P.Q#27

830 17 3
                                    

KRIZZIE MAE VARGAZ POV (SWEETY VARGAZ )

2 days past nang makausap ko si Randy about everything, about what happened between me, his twin and my twin. He even realize na baka hindi na siya magustuhan ng kambal ko pag malaman niya lahat ng nangyari before, but as he said, he'll accept that as a challenge for himself. Ang taas parin ng kompyansa niya sa sarili niya, just like the old times.

Kanina pa ako nasa labas ng assigned room ni Sweetzel, nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Baka kasi, mahirapan na naman siyang huminga. Baka this time, mawawalan ako ng kakambal. Hinawakan ko na yung doorknob, bubuksan ko na sana ng biglang dumating sina Mom and Dad.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tugon sakin ni Daddy.

"Mom, Dad." I said and tears started to fall. Lumapit si Mommy sakin and give me a warm hug, na matagal ko ng gustong maranasan ulit.

"How are you, Sweety?" Masiyang tanong sakin ni Mom, I just smiled amd hug her again.

"Ikaw ang dahilan kong bakit bumalik na naman yung sakit niya! Kailan kaba titigil ha?!" Sigaw sakin ni Dad. Yumuko lang ako habang iyak ng iyak.

"Honey, stop it." Saway sa kanya ni Mom, but I know Dad. Hindi siya titigil hanggang hindi ko narerealize lahat. Ganyan siya ka higpit sakin, simula pa nung mga bata pa kami.

"Kailan ka ba titigil? Pag napatay mo na si Sweetzel? Anong klaseng kapatid ka? Anong klaseng kambal ka?!"

"Bakit Dad? Ikaw? Anong klaseng magulang ka?" Sumbat ko sa kanya. Hindi na ko nagpapigil, eto na rin siguro yung oras para malaman din nila na nasasaktan ako sa lahat ng ginagawa nila.

"Aba't!"

"Ano Dad? Hindi ka makasagot? Kase ano? Hindi mo alam? Natural na hindi mo alam, you never be a Daddy to me!"

"Sweety stop it!" Sigaw sakin ni Mom, tinignan ko lang siya saglit tapos kay Dad naman.

"I won't stop Mom hanggang sa malaman ninyo kung gaano kasakit yung nararamdaman ko noon! Hindi niyo alam na nasasaktan ako diba? Kasi saming dalawa ni Sweetzel, siya ang lagi ninyong inaalala! Siya ang lagi ninyong kasama! While me? Hindi pwede dahil nahihirapang huminga si Sweetzel pag malapit ako sa kanya! Magkakasakit at maoospital na naman. Noong una, okay lang naman eh, okay lang na hindi niyo ko sinasama kahit saan. Pero nung panahong namulat ako sa katotohanan, hindi na okay para sakin Mom, Dad."

"Palagi na lang si Sweetzel, siya nalang palagi. Bakit? Dahil may sakit siya? Dahil mabait siya? Dahil ba suwail at matigas ang ulo ko kesa sa kanya? Ganun ba ha? Mom, Dad?"

"Simula nung naging kapitbahay natin yung mga Wrighte, feeling ko nabuhayan ako ng loob ulit. Dahil may mga kaibigan na ako--kami. Remember the twin? Ranly and Randy? Silang dalawa yung tumuturing samin na hindi iba, kahit na sa isang araw ako kasama nila, sa isang araw naman si Sweetzel. Okay na sana Dad eh, kaya lang nung nalaman kong mahal pala ni Randy si Sweetzel, doon ako nagalit ng husto sa kanya. Simula nung naaksidente siya, sa kanya na lahat ng atensyon ng lahat. Habang ako? Si yaya lang palagi ang nagbabantay!"

"Alam mo Dad, mapapatawad ko pa sana kayo noon eh, nung hindi ko lang narinig yung pinag-usapan niyo ni Mom. Ang sakit nun Dad! Ang sakit isipin na paniniwalain niyo si Sweetzel na siya lang ang nag-iisang anak ninyo." I explode like a bomb, lahat ng sakit nailabas ko na sa kanilang dalawa. Lahat ng sakit na kinikimkim ko simula bata pa ako hanggang ngayon.

Napaupo ako sa sahig habang iyak ng iyak, wala akong paki kung anong itsura ko ngayon, basta ang alam ko, masaya ako... hindi dahil sa mga nangyari, kundi dahil nasabi ko sa kanila lahat ng gusto kong sabihin.

Naramdaman kong may mga kamay na yumakap sakin. Binuksan ko yung mga mata ko and I was shocked ng makita kong si Daddy pala ang yumakap sakin.

"I-im sorry Sweety, h-hindi namin naisip nang Mommy mo na masasaktan ka, akala kasi namin maiintindihan mo kami, pero mali pala. Patawad Sweety, sorry."

Hindi ako nagsalita dahil yumakap ako pabalik sa kanya. Alam kong alam niya na pinapatawad ko na siya. Ganito naman dapat diba? Wala naman akong intensyong patagalin pa tong nararamdaman kong sakit. Their sorry is enough for me.

"Mom? Dad? Ano po--Krizzie Mae?"

Napabitiw kaming dalawa ni Dad dahil sa boses na narinig namin, and we were shocked ng makita namin si Sweetzel na nakatayo sa harap namin.

"A-anong ibig sabihin nito?!" Sigaw niya na may halong galit. Napahawak na naman siya sa bandang dibdib niya at humihinga ng palalim na palalim. Tumayo ako at naglakad papalayo sa kanila.

"Sweety, wait. Wag kang umalis." Sigaw ni Mom sakin. Huminto ako and smile.

"Don't worry Mom, dito lang ako. Para hindi na mahirapang huminga si Sweetzel."

"Mom? Mommy din ang tawag niya sayo? What is this My? Anak mo ba siya sa labas?! Tell me! Bat ka niya tinatawag na Mommy!!" Sigaw ni Sweetzel. Isang malakas na sampal ang natanggap ni Sweetzel mula kay Daddy.

Lahat kami nagulat dahil sa ginawa ni Daddy, namumula yung kaliwang pisngi ni Sweetzel, and her tears are starting to fall.

"W-why... b-bak--"

"Hindi siya anak sa labas ng Mommy mo! Ganyan na ba ka baba ang tingin mo sa Mommy mo ha Sweetzel?!" Sigaw ni Daddy. Nilapitab ko si Mommy and hug her tight dahil naiyak siya sa sinabi ni Sweetzel sa kanya.

"Kung hindi siya anak ni Mom sa labas, bakit niya tinatawag na Mommy yung Mommy ko!!"

"She's your twin sister! For pete's sake!!!"

--
(A/N: Short update. Konting chapters na lang at matatapos na to. Happy Reading Pornians :* XoXo)

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon