P.Q#54

1.5K 14 7
                                    

ALMIE RHOSE DUROMAL POV

"Mommy."

"Yes baby?"

"Mahal na mahal po kita Mommy."

"Mahal na mahal din kita baby, don't leave Mommy alone ha?"

"But Mommy, he said he wants me na."

Sabay turo ng anak ko doon sa lalaking nakatayo sa isang lugar na napakaliwanag.

"No Baby. I want you too also, wag kang sumama sa kanya okay?"

"But Mom, I'm no good for you."

Biglang sumakit ang puso ko dahil sa sinabi ng anak ko sakin. Hindi ko alam kong anong ibig sabihin nun pero iisa lang ang alam ko, kukunin na siya sakin. Kukunin niya ang anak ko.

"Good Bye Mom. Mahal na mahal po kita."

"Baby, no. Wag mong iwan si Mommy please. Baby."

"BABYYYYY"

"Almie, calm down. Wag kang mashadong malikot."

"Call the doctor! Bilis!"

Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Alam kong panaginip yun pero para sakin parang totoo na lahat. Ayokong mawala ang baby ko. Napahawak agad ako sa tyan ko at biglang kinabahan. Bigla namang pumasok ang doctor at chineck ako.

"D-doc, y-yung baby ko po?"

I don't care about myself, mas uunahin kong kamustahin ang baby ko kesa sa sarili ko.

"Your baby is ok now. Muntikan na silang malaglag, mabuti nalang at sinugod ka kaagad dito. But misis, you need to be extra careful, wag mong i-istres ang sarili mo dahil nakakasama sa mga baby mo."

Gumaan ang aking pakiramdam dahil sa sinabi ng doctor sakin. Akala ko talaga mawawala na yung baby ko. But wait, did she just...

"Sila? Mga baby ko?"

"Hindi pa ba nasasabi sa OB mo na kambal ang nasa tyan mo?"

Hindi ako umimik sa sinabi niya. Nanatili lang akong tahimik at may kung anong nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag. Kung hindi ako nag-ingat tyak hindi lang isa ang nawala sakin, kundi dalawa. Hinawakan ko kaagad yung tiyan ko at napangiti.

Kaya pala ganito kalaki ang tyan ko gayong 2 months palang to dahil dalawa pala ang laman nito. I am so blessed kahit na puro problema lahat ng nangyari sakin noong nakaraang buwan. Simula nung umalis si Mio.

"Mie." Tawag sakin ni Maki, pinsan ko. Ang lalaking inakala ni Mio na ama ng dinadala ko. Lumingon ako sa kanya at tumingin.

"Nasa labas si Mio. He needs to see you and I think you two need to talk." Hindi ako nagsalita dahil sa sinabi niya. Umupo ako ng maayos bago tumango.

Ngumiti naman siya sakin at binuksan kaagad ang pinto. Nakita ko kaagad si Mio na papasok sa pinto. Bat mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko? Aish! Sarap kurutin.

"Love." Bungad niya sakin. May halong lungkot at pag-aalala ang boses niya. I don't want to talk, gusto ko munang marinig ang sasabihin niya.

"I-im sorry." His voice broke and it hurts me times two. Ayaw ayaw ko talagang nakikita siyang umiiyak dahil nasasaktan ako. For me, his tears are precious at maswerte ang babaeng makakakita sa mga luha ni Mio.

"I-I don't know what to say. I'm sorry for everything, Love. Sana tanggapin mo pa ako. Sana tayo nalang ulit. Sana ako nalang ulit." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Yung last na sinabi niya kasi parang sa yung line sa movie na pinanuod namin dati. I forgot the title kasi ><.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon