P.Q#45

512 8 0
                                    

JOSHUA LEDEZMA POV

Umuwi ako sa bahay nung nag text si Annabelle na pupunta siya sa doctor niya. Pero pag dating ko sa bahay wala na siya. I tried to call her pero hindi niya sinasagot yung mga tawag ko. I guess she's busy with her doctor. Hihintayin ko nalang siya dito sa loob ng bahay.

Hours passed ng may nakita akong kotse sa tapat ng bahay namin. I stayed in the balcony at pinagmasdan lang yung kotse. Bumukas yung pinto at lumabas si Annabelle. Tumawag siya ng ilang maids para kunin yung mga dala niya. Aalis na sana siya ng bigla siyang huminto at lumingon doon sa kotse. Sa tantya ko, tinawag siya. Papasok na sana ako sa loob ng biglang nahagip ng mata ko kung sinong nasa loob ng kotse. And it was Jake.

That jerk! Kelan pa sila nagkasama ni Annabelle?! My mind was closed at purong galit at selos lang ang nararamdaman ko.

Pumasok na ko sa bahay at sakto namang papasok na din si Annabelle.

"J-josh?!"

Halata sa boses niya ang gulat. Why? Dahil may nagawa siyang kasalanan sakin that's why ganyan siya makapagreact nung makita ako? Psh.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa loob ng kusina para uminom ng tubig. Pampalamig nalang rin sa mainit kong ulo.

"Kanina kapa nakauwi?" Tanong niya sakin. Hindi ko naramdaman na sumunod pala siya sakin dito sa kusina. Pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Josh? May problema ba? This passed few days kasi hindi mo ko pinapansin o kinakausap man lang."

"Not now, please. Pagod ako." Sagot ko lang sa kanya.

"G-gusto mong kumain? Ipagluluto kita. Or do you want to drink some coffee? Tea or juice?"

"Wala. Busog ako."

"Ah ganun ba? Kumain ba kayo sa o--"

"Would you please shut up?!"

Ano ba Josh! Alam kong galit ka pero hindi naman siguro tamang sigawan mo ng ganyan yung asawa mo lalong lalo na't buntis siya.

Biglang umiba yung ekspresyon ng mukha niya. Nung kaninang gulat ngayon galit na rin. Kilala ko siya eh, ang pinakaayaw niya yung sigawan siya.

"Ano bang problema mo ha?! Ano bang ginawa ko sayo at bat mo ko sinisigawan?!"

"You! You are my problem! Sinabi ko na sayo na wag na wag kang makikipagkita kay Jake na yun. Saang parte ba ng sinabi ko ang hindi mo naintindihan, ha?!"

Magkalapit lang kaming dalawa pero sa pag-uusap naming 'to mukhang may isang manipis na pader ang nakaharang saming dalawa dahil sa lakas ng boses naming dalawa.

"Yun lang bang ikinagagalit mo Josh? Nagkita lang kaming dalawa kanina sa loob ng supermarket, nakita niya yung pinamili ko kaya syempre tinulongan ako nung tao. Tapos hinatid ako dahil wala akong sundo, ayaw niyang mag commute ako dahil dilikado daw at mabigat pa yung pinamili ko. Pwede ba?! Wag makitid ang utak!"

Ayan na naman yang tulong na yan. Nung una tumulong din siya, ngayon naman tulong din? Ano bang akala niya kay Annabelle? Lumpo? Walang kamay? Walang paa? Charity? Na kailangan ng tulong palagi? Nananadya na talaga yang si Peble sakin ah! Pag ako hindi makapagtiis, susugurin ko talaga siya. Bakla ako, oo pero marunong akong sumuntok.

"Ako pa ngayon ang makitid ang utak? Tsaka tulong? Tulong ba talaga o lumalandi ka?! O baka naman siya yung lumandi at pinayagan mo siyang landiin ka. Mahiya ka naman Belle, buntis kang tao tapos makikipag landian kana sa iba?! Anong klaseng babae ka?!"

*PAK*

Bigla kong narealize lahat ng sinabi ko sa kanya. Isang sampal lang pala niya ang magpapakalma sakin. Tinignan ko siya, may mga tumulong luha sa mga mata niya. Lalapitan ko sana siya ng bigla siyang lumayo sakin. Shit! Ano na naman ba tong ginawa mo Josh!

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon