P.Q#6

3K 36 0
                                    

MICHELLE JOY ALEA POV

Andito kami sa loob ng AVR, pati yung ibang students na nag enrolled sa bagong kurso na ginawa namin. Yes, namin kami ang may pasimuno sa kursong to at mukhang alam niyo na naman kung anong klaseng kurso ito. Maraming students ang kumuha ng kursong to, hindi kasi to compulsory kung gusto mo eh di kumuha ka at kapag hindi naman eh di wag. Hindi naman kami namimilit ng students para sumali.

First day pa lang ngayon pero ang dami ng students ang andito sa loob, nagpapasalamat din ako dahil ang laki ng AVR na to. Kasyang kasya lahat ng students eh.

"Marami pa bang tao sa labas?" tanong sakin ni Ruby. Tinignan ko naman yung mga nakapila pang students and honestly ang haba pa ng pila.

Mga dalawang oras kami naghintay para matapos sila sa pagpapalista ng names nila. Kumpleto na kami sa loob and any minute mag uumpisa na yung discussion about this course at si Mia ang mag didiscuss ng lahat at syempre naka alalay parin kami sa kanya.

Magsisimula na sana kami kaya lang may limang lalaki ang pumasok sa loob ng AVR at biglang nagsitilian ang lahat ng babaeng andito. Yes, may mga babaeng nag-enrolled sa course nato. Tignan nalang natin kung sinong matitira sa kursong to matapos ang discussion, kung matatapos nga ba.

"Hai Michelle." Bati sakin ng lalaking hindi ko kilala but his face quiet familiar, san ko nga ba siya nakita? Biglang naningkit yung mata ko ng bigla kong maalala kong sino tong lalaking epal na nasa harapan ko.

Siya lang naman yung lalaking mahangin na may KILLER SMILE daw kuno, bakit andito pa to? Hindi pa ba siya hinuli ng mga pulis? Tsk.

"Who you?" sabi ko nalang and then na rolled eyes sa kanya sabay talikod.

"HAHAHA paano ba yan Braylle, akin na yung pusta mo." Biglang nag pantig yung tenga ko dahil sa narinig ko. nilingon ko sila at tama nga ang hinala ko. Si killer yung nag ngangalang Braylle, at ano daw sabi nung isa? Pusta? As in BET?

Ramdam na ramdam ko yung dugo ko na papunta na lahat sa ulo ko, pupuntahan ko na sana si killer ng bigla akong hatakin ni Ruby papunta sa may stage.

"Braylle!" sigaw ko at bigla naman siyang napatingin sakin pati na yung mga kaibigan niya. psh, humanda talaga kayo sakin! Kainis!

"Hintayin mo ko mamaya sa may gate. Pagtapos mismo nito." Sigaw ko sa kanya, ngumiti naman siya ng pagka lapad lapad.

Sige lang, ngumiti ka lang nayon. Tignan natin kung ngingiti kapa mamayang hayop kang killer ka.

---

BRAYLLE KERIDOR POV

Hello everyone, sa mga hindi pa nakakakilala sakin ako nga pala si BRAYLLE KERIDOR ang gwapong lalaki na may killer smile *smile*. Lahat ng babaeng ngingitian ko nahihimatay at yung iba naman ay nagsisitilian at kinikilig. Sino ba naman ang hindi mahihimatay at kiligin pag ako na ang kaharap, bukod sa gwapo at makisig ako, mayaman at matalino pa. Kaya ang daming babaeng naghahabol sakin.

Mahangin ba mashado? Hayaan niyo na mga pre, gwapo naman ako eh.

Andito kami ngayon sa loob ng AVR, kasama ko yung mga kabarkada ko, may bagong pakulo na naman kasi tong mga Porn Queens na to, bakit nga ba sila tinawag na ganyan? Hindi ba nila alam na ang laswa ng tawag na yun? Tsk.

"Uy pre, tignan mo yung chicks oh. Nakatingin dito satin." Sabi ni Jake, isa sa mga kaibigan ko.

"Ang gwapo ko kasi." Sabi ko sa kanila. Bigla namang kumunot yung mga noo nila. Bakit? Gwapo naman talaga ako ah.

"Ang hangin lang." sabi naman ni Abby sakin.

"Malamang nasa harapan ka ng electric fan, kaya ang hangin. Isip naman jan bro." sabi ko, totoo naman kasing nasa harapan siya ng electric fan tsk.

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon