P.Q#48

576 9 0
                                    

ALMIE RHOSE DORUMAL POV

Kakatapos lang naming sumaksi sa proposal na naganap between Joshua and Annabelle, at grabe sobrang nakakaiyak at sobrang saya dahil naging parte kami at naging saksi na rin.

"Hoy na videohan niyo ba yung nagyari?" Sigaw ni Ruby, nasa likod kasi siya ng van. Papunta nga pala kami sa bahay nila Joshua para mag celebrate syempre.

"Oo naman, simula hanggang huli. Kuhang kuha." Biglang sigaw ni Brylle, yes kasama namin yung tropa ni Randy. Para may kwenta sila sa mundong to.

"Siguradohin mo lang! Mananagot ka talaga jan sa girlfriend mo." Sabi ni Jake.

"Sos, di yan. Mahal na mahal kaya ako ni MJ, diba labs?" Sabi niya sabay akbay kay Michelle Joy.

"Labs-labsin ko yang mukha mo!" Sabi ni Michelle Joy sabay siko kay Brylle. Napa-aray agad si Brylle at tumawa sila Jake.

"Yan kasi Brylle, wag kasi feeling gwapo!" Kanchaw ni Art sa kanya.

"Atleast ako, feeling gwapo. Eh ikaw? Hindi talaga gwapo." Pambara niya ulit. Magsisimula na naman yan silang dalawa.

"Sabi na eh, gumising ka nga Brylle. Feeling mo lang yan. Tandaan mo, lahat ng feeling nawawala."

"Woah! Hugot pre!"

"Naman! Virgin eh." Sabi ni Art pabalik.

"Sos feeling virgin ka lang. Ang dami mo na kayang girls, ginagawa mo pa silang bold star sa kwarto mo. Ulol." Sigaw ni Jake.

"Magka-AIDS ka sana!" Sigaw naming mga babae tsaka tumawa.

"Oh enough na yan. Baka umiyak yang si Art, wala pa naman akong candy dito." Sabi ni Randy. Sasagot pa sana si Art ng bigla siyang hilahin ni Jake palabas ng van.

Nakapasok na kami sa bahay nila Josh dala dala yung ibang pagkain na hindi nakain kanina sa venue. This is a double celebration actually, for the soon-to-be-a-married-couple at welcome party ng family ni Josh at family ni Annabelle.

Nasa mahabang table na kami and honestly, hindi ko alam kong sinong pakikinggan ko sa kanila. Sa dami-dami ba naman namin dito sa loob.

Si Josh at Annabelle, ayun nag susubuan. Ganun din si Brylle at Michelle Joy. Si Randy at Sweet naman nag babangayan pero sweet parin. Yung mga lalaki naman nakikipag chikahan ng kung anu-ano. Habang ako, andito, kumakain at tahimik na nakikinig sa kanila.

"Almie." Tawag sakin ni Ruby. Lumingon naman agad ako sa kanya.

"B-bakit?"

"Bakit pala hindi sumama si Mio ngayon?"

Mio Parcutilo, twin brother of Mia--my best friend slash boyfriend.

"May concert kasi sila sa London. Kaya hindi siya nakapunta. But he will make it up naman daw next time." Ngiting sagot ko sa kanya. Tumango naman agad siya. Bumuntong hininga naman ako at nag focus nalang sa pagkain. Hindi ko namalayan na ubos na pala yung pagkain ko at dahan dahan na rin silang umaalis at pumunta sa sala para makipag kwentohan at mag inuman.

The girls decided to come in Annabelle's room para pag-usapan yung wedding niya at the same time sa binyag ng baby niya. Yung mga lalaki naman nasa salas lang at nag-iinoman. Hinayaan na namin sila, they know their limitations after all tsaka matatanda na silang lahat.

Umakyat na kami sa kwarto ni Annabelle, at as usual kanya kanyang pwesto na naman kami.

"Bongga ka te! Hindi ko kinaya yung nangyari kanina. Ang sweet lang." Simula ni Ruby. Kahit kelan talaga ang O.A ng babaeng to. Pero kahiy na O.A siya, barkada parin namin siya. True friends eh.

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon