P.Q#28

822 17 0
                                    

SWEETZEL VARGAZ POV

Andito ako sa rooftop ng hospital, matapos kong marinig yung sinabi ni Dad na kakambal ko si Krizzie Mae, hindi sa hindi ko tanggap pero kasi ang gulo gulo ng sitwasyon. Sobrang gulo, hindi ko na nga alam kong magiging okay paba ang lahat. Grabeng rebelasyon ang nangyari, ugh! Give me a break please.

Sumandal ako sa may pader habang nakatingala sa langit. Hindi ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko ng hindi ko alam ang dahilan.

"Umiiyak kana naman. Langya talaga wala ka bang ibang alam?" Psh, langyang kanta yan! Nakikisabay sakin.

"Wala talaga akong ibang alam kundi anh umiyak ng umiyak!" Sigaw ko habang humihikbi.

May narinig akong mga bakas ng paang paakyat dito sa rooftop. Pinunasan ko muna yung luha ko at inayos yung sarili ko at umupo ng maayos.

"S-sino yan?"

"I-its me."

"Anong ginagawa mo dito?"

"I uhmm... I just wanna talk to you."

"Wala tayong dapat pag-usapan Krizzie, ayoko munang marinig lahat ng sasabihin mo." Kalmado pero may hinanakit sa boses ko.

"Alam mo hindi ka naman ganyan ka sungit nung mga bata pa tayong dalawa. Epekto ba yan ng selective amnesia mo? Pati pagiging mabait nakalimotan muna? Psh."

Selective amnesia? Ako? Psh, nagpapatawa pa ata siya.

"Alam mo Krizzie Mae, you don't need to make up some stories okay? Umalis kana nga." Sigaw ko sa kanya. Ayoko lang talagang may marinig pang katotohanan sa ngayon, mukhang sasabog na kasi yung utak ko sa daming impormasyon.

"Bahala ka nga sa buhay mo! Ako na nga tong nagmamagandang loob na puntahan ka ako pa tong pinapaalis! Letche!" Sigaw niya pabalik. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Anong nakakatawa?"

"Pfft, nothing." Sabi ko sa kanya habang pigil sa pagtawa. Kakambal ko nga talaga siya. Pero i'm not convince yet, hindi pa mashado.

"Tsk. O sya! I think you need more time para magpahinga. Sa susunod na kita gagambalain Twinie."

T-twinie?

San ko nga yun narinig? Pamilyar na pamilyar sakin yung tawagan na yun.

"Twinie, mahal na mahal kita."

Shit! What was that?

"Twinie, kahit anong mangyari kambal pa rin tayo ha?"

Kambal? Twinie? Napayuko ako dahil sa pagpitik nang ulo ko. What's happening?

"Aaaahhhhhhhhhhh!!!!"

---
KRIZZIE MAE VARGAZ PO
(A/N: Lets just use her new name para hindi mashadong magulo.)

Well I guess ayaw niya pang pag-usapan namin yung mga nangyari before, ayaw niya pa sigurong matapos tong storya niya kaya ayaw nyang makinig sakin. Psh. Selfish talaga nang babaeng yun! Nakakainis na yung kaartehan niya, pero mas nakakainis yung author! Minsanan na nga lang maka--aish, nevermind na nga lang baka ano pang gawin niya sakin. Kawawa pa ko, ang laki pa naman nang author. Psh.

"Makaalis na nga." Sabi ko sa sarili ko. Oo sa sarili ko mismo, pwede ding ikaw kung andito ka. Kruu ang dami ko na namang sinasabi! Aish susulitin ko na to no! Baka wala na akong POV sa susunod dahil sa sinabi kong malaki si author. Tsk. Tsk.

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon