5. Kiss stealer
"Late na ko!" Sigaw ko habang papalabas na ako ng apartment ko. Nagmamadali akong tumakbo papuntang sakayan ng jeep dahil panigurado late na ako nito. Napagod siguro ako paguwi ko kahapon kaya tinanghali ako. Nako baka mapagalitan ako ni Boss Christian! Meron pa namang syang meeting ngayong araw na 'to at nasakin ang mga kailangan nyang files.
"Wala na bang ibibilis to?" Bulong ko. Nag aantay kasi ako ng jeep na masasakyan dahil mamaya pa ang byahe ng bus dahil nalate nga ako ng gising ay magji-jeep na lang ako. Nakakainis.
"Miss ikaw na lang iniintay!" Sabi ng barker umiling naman ako. Hindi kasi doon ang route ng opisina kaya hindi ako sumakay sa jeep na nakahinto.
"Miss ang arte mo naman hindi ka naman maganda! Sakay na oh?! Para naman makaalis na 'to!" Tinapunan ko ng masamang tingin yung barker aba pasahero ako pero kung apihin ako daig pa yata namin ang close?
"Hoy kuya, wag kang sumabay sa init ng ulo ko kung ayaw mong ipasok ko yang pagmumuka mo sa tambutso ng jeep na yan!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
Oo, ako na ang walang poise.Nagmamadali akong sumakay sa isang jeep na dumaan. Ginabi na rin kasi ako ng uwi, inayos ko pa yung iba kong gamit pag dating ko ng apartment ko kahapon.
Nung umuwi ako eh wala na dun si Ate at Jiad. May pinuntahan daw sabi ni Nanay, mas okay nga yun eh atleast hindi ko na mababaon dito sa Maynila ang image na sila ang magkasama, pati na rin ang galit na pakikitungo sa akin ni Ate.
"Ay Ma! Bayad po oh!" Sabi ko at inabot ang bayad ko sa katabi ko. Pinagtitinginan naman nila ako, dahil siguro akong nakipagkarera sa kabayo, ni hindi ako nakapagsuklay ng buhok dahil sa kakamadali ko. Muli akong tumingin sa wrist watch ko, bakit ba kasi ang bilis ng oras!
Pumara naman ako at nagmamadaling tumakbo papunta sa building kung saan ako nagtatrabaho. Tuloy tuloy akong pumasok ng elevator. Hindi ko na nga nabati sila Manong Guard dahil sa pagmamadali, may business meeting kasi si Sir at panigurado kailangan nya yung mga papeles! Sana lang talaga hindi pa nagsisimula baka kaltasan ako ni Sir Christian tsaka mamaya badtrip na naman yon, ako pa mapag-initan.
Tinakbo ang pagitan ng elevator hanggang sa office desk ko at nagmamadali kong kinamkam lahat ng papel na kailangan ni Sir Christian at pinagsama sama ito.
Napatingin naman sa akin ang iba kong officemate, kinuha ko lahat ng mga papeles na natapos ko ng gawin kailangan ko tong iakyat sa taas.
"Ano ba yang itsura mo?!" Puna sa akin ni Jean. Tinaasan ko sya ng kilay.
Ano bang mali sa suot ko? I"m wearing my white blouse and my brown knee length skirt na A-line.
"Ano bang problema? Nako, mamaya na Jean kailangan ko ng iakyat to!"
"Gaga ka! Yung ka meeting ni Sir Christian, oh so hottie na papable tapos ganyan ang itsura mo? Hindi ka ba nainform?!" Sabi ni Ayce sakin. Lalong tumaas ang kilay ko. Ano bang problema ng dalawa na ito at kay aga aga ay pinakapakielamanan ako.
"Sa pagkakaalam ko secretary ako, hindi ako model. Bat naman ako mag aayos ng bongga? Sasagala ba kami?!" Singhal ko. Napailing naman ang dalawa. Sinabi ko ring mamaya ko na ikekwento ang nangyari noong umuwi ako sa amin. Nagpaalam na agad ako sa kanila at umakyat sa board room. Tinanong ko naman yung isa kong katrabaho na nasa labas ng board room. Hinihingal pa ko sa kakatakbo ko.
"Nagsastart na ba?" Tanong ko. Umiling naman sya at ngumuso pa sakin.
"Pasok ka na Hestia. Buti di pa nagsastart. Buti ka pa!" Sabi nya at umalis na. Napalabi ako, anong bang problema nilang lahat sa board room?

BINABASA MO ANG
Her Affliction
Narrativa generaleLahat ng tao natuto kapag nasasaktan. Pero patuloy pa din ang buhay. Hindi nadadala sa mga pinagdaanan. Kahit paulit ulit na nasaktan. Patuloy pa din sa pagmamahal. Si Hestia ay isang babae na naghahangad na maging masaya, tanggap ng pamilyang...