P.Q#25

901 14 1
                                    

MIA PARCUTILO'S POV

"I told you! Hindi pa siya magaling, kita munang nangyari sa kanya!" Sigaw ko kay Krizzie Mae. Andito kami sa likod ng chapel, actually hinila ko siya dito mismo para walang makarinig samin.

"Ang tagal na nun Mia! A-akala ko ba... akala ko..." hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil ayokong marinig yung sinabi niya.

"Pwes akala mo lang yun Kriz! Alam mo naman ang kalagayan niya diba? Simula pa nung bata pa kayo, simula nun alam mo nang nahihirapan siyang huminga pag anjan ka sa tabi niya!"

"Pwede ba Mia! Stop talking like you know all this shit! Wala kang alam! So just shut up!!" Nagulat ako, hindi sa sinabi niya, kundi sa pagsigaw niya.

"I know all this shits Kriz! Alam ko lahat, dahil simula nung ipinanganak kayo ni Sweet, ipinanganak din ako! Baka nakakalimutan mong sabay tayong lumaki sa iisang bahay Kriz!"

Oo, kilala ko sila--si Krizzie at si Sweet, simula pa bata. Yung mama ko kasi yaya nila noon, and they treat my mom as their family, kaya nung nabuntis ang mama ni Sweet, sakto namang buntis din sa Mama. Isang linggo lang ang agwat. Kaya sabay kaming ipinanganak na tatlo, kaso nga lang ako kay Mama at sila naman sa Mama din nila. Doon din kami pinatira ng Mommy ni Sweet, pero nung umalis si Mama at nag trabaho sa ibang bansa. Kaya ngayon, mayaman kami. Dahil sa paghihirap ni Mama.

"Alam ko lahat, ang kulay na gusto ninyo, ang pagkaing gusto nyo, ang style ng damit, ang cartoons, and eveeything. At alam ko rin kung sinong lalaki ang sumira ng buhay ninyong magkapatid--or shall I say," I paused and look at her.

"Sa buhay ninyo ng kambal mong si Sweet."

--
RANDY WRIGHTE POV

Andito ako sa room kung saan nakahiga yung taong mahal na mahal ko. I was holding her hand and kissed it. Hindi ko akalain na may ganun pala siyang klaseng sakit. I didn't know she has a heart disease.

Binitawan ko muna yung kamay niya at tumayo. I need to clear this thing out, gusto ko malaman lahat ng nangyayari at alam ko kung sino ang nakakaalam ng lahat ng to.

Paglabas ko ng pinto agad ko namang nakita si Mia na hila-hila si Krizzie.

"What's going on?" Sabi ko saking sarili. Tatawagin ko na sana sila ng bigla kong narealize na, sinusundan ko na pala silang dalawa.

Sunod lang ako ng sunod hanggang sa makarating kami sa likod ng chapel. Nagtago ako sa may malaking puno at saktong sakto lang yung pwesto ko para marinig ang pag-uusapan nilang dalawa.

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon