealous

Naglalakad ako papunta sa bus stop dahil pauwi na ako galing sa opisina. Humupa na din ang issue na buntis ako kaya ako nahimatay kahapon. Ang bunganga naman kasi ni Ayce. Paano akong mabubuntis eh wala namang nangyayari sa amin ni Apol.

Nanlaki ang mata ko sa iniisip ko. Umupo ako sa bench na nandito sa bus stop. Kung ano anong naiisip ko, kasalanan ito ni Apol. May nalalaman pa kasi syang ligaw. But I won't deny it,  sa tuwing naiisip ko na boyfriend ko si Apol ay kinikilig ako. Hindi naman ako ganito kay Jiad dati.

Kapag talaga si Apol ang pinaguusapan nawawala ang prinsipyo ko. Ni hindi ko na nga naiisip na may Amity sya. Pakiramdam ko he's true to his words. He's trying hard to forget that woman at natutuwa ako. He deserves the best, hindi ko sinasabing best ako para sa kanya pero yung tuwa nya ng sinabi nyang kami talaga, napangiti ako.

We started in a wrong situation. Pero kahit anong pigil ko at pagpapagana ng utak ko na dapat hindi ito nangyayari ay hindi ko talaga mapigil. Gusto ko din maging masaya. Kahit ang yabang yabang ni Apol, basta nasa paligid ko sya ay nagwawala ang sistema ko.

Nabigla ako ng may tumabi sa akin sa bench. Una kong nakita ang hikaw nitong itim sa tenga. Nginisian nya ako.

"Sir Ajax.."

"No, just Ajax. How are you, beautiful lady?" Wala sa sarili akong napangiti. Hindi pa pala ako nakakapagthank you sa kanya.

"Thank you nga pala, Si- Ajax." He nodded his head para syang bata. His ash gray eyes are looking at me. Feeling ko ay may lumukso sa puso ko.

"Ma!" Umiiyak ang batang nakayakap sa isang middle aged na babae. Hinahaplos nito ang buhok nya.

"Stop crying, Hestia. W-we're landing okay? We'll be alright." Umaagos ang luha sa mata ng babae. She hugged her daughter real close. Nakahawak sya sa kamay ng isang lalaki na nakatingin sa mga mata nya. His eyes are full of emotions - his gray eyes.

"I love you." Sabi ng babaeng umiiyak. Parang nanginginig ang buong inuupuan ng mag anak. Sumama sa yakap ang lalaki.

"I love you both. Now, Hestia. Don't be afraid, just close your eyes and everythings gonna be alright." Lalong humagulgol ang bata at ang babae.

Biglang dumilim ang paligid. Parang bumagsak sila sa malamig, madilim at basang lugar. Hindi makahinga ang batang babae.

"Hestia, are you okay?" Napadilat ako. Nakita kong nakahawak sa braso ko si Ajax Andrade. Mukang nag aalala sya. Hinatak ko ang braso ko pabalik sa akin. Hinihingal akong tumango. Ano bang nangyayari?

"O-okay lang." Pinilit kong ngumiti. Dumadalas ang pagdodoze off ko ngayon. Nakita ko ang pagtalim ng titig nya sa akin, napaiwas naman ako ng tingin habang hinihilot ang sintido ko.

Parang tumitibok ang ulo ko sa sakit, kumain naman ako kanina pero sumasakit sya ngayon. Madalas syang sumakit at naiinis na ako, mukhang malabo na yata ang mata mo ko pero hindi naman.

"Are you tired? Anong masakit sayo?" Worried nyang tanong at muling hinawakan ang braso ko. Hindi ko alam pero hinayaan ko lang na hawakan nya ang braso ko. Sense of familiarity o sadyang masakit lang ang ulo ko.

"Su-sumakit kasi yung ulo ko, m-mainit kasi." Sagot ko sa kanya. Nagulat ako ng abutan nya ako ng mineral bottle. May dala pala syang tubig. Kalahati na ang bawas noon at iniabot nya sakin. Nginitian ko sya at sinuklian nya din ako ng ngiting hindi umaabot sa mata nyang kulay gray.

"Baka may lason 'to?" Biro ko. Ngumisi naman sya sa akin atsaka umiling iling. Dahan dahan akong uminom sa bote at medyo kumalma ang nerves ko dahil doon.

Her AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon