P.Q#24

860 17 1
                                    

SWEETZEL VARGAZ POV

"Sigurado ka ba?"

"1 month is enough para alamin ko lahat By. Kaya sigurado na ko."

Nag impaki nako ng mga gamit ko, babalik na kasi ako sa school, ulit. Tama na sigurong 1 month para mag tago. Or should I say tama na ang isang buwan para gawin yung plano? Ano nga bang plano ko?

Gusto ko lang malaman lahat lahat ng nangyari sa buhay ko. Simula bata ako hanggang ngayon. Clueless ako sa buong buhay ko, hindi ko nga alam na  naaksidente pala ako dati. At hindi lang ako, may isang batang babae pa nga ang nakasama ko sa aksidenteng yun. Pero hindi ko pa rin alam kung sino yung batang babae na yun.

Nalaman kong naaksidente ako noon dahil sa family doctor namin. Nagpunta kasi ako sa hospital para ipa check up si Abby that time. And then nakasalubong ko siya. Nung una nga di ko siya kilala buti nalang at siya unang nag approach sakin. At yun nga chikahan ng konti at boom! Doon ko nalaman na may sakit pala ako sa puso.

Akalain mo yun? May sakit pala ako sa puso? Ang healthy healthy ko tapos may sakit pala ako sa puso? Mabuti nalang daw kasi 3 years na kong hindi pumupunta sa hospital so it means ok na ko? Pero wala dawng kasiguradohan ang lahat.

"Hoy! Tulaley kana naman!" Sigaw sakin ni Abby. I just rolled my eyes at kinuha na yung bag ko.

"Tara na nga By."

---
RANDY WRIGHTE POV

"Hey baby, punta tayong canteen. Andun na daw sila Mia."

"Kriz, pwedeng mamaya na? May gagawin pa kasi ako."

"But bii. C'mon, i'm hungry."

*sigh* I guess hinding hindi niya ko tatantanan kapag hindi ako susunod sa gusto niya. Mabuti pa si Sweet nakakaintindi--uggh! Nevermind! Why do I have to kept on comparing them? Hais.

Hindi na ko nagsalita pa kaya tumayo na ko at naglakad papalayo sa kanya. Naramdaman ko namang nakasunod siya sakin.

"Aish! Why do you have to walk ahead to me? Ayaw mo ba kong kasabay?" nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. Her childish side again and again. Naramdaman kong kumapit siya sa braso ko, tinignan ko siya and she just smile. Dahil sa wala na nga akong magawa, kaya hinayaan ko nalang.

Krizzie Mae is my fiancé pero wala akong gusto sa kanya kahit na nag kiss na kaming dalawa. Kahit kailan hindi ko siya pinalitan, kahit na isang buwan na siyang hindi nagpapakita sakin--samin. But still, siya at siya pa rin.

Hindi ko alam kong bakit bigla bigla lang siyang nawawala. Hindi ko alam kong anong nangyari sa kanya. Wala nino man ang nakakaalam kong nasan siya, anong nangyari sa kanya at kung bakit siya bigla biglang nawala.

Pumasok na kami sa loob ng canteen at hinanap kaagad kong saang table sila Mia.

"Bii, doon oh." Sabay hila sakin. Pagkarating na pagkarating namin sa table umupo na agad ako. No need to order foods dahil may foods naman na. Kompleto sila--except kay Sweet  syempre.

Andito lahat ng loveteams, ang #MioMie (Mio and Almie), #JoshElle (Joshua and Annabelle), #JoyLle (Michelle Joy and Braylle) and #ArBy (Art and Ruby). Pati na rin yung mga walang couple na #JaMiChe (Janz, Mia and Chen). Naka #Hashtag para dama.

May kanya kanya na kaming pagkain sa table. Naka order na kasi kami kanina pa--bago pa kami dumating ni Krizzie Mae. Masayang nagkukwentohan ang Ramirez Brothers habang yung iba nakikitawa sa mga nangyayari sa buhay nilang tatlo. Mga loko loko kasi. Kahit na anong kalukohan pinapatos nilang tatlo.

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon