ANNABELLE LEE ALMERANTE POV
"Hoy, tumahimik ka na nga jan." saway sakin ni Ruby, eh kasi naman eh. Hindi ko naman alam na ganun pala yun :3.
"Huhuhu JoshyLabs." Iniiyakan ko ngayon si JoshyLabs ko, nakita ko kasi siya sa may canteen may kasama siyang ibang babae huhuhu ang sakit dito oh. Sobrang sakit talaga.
"Oh tahan na, tanungin mo muna kong sino yung kasama niya bago ka iiyak ng ganyan." Sabay abot niya sa tissue sakin. Nakakailang tissue na kaya ako? *sniff*
"Ang sakit kasi Ruby eh, sobrang sakit! Alam mo yun? Yung taong mahal na mahal mo noon pa nakita mo may kasamang ibang babae tapos magkahawak kamay pa? Bakit siya ganun sa ibang babae? Bakit sakin hindi? Bakiiiiiiiiit huhuhuhu." Actually kanina pa ako iyak ng iyak. Tumatahan naman ako pero pag naaalala ko na naman yung nakita koi yak na naman ako. Hindi ko kasi talaga maiwasan eh.
"Alam mo Annabelle, bat hindi mo siya kausapin? Ayan na siya oh papasok na dito." Sabi niya sakin. Bigla ko naming pinunasan yung mga luha ko at sakto namang nasa harapan na naming siya.
Binati niya si Ruby at nag beso beso pa tapos tumingin lang siya sakin at nag roll eyes. Another heartbreak from the person whom I love the most. Hindi ko na natiis kaya tumayo ako at humarap sa kanya.
"Ano bang problema mo sakin ha?! Bat mo ko ginaganito? Wala naman akong kasalanan ah *sniff*. B-bat mo ko pinapahirapan ng ganito ha Joshua?" and with that tumakbo ako papalayo sa kanila habang patuloy na tumutulo yung mga luha ko.
Should I give up now?
---
JOSHUA LEDESMA POV
Kararating ko lang kanina sa canteen pero heto ako ngayon, basang basa sa ulan. Walang masisilungan. Walang malalapitan. Kanta yan te, wag mong i.feel ha?
Andito na naman ulit ako sa loob ng canteen, may ipinabibili kasi sakin si Mae. Pagpasok na pagpasok ko kitang kita ko kaagad sina Ruby at kasama niya si manikang panget. Lumapit ako sa kanila at napansin ko yung mga tissue na nag kalat sa ilalim at ibabaw ng mesa nila. Ano kayang nangyari?
Paglapit na paglapit ko sa kanila binati ko kaagad si Ruby at nakipag beso beso sa kanya. Narinig ko naman yung singhot ni Manikang panget and I guess sa kanya galling yung mga tissueng nagkalat. Tinignan ko siya at nakita ko yung mga mata niya, sobrang lungkot ng mga nun at halatang kagagaling niya lang sa pag-iyak. I rolled my eyes dahil ayokong nakikita siyang umiiyak, she's a jolly person at minsan lang yan umiyak.
Magsasalita na sana ako kaya lang biglang tumayo si manikang panget. Tinignan ko siya at ang seryoso ng mukha niya habang nakatingin siya sakin.
"Ano bang problema mo sakin ha?! Bat mo ko ginaganito? Wala naman akong kasalanan ah *sniff*. B-bat mo ko pinapahirapan ng ganito ha Joshua?"
Joshua? Tinawag niya ba akong Joshua? Himala, first time in her existence na tinawag niya ako sa pangalan kong yun. At ano daw sabi niya? Pinapahirapan ko siya? Bakit ko naman gagawin yun? Eh siya nga tong nagpapahirap sakin ng tudo tudo.
Magsasalita na sana ako kaya lang bigla siyang tumakbo palabas ng canteen, susundan ko na sana siya kaya lang biglang hinawakan ni Ruby yung braso ko.
"Hayaan mo na muna siya Josh." Tumango naman ako at umupo muna saglit.
"Ano bang nangyari dun?" tanong ko kay Ruby.
"Broken hearted." Simpleng sagot niya sakin. Paano naging broken hearted yun eh patay na patay nga yun sakin eh.
"Nagpapatawa ka ba Ruby?" bigla naming kumunot yung noo niya dahil sa sinabi ko sa kanya.
"Kung sa tingin mo joke yun eh di tumawa ka. Walang pipigil sayo." Pagsusungit niya sakin. Meron siguro to, ang sungit eh.
"Sungit mo naman *pout*."
"Yaks! Wag ka ngang gumanyan Josh. Promise hindi bagay sayo. Mukha kang baklang pato!"
"Tse! Ang sama mo talaga kahit kelan!" sigaw ko sa kanya. Bigla naman siyang tumayo at humarap sakin na may nakakatakot na tingin.
"Sino kaya sating dalawa ang masama! Pinaiyak mo nga kaibigan ko eh, jan ka na nga!"
Oh c'mon! Ano na naman bang ginawa ko. Juice colored!
---
JAKE PEBLE POV
Hai everyone, I'm Jake Peble ang bagong magpapatibok ng inyong puso at ang magpapakilig sa storyang to. Nakakapagud magsalita you know?
"Hai Jakey." Bati sakin ng mga classmates ko. Jakey tawag nila sakin dahil you know. Nalahian ata ako ni Darna at ipinasa niya sakin ang kanyang mahiwagang bato.
"Hello Beshies." Bati ko ulit sa kanila. At kahit na bakla ako hindi parin maiiwasang may magkakandarapa sakin. Ang gwapo ko kaya and I have my own reason kung bakit ako nag papanggap na bakla. Yes, you read it right, nagpapanggap lang akong bakla at dahil yun sa isang babae.
"Hey, look. Diba isa yun sa mga Porn Queens?" pagka rinig na pagka rinig ko nun bigla akong tumayo para makichismis sa kanila. Baka Makita ko na yung one and only ko jan. isa din kasi siya sa Porn Queens na tinatawag nila sa school nato and honestly? Ang gaganda nilang lahat. Pero walang makakaangat sa kagandahan ng babaeng mahal na mahal ko kahit na ang pangalan niya ay kasing pangit nung manikang si Annabelle.
Nabigla ako nung nakita ko kung sino yung nasa may garden at nagpapaulan. Wow ang galling nga naman talagang tumayming ng ulan, parang sa mga pelikula lang. Tumakbo agad ako palabas, narinig kong tinatawag nila ako pero hindi ako huminto sa pagtakbo.
"Alam mo bang ang pangit mo kapag umiiyak?" sabi ko sa kanya sabay abot ng panyo ko. Tumingala naman siya at ang ikinabigla ko eh yung bigla niya akong yakapin at humagulhol siya sa pag-iyak.
"Tahan na Belle, alam mo bang nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak?" kumalas siya sa pagkakayakap sakin. Ngumiti muna siya sakin at tumalikod. Hinayaan ko nalang siyang maglakad papalayo sakin, tinitignan ko lang siya pero deep inside gustong gusto ko na siyang lapitan at yakapin.
Nakita kong biglang huminto si Belle sa paglalakad at maya maya'y natumba siya at mabuti nalang talaga nasalo ko siya bago pa siya saluhin ng lupa.
"Malaman laman ko lang kung sinong gago ang nagpaiyak sayo, sisiguraduhin kong hindi ako magdadalawang isip na kunin at ilayo ka sa kanya kahit na siya pa ang kaligayahan mo."
--
A/N: Short update for this night guys. Bad trip eh >.<. Nakaka stress pa yung exam! Jusme! So that's it. Thank you and God Bless.
BINABASA MO ANG
Porn Queens (HIATUS)
Humor"A phone without PORN is USELESS" ang motto ng mga kababaihang nabibilang sa grupo na ang tawag ay HORNY. Anim na mayayamang babae at isang mayamang bakla ang susubok sa pagsubok ng pagkakaibigan, pag-iibigan at mga pagsubok sa buhay. Ang kwentong...