10. Girlfriend

23 1 0
                                    

10. Girlfriend

Nasa opisina ako ngayon at nakaupo kaharap ang mga papeles na kailangan kong iakyat sa taas. Napabuntong hininga ako, ilang araw na din naman ang lumipas na kasama ko si Sir Apol pero yung naisip ko noong gabing yon ay patuloy na bumabagabag sa akin. He's a fighter, kakalabanin nya ang lahat para lang sa babaeng yon.

"Bakla, akyat ko lang 'to kay Sir Christian ha?" Pagpapaalam ko kay Ayce. Tumango naman sya at panay ang paglalagay ng foundation sa mukha. Napapailing na lang ako sa kanya.

Sumakay ako ng elevator papuntang opisina nya. Napalabi ako, nakakainis. Dahil sa katangahan ng lalaking yon takbo ng takbo tuloy si Jiad sa utak ko. What if's are starting to pop on my mind.

Paano kaya kung hindi ko ginive up yung pagmamahal ko kay Jiad, kami pa kaya hanggang ngayon? Paano kung lumaban ako kay ate? Napangisi ako. Anong panlaban ko sa nagmamahalan? Ni hindi nga ako mahal ni Jiad.

Nabalik lang ang utak ko ng bumukas ang elevator. Agad kong tinungo ang double doors ng opisina ni Sir, kumatok ako ng tatlong beses at binuksan ang pinto.

"Good afternoon po." Bati ko sa mga tao sa loob. Akala ko ay si Sir lang ang naroon pero mukhang may dalawa pang tao na nakaupo sa mini sala ng opisina. Napatingin ako sa kanila at nakatingin din sila akin. Naconscious ako bigla sa suot kong blouse at A-line shaped na kulay brown na skirt na lagpas tuhod.

"Come in, Hestia. What's that? Don't mind them." Nakangising sabi ni Sir Christian. Bakit pakiramdam ko isa akong specimen na nasa microscope?

"Ano po.." Naglalakad ako patungo sa mesa ni Sir Christian. Alam kong natatawa sya dahil kinakabahan ako. Leche 'tong boss na ito! "Papers po from Mr. Ramirez, ito yung expansion doon sa Cebu, kung pwede daw basahin mo na daw kaagad pa-"

"What's your name?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita. Kung kanina ay nakaupo sya ngayon ay nakatayo na sya. Mukha syang barbie doll na buhay. She was wearing a violet dress na sobrang hapit sa katawan nya, her hair is falling freely on her shoulder and her lips are red - bloody red.

"Ako ba?" Tanong ko. She raised her eyebrows on me.

"Alangan namang ako diba?" She flip her hair. Nakita ko namang ngumiti ang lalaking nakaupo at umiling si Sir. Mukhang maldita ang isang 'to. Inaano ko ba sya?

"Hi, I'm Tristan. She's Amity, my wife." Napatango naman ako. Nakalahad ang kamay ng lalaking nagngangalang Tristan. Mukha syang mabait, malambot ang features ng mukha nya at parang lagi syang nakangiti.

"Don't shake his hand, you don't need to shake his fucking hand." Nanigas ang likod ko kasabay ng paghalakhak ng lalaking si Tristan. Tumalikod ako at nakita ko si Apol na mukhang galing sa isang sulok ng opisinang ito na may hawak na baso ng kung ano.

Sekretarya ako ni Christian Galvez pero bakit hindi ko alam na may mga tao ngayon sa opisina nya?! Anong klaseng secretary ako! Edi sana hindi muna ako umakyat.

Kinalabit ako ng lalaking nagngangalang Tristan. Binalingan ko sya.

"Hestia po." Bulong ko. He nod his head.

"Nice meeting you! Oh, you're a lucky fucking bloke, dude!" Baling nya kay Sir Apol. Kinakabahan ako sa loob ng opisinang ito. Kailangan ko ng lumabas. Kahit gusto kong magtanong kung bakit 'lucky fucking bloke' si Sir Apol ay hindi na ako nagtanong.

"You're scaring her, Tris. Ikaw, Hestia. Hindi ka nagsasabi, boss mo kaya ako."

"H-ha?" Nagtatakang tanong ko. Lahat sila ay nakatingin sakin liban kay Apol na nakatanaw sa glass window ni Sir Christian. Ano bang problema?

Her AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon