21. Unstoppable

17 1 2
                                        

21. Unstoppable

Napatanga ako habang nakayakap sya sakin. Tama ba ang pagkakarinig ko? Pinsan? Hindi ako makakibo, gusto kong himatayin ulit. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba sya or hindi.

"My mom, she's unstoppable. She wants to fucking know you. I said no because for sure you will fucking freak out, freaker." Lumayo sya sakin at agad akong sinalubong ng brown almond eyes nya. Napaiwas ako ng tingin. Humigpit ang hawak ko sa kumot.

Nahihiya ako! Ang judgmental ko palang tao. Hinaplos nya ang pisngi ko kaya bahagya ako napatingin sa mukha nya. Apol has that almond shaped brown eyes, makakapal ang kilay na nakakunot ngayon at matatangos na ilong. He got that perfectly angled jaw and full lips. Napaiwas muli ako ng tingin at tumingin sa pintuan ng kwarto.

Nagfi-freak out na ako!

"I don't even fucking know that she asks Roberto to fetch you. My mom... Like what I've said, she's fucking unstoppable and my cousin, isa rin yon. Ayaw nilang maniwala sakin." Hindi ako nagsalita. So alam ng Mommy nya na girlfriend nya ako? Gusto kong humawak sa dibdib ko dahil feeling ko ay nagkamini heart attack ako.

"Look at me," Sabi nya kaya kahit naiilang ako ay tinignan ko sya. "Say something please?"

"Uhh, n-nagkasakit ka daw?" Umigting ang panga nya. Kaya bahagya akong napaurong.

"Yes, that's why I didn't fucking spend my last three days with you. Ayaw kitang mahawaan, don't like my woman to be fucking sick because of me and now we're fucking here."

Kaya pala hindi sya nagpapakita. Kasi ayaw nya akong mahawaan ng sakit. Bakit? Dapat hindi ako kaagad maniwala pero tinutunaw ng mabibigat nyang titig ang pader na ibinabalot ko sa paligid ko.

"I miss you." Biglang sabi ko. Kahit ako nagulat sa sinabi ko. Gusto kong tampalin ang noo ko! Namiss ko naman talaga sya pero bakit ang luwang ng bibig ko. Natatanggal ang filter ng bibig ko kapag kasama ko sya. Nakita kong umangat ang sulok ng bibig nya.

"I fucking miss you too, hon. Am I forgiven?" Marahan akong tumango. Wala namang kami, pero bakit ganito? Walang commitment sa aming dalawa pero bakit ganito? Lumakas ang tibok ng puso ko at halos marinig ko yon.

"M-may tanong ako..." He looked at me like he's waiting. I inhaled sharply. "Ano ba tayo?"
Kumunot ang noo nya. Tinapatan ko ang madiin nyang titig kahit gusto kong umiwas. We acted like this pero hindi ko alam kung ano kami. Napakagulo namin, napakagulo nya.

"I'm sure you know the answer. You're mine and I'm yours. You're my fucking girlfriend and I'm your sexy boyfriend. I thought you know that." Simple nyang sabi. Hindi ba't nagpepretend lang naman kami nung una? Why did it end like this? Diba dahil sa babaeng mahal nya kaya nagpretend kami?

"P-paano si Amity? D-"

"Forget that and focus on me, hon." Seryoso nyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. Is he really moving on? Gusto ko syang yakapin. My heart is pounding. Hindi pala ako nag assume, girlfriend nya ako. Boyfriend ko sya. Napangiti ako. I know that he doesn't love me, but I know myself.

Ni walang ligawang naganap pero boyfriend ko sya. Nakalagago talaga ang lalaking 'to.

Para namang nabasa nya ang iniisip ko.

"Don't give up on me, alright? I'm getting there. Just wait for me?" Namula ang pisngi ko. Obvious na obvious ba ako? Hindi ko naman sinasabing mahal ko sya kasi ayaw kong malaman ang sagot nya.

Sa tuwing babanggitin ko sa sarili ko na mahal ko sya ay nagwawala ang hormones ko. Tinignan ko sya.

"Okay lang, hindi naman ako nagmamadali eh." Nginitian ko sya. Ayoko ng maulit ang nangyari kay Jiad. Right now, gaya ng kanta na napakinggan ko, I'd risk it all.

Her AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon