P.Q#51

531 9 0
                                    

ALMIE RHOSE DORUMAL POV

"Ugh! Ang sakit ng ulo ko!" Umagang umaga ginising na agad ako ng sakit sa ulo. Naparami nga siguro yung nainom ko.

T-teka, hindi ko naman kwarto to ah. Kinapa ko yung sarili ko, buo pa naman ako at may damit pa. Grabe! Sino bang nagdala sakin dito. Mananagot ako kay Mio nito--wait, speaking of him.

Ow, I remember. Siya nga pala yung dahilan kong bakit ako nagkakaganito, siya ang dahilan kong bakit ako nagpakalasing kagabi. Siya ang dahilan kong bakit ang sakit ng ulo ko.

"You're awake. Here, pinagluto kita ng breakfast." Sabi niya na may paglalambing sa boses niya.

"No. Uuwi na ko." Malamig na tugon ko sa kanya. Tumayo na ko sa kama niya at nag-ayos ng sarili.

"Almie naman. Wag kana magalit please." Paglalambing niya. Pero di ako umimik. As long as kaya kong manahimik, tatahimik ako. Dahil baka kong anong masabi ko sa kanya at baka pagsisihan ko pa sa huli.

"J-just forget what happened yesterday." Biglang kumirot yung puso ko dahil sa sinabi niya.

"Tama ba yung narinig ko? O mali lang ako nang pagkakaintindi?"

"Al--"

"Kung para sayo ganun lang kadaling kalimutan ang nangyari, pwes ako hindi. Hindi ikaw ang nasaktan ng todo, Mio. Hindi ikaw! Kaya stop acting like nothing's happened!" I lost my cool this time. Biglang uminit yung ulo ko at biglang bumabalik ang sakit na ginawa niya sakin kahapon.

Humakbang siya papalapit sakin ng hinarap ko sa kanya yung kamay ko. "Don't come near me, Mio."

"Okay. Alam kong nasaktan kita ng--"

"Alam ko." Singit ko.

"Kaya humihi--"

"You don't need to!"

"Pwede bang tumahimik ka muna? Ayan na naman tayo eh. Hindi ka naman nakikinig sa sasabihin ko kaya nag-aaway tayo ng ganito. Please Almie, just hear me out." Pagmamakaawa niya. At dahil sa matigas ang ulo ko at ayokong makinig sa sasabihin niya tumakbo ako sa loob ng CR at nilock ko agad.

Biglang kumatok ng kumatok si Mio pero hindi ko parin siya pinagbubuksan hanggang sa huminto siya.

"Alam kong ayaw mong makinig pero wala akong paki. I need to explain those things to you dahil ayokong maghihiwalay tayo ng dahil lang dun." He said. Tahimik lang ako sa loob ng banyo at wala akong balak na magsalita.

"5 years ago ng makilala namin si Amorsolo De Jesus--Daddy ni Meyka. Siya ang may-ari ng pinaka sikat na recording company sa Hong Kong, nung nasa Pilipinas pa kami ng mga ka-banda ko narinig na namin ang tungkol sa kanya. Time passed by at naging mas magaling at mas naging sikat kami dahil sa pag pupursiging makarating sa Hong Kong at makilala si Amorsolo."

"For the 2 years na nilaan namin sa Pilipinas ay napansin din kami sa wakas. He invited us to go to his place and have some business and recordings. At dahil pangarap ng grupo namin yun, we grabbed the opportunity. At doon na kami nagsimulang sumikat outside the Philippines. He helped us kung paano ang mga paraan sa music industry sa labas ng bansa. As we learned it mas lalo kaming nakikilala sa iba't ibang parte ng bansa."

"But one day, naaksidente yung Manager namin. Car accident to be exact. Hindi namin alam kong sadya ba or hindi yung nangyari dahil sabi nung police may isang bagay daw na nilagay sa gulong ni Manager. Biglang gumuho yung mundo namin. Kasama namin si Manager through up's and down's. Sa sobrang pagluluksa ng grupo nalaos kami ng isang buong taon."

"Nung panahong yun inabutan kami ng contrata ni Amorsolo. He offered na siya ang magiging Manager namin, nung una ayaw pa namin but inisip din namin yung mga bagay na ginawa niya para samin noon kaya pinirmahan ko yunh kontrata. Simula nun naging sikat ulit kami, sari-saring guestings, events na pinupuntahan, parties at iba pa. At doon namin nakilala si Meyka. Ang unica hija ng mga De Jesus."

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon