P.Q#12

1.4K 23 1
                                    

RANDY WRIGHTE POV

First day of class nila ngayong araw at parang hindi ako mapakali dahil alam kong hindi sila safe doon. Kahit na wala akong pake sa kanya pero may pake parin ako. Ah basta yun na yun.

"Problema mo bro?" Tanong sakin ni Abby. He's my bestfriend kaya alam niya lahat ng pinaplano ko at napaka swerte ko dahil naging kaibigan ko siya. Isang matapat na kaibigan.

"Wala naman bro." Matamlay na sagot ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko at tinapik yung balikat ko.

"Thinking about her? Akala ko ba wala kang pake sa kanya?" Sabi niya pa.

Lately, mukhang nare-realize ko na mukhang mali tong ginagawa ko sa kanya pero iniisip ko parin yung kambal ko. He's a good twin dahil hindi niya ako pinabayaan nung mga bata pa kami.

Kinuyom ko yung kamao ko dahil naalala ko na naman siya at yung walang yang babae! Harsh?? Dapat lang. Naging miserable ang buhay ko simula nung nawala ang kambal ko dahil sa kanya lumayo ang loob ng mga magulang ko sakin at naging mas busy at lublob na sila mashado sa trabaho habang ako naman naghahanap ng atensyon nilang dalawa.

Noon, okay lang kahit wala sila Mom and Dad basta anjan lang yung kuya ko. Ok lang sakin, pero ngayon hindi na.

"Bro." Kinalma ko muna yung sarili ko dahil simula ngayong araw, sisimulan ko na lahat ng plano ko.

"Bakit?" Sagot ko kay Abby. Bumuntong hininga muna siya bago siya nagsalita.

"Bisitahin kaya natin sila?" Sabi niya. Ano na namang kabaliwan ang iniisip nito.

"Para saan naman?" Tanong ko. Nag-isip muna siya bago niya sagutin yung tanong ko.

"Para mas maramdaman niyang seryoso ka talaga sa kanya." Bigla akong napaisip.

Hmm, sounds good *Grin*

---
SWEETZEL VARGAZ POV

Tapos na yung dalawang subject namin and as usual walang pinagbago dahil gaya ng dati introduce yourself and evah ang ginawa.

"Grabe, nakakagutom pala yun? Ngayon ko lang na realize." Bagsak balikat na sabi ni Ruby. Salita lang kasi kami ng salita about sa school namin at wala kaming choice kundi ang sagutin ang lahat ng tanong nila.

"Oo nga, grabe parang hindi sila nauubusan ng tanong. Sakit tuloy ng lalamunan ko." Reklamo naman ni Mia at syempre agree kami sa sinabi niya.

"Kanya kanyang order ha? Wala muna tayong utusan ngayong araw." Sabi naman ni Almie. Tama nga pala, wala yung mga lalaking umaaligid kay Almie. Sila kasi yung utusan namin minsan HAHA.

Sabay sabay naman kaming tumayo at pumunta sa may counter para pumili ng pagkain. Oo sa counter deretso dahil nasa likuran lang nila yung mga pagkain. Cool. Sa amin kasi hindi ganito eh.

Our simple life starts here.

Pag tapos naming bumili bumalik na kami sa pwesto namin kanina but unfortunately may mga clowns na umupo sa pwesto namin.

"Looks like wala na kayong mauupuan. Poor uglies." Sabi nung leader ng clowns. Hindi ko alam pangalan nila eh.

Ganito nalang, para hindi tayo malito mga readers. Pag C siya yung leader, tapos si L, O, W, and lastly si N. Yan ang ipapangalan natin sa kanila tapos pag nagsama silang lima, yung group names nila is CLOWNS. Gets na? Good.

Hindi nalang kami umimik dahil ayaw namin ng gulo. Remember, hindi kami pumapatol sa hindi naman namin ka level. They're bitches while kami naman ang Queens.

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon