P.Q#41

579 8 0
                                    

ANNABELLE LEE ALMERANTE POV

2 months later.

"Josh."

Tawag ko sa kanya. Nasa tabi ko lang kasi siya natutulog. Sabagay, sino pa namang gising sa des oras na ng gabi? Ako nalang yata eh.

"Josh, gising."

"Hmmm" sagot niya lang sakin.

Niyugyog ko siya ng niyugyog hanggang sa nagising siya. Tuwang tuwa naman ako.

"Bakit?" Tanong niya habang kinukusot niya yung mata niya.

"Gusto ko ng water apple." Ewan ko kung san ko napulot yang prutas na yan at hindi ko alam kong talagang prutas nga ba. May apple kasi so I assumed na prutas talaga yan.

Napanganga naman agad si Josh dahil sa hiningi ko.

"Water apple? You mean apple na may tubig? Or other way around?"

"No! I want water apple. Not that kind of apple."

"Ha? Ano bang itsura ng prutas na yan?"

"Tanong mo kay google. Bilis na!"

Kinuha niya kaagad yung cellphone niya at mabilis na tinaype kung anong klaseng prutas yun.

"Some article says that it may also called tambis, or water apple in English. And its a rare fruit. Minsan lang namumunga. And were lucky dahil tag bunga ngayong buwan." Mahabang sabi ni Josh. Naglaway naman ako bigla dahil sa sinabi niya.

"Sige na! Bilhan muna ko ng ganyan. Gusto ko ng kumain niyan ngayon."

"Seriously? Ngayun mismo? Sa ganitong oras? Wala ng bukas na tindahan o prutasan ngayon."

Binato ko sa kanya yung unan dahil ang dami nyang satsat. "Bibilhan mo ko o sa labas kita patutulogin?!"

Napakamot naman siya sa ulo niya. "Sabing wala na ngang bukas na tindahan ngayon. Promise, bibilhan kita bukas ng maraming water apple. I promise."

"Gago ka ba?! Sabi ko diba ngayon ko gustong kainin! At pag sinabi kong ngayon, ngayon mismo! Walang bukas bukas!"

"Fine! Mas gugustohin ko nalang matulog sa labas kesa bumili o maghanap ng gusto mong prutas!" Sabi niya sabay tayo. Aalis na sana siya ng bigla ko siyang tawagin. Akala mong bakla ka pipigilan kita ha.

"Fine also! Then get your pillow and your blanket you bullshit!!! Makikita mo, hinding hindi kita papansinin bukas!"

"Bahala ka sa buhay mo." Sabi niya sabay labas sa kwarto namin. At yung kuhang kanina ko pa pinipigilan eh nag sisi-unahan ng naglabasan.

Bwesit na baklang yun! Pasalamat siya't patay na patay ako sa kanya. Pasalamat siya't mahal na mahal ko siya kahit na alam kong hindi niya ko mahal. Nakakainis siya! Akala niya siguro hindi ko napapansin na kaya siya late matulog eh kasi may katext siyang iba. Akala niya siguro hindi ko yun nahahalata. Pwes halatang halata ko na. Hindi ko lang siya inaaway kasi... kasi... kasi mahal ko siya.

Humiga na ko sa kama habang iyak pa rin ng iyak. Hanggang sa nakatulog ako.

--
Kinabukasan.

Pag gising na pag gising ko hinanap ko kaagad yung pag mumukha ni Josh. Siya kasi yung pinaglilihian ko kaya everytime I woke up in the morning gusto kong siya agad yung makikita ko. But I was wrong dahil hindi nga pala kami natulog ng sabay.

Bumangon nalang ako at pumunta sa banyo para maligo agad. Hirap na hirap pa nga akong bumangon dahil ang laki na ng tyan ko. 8 months na kasi to tsaka next month narin yung due date ko sa panganganak. Konting push nalang at makikita ko na yung baby ko. Bumaba na ko at dumeretso sa dining area, gutom na kasi ako, actually kagabi pa nga ako gutom.

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon