P.Q#44

524 6 0
                                    

ANNABELLE LEE ALMERANTE POV

Weeks passed. Same routine. Same boring day. And as usual nasa bahay parin ako. And as usual nasa opisina si Josh.

Speaking of, hindi ko alam kong busy nga ba talaga si Josh sa kompanya o sadyang iniiwasan niya ko. This passed few days kasi palagi siyang maagang pumupunta sa opisina at always narin siyang gabihin kong umuwi. Minsan iniisip ko na siguro nga busy siya sa kompanya para iwas stress sa side ko, tho nagsisimula na kong ma-stress dahil sa ginagawa niya.

Lumabas ako ng kwarto ng biglang nag ring yung phone ko. Pag tingin ko nag text si Doctor Salada. I immediately opened it at binasa.

Shems! Nakalimutan kong schedule ko pala ngayon. Bumalik ako sa loob ng kwarto ko para magbihis, since kanina pa ko nakaligo. Bumaba agad ako pero syempre dahan dahan lang.

Nireplyan ko kaagad si Doctora and after that tinext ko si Josh. Kahit na may konting tampo ako sa kanya kailangan ko paring itext siya baka kasi mag-alala na naman siya kagaya nung dati. Mahirap na, ayoko pa namang mag-away kaming dalawa.

--
Nasa clinic na ko ni Doctor Salada. Tapos na siya sa pag check sakin at sa baby ko. Hinihintay ko nalang yung result.

Maya-maya pay dumating na si Dr. Salada at dala dala yung folder kung saan nakalagay yung records ko every time na nagpapacheck up ako sa kanya.

"Mrs. Belle--"

Bago niya ipagpatuloy yung sasabihin niya kinorek ko na siya. "It's miss pa po Doc. Hindi pa kasi kami kasal."

"Ano kaba, jan din naman yan papunta. Well, you need to be extra careful dahil malapit na yung due date mo. Next week will be June na. Last week nato ng May kaya extra careful okay? Kailangan mo rin mag lakad lakad para hindi ka mahirapan pag manganganak ka na. Your foods should be more healthy and please Misis, iwas stress po. Dahil nakakasama po sa baby at lalo na sayo. Okay? Paki sabi narin yan sa Mister mo para syempre aware siya sa result."

"Hindi naman po siguro malalaglag yung baby ko if ever mastress ako kahit konti?"

"No Misis, mahigpit kasi yung kapit ni baby. Pero hindi rin natin alam kong anong susunod na mangyayari kaya we need to be extra careful."

Hindi na ko nag tanong pa. Ilang paalala pa yung sinabi niya at tango lang ako ng tango. Hanggang sa natapos na rin. Tumayo na ako at nag paalam na kaagad.

Nagugutom na ko. Gusto kong kumain ng veggies and fruits. Punta na nga lang ako ng supermarket para bumili.

Nasa loob na ko ng supermarket at namimili ng prutas at gulay na gusto kong kainin. Lettuce, cabbage, kalabasa, sitaw, apple, mangga, pinya, papaya and banana. Yan lang naman yung kinuha ko. Dumaan ako sa milk station at kumuha ng dalawang fresh milk, kumuha narin ako ng isang box ng chuckie. Nag crave ako bigla sa chuckie eh. Tumingin tingin pa ko kung ano pang pwede kong bilhin ng may nakabangga ako.

"I'm so--Jake?/Belle?" Sabay naming sabi na dalawa. Tumawa kami saglit at kinuha yung basket na dala dala ko.

"T-teka, ako nang magdadala niyan. Kakahiya naman sayo." Sabi ko habang pilit na inaagaw yung basket ko.

"You're pregnant. Hindi ka dapat nagbubuhat ng mabibigat. Asan ba si Josh? Every time I see you palagi kang nag-iisa."

"Busy kasi siya sa company namin. Kaya ako lang mag-isa pero minsan naman kasabay ko siya."

"So inuna niya oa yung company kesa sayo? Sino bang pamilya niya? Yung company o ikaw? Walang taong busy kung ikaw ang priority. Remember that Belle."

Bat ba feeling ko laging tama tong isang to. Sabagay, tama nga naman yung sinabi niya about priority. Now I wonder, sino nga ba yung priority niya, the business or ako.

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon