P.Q#34

876 15 0
                                    

RANDY WRIGHTE'S POV

"What a busy day." Kanina pa reklamo ng reklamo tong katabi ko. Kanina pa kasi kami palibot libot sa loob ng campus para hanapin yung mga professors namin.

"Queen, gala tayo?" Yaya ko sa kanya. Bigla naman siyang lumingon sakin at sinamaan ako ng tingin.

"Alam mo King, kung hindi ka pagud hala gumala ka mag-isa mo." Ang sungit naman ng babaeng to. Ilang araw na niya kong sinusungitan simula nung anniversary naming dalawa. Hindi ko nga alam kong anong nagawa kong masama sa kanya.

"Dali na. Saglit lang naman eh." Pamimilit ko sa kanya pero wa epek, hindi niya ko pinapansin. Kinuha ko yung clearance niya at pinasok ko sa loob ng bag ko.

"Hindi mo to makukuha hanggat di ka sasama sakin." Malamig na sabi ko sa kanya. Tumayo ako at humarap sa kanya, siya naman nakaupo parin at nakatingala sakin.

"Ang gwapo ko no?" Ngiting sabi ko sa kanya.

"Sino sabi?"

"Sila."

"Wag kang maniwala."

"At bakit naman? Hindi ka ba nagagwapohan sakin?"

"Bakit? Kelan ba ko nagsabi na gwapo ka?"

"Kasasabi mo lang."

"For your information Mister Randy Wrighte, hindi ka po gwapo. Wag kang maniwala sa kanila pag sinabi nilang gwapo ka. Sakin ka maniwala, okay?!" May pagka iritang sabi niya sakin. She's weird.

"Sos, selos ka lang kasi ang daming nagagwapohan sakin. Mabuti pa nga sila eh gwapong gwapo sakin."

"Eh di dun ka sa kanila! Choopi! Layas!" Sigaw niya sabay tulak sakin. Her childish side. Ang cute niya tuloy hindi ko tuloy mapigilan yung tawa ko.

"Wag mo nga akong pagtawanan! I know I'm being weird and childish here but I can't help it." Amputik naman nag pout pa yung mahal ko. Inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya and I kiss her. Smack lang naman.

"Letche naman King!" Mura niya sakin. Tinawanan ko lang siya. Hinawakan ko na yung kamay niya at hinila papuntang parking lot.

"Alam mo King mapilit ka minsan eh! Haayss. Kung di lang talaga kita mahal naku!" Pabulong na sabi niya at sapat na para marinig ko. Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Nakarating na kami sa parking lot, at pumasok na kami sa kotse ko.

"Gutom na ko. Punta tayong jollibee King." Nabigla ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Sakto namang nakatingin siya sakin kaya nag tama na naman yung mga mata naming dalawa.

"King, alam ko namang maganda ako. Please lang, ayoko pang mamatay kaya sa daan ka tumingin!" Sabi ko nga. Sa daan na ko titingin. Pero ang weird eh.

"Kelan kapa kumain sa Jollibee?" Takang tanomg ko sa kanya. Always kasi yan Mcdo eh.

"Uhm sabi kasi nila masarap daw yung burger nila. I want to try."

One fact about my Queen? She's a Burger Monster. Ang hilig niya sa burger. Kahit ano basta burger pero dapat masarap at pasok sa panglasa niya. Kung pwede nga lang breakfast, lunch at dinner niya burger eh.

Nakarating naman agad kami sa Jollibee. Hindi na siya nag-abala sa paghahanap ng upuan dire-diretso kasi siya papuntang counter para mag order. Sinundan ko naman agad siya. Mabuti nalang at hindi na mashadong maraming tao.

"1 yum nga then extra large fries, then isang coke float and sunday." Aba sarili niya lang? Siya labg ba kakain?

"Bat isa lang inorder mo? Bat di mo ko sinalihan?" Eww, I maybe looked gay dahil nag pout ako sa harap niya mismo. Geez!

"May kamay ka diba? May bibig ka rin. Marunong ka namang magsalita. And excuse me, girlfriend mo ko pero di mo ko yaya no! Tse!" Sa lakas ng boses ng babaeng to lahat ng atensyon nila nasa samin--I mean sakin na pala. Umalis na pala si Sweetzel sa harap ko. Tsk. Napahiya ako dun ah.

--
SWEETZEL VARGAZ POV

Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Malay ko jan sa lalaking yan kung bakit ang tahimik. Kanina naman dada siya ng dada. Haay naku -_-.

Naubos ko na yung kinakain ko pero kulang pa rin. I'm craving for more lalo na yung yum burger nila at yung fries, mas masarap pa nga kapag ginawa mo ring palaman yung fries. Aish! Gusto ko pang kumain. Tinignan ko si Randy, ni hindi niya ginagalaw yung pagkain niya. Sayang naman kung di niya kainin.

"Uhmm huy. Bat di mo yan ginagalaw?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya lang ako. Ang weird naman ng lalaking to.

"Hoy ano ba kinakausap kaya kita!"

"Kung gusto mong kainin, kainin mo. Wag mo kong kausapin." Malamig na sabi niya sakin.

"Di wag! Problema ba yun! Akin na nga yang Yum burger tsaka fries! Tsk." Sabay kuha ko sa dalawa. Tinignan niya naman ako na parang hindi makapaniwala.

Kumuha ako ng ilang fries tsaka inilagay sa loob ng burger. Feeling ko nga nag ningning yung mga mata ko. Yummy...

"Alam mo, ang weird mo." Biglang sabi niya sakin. Tinignan ko lang siya at pinaikotan ng mata. Bahala siya jan. Wag ko daw siya kausapin eh, eh di wag. I'm sure di niya ko matiis. Maya maya na ubos rin sa wakas yung kinakain ko. Hinila agad ako ni Randy palabas ng Jollibee.

"Ano ba! Bat ba bigla bigla kang nanghihila?!"  Sigaw ko sa kanya. Iritang irita talaga ako sa mga taong nanghihila.

"What's with you?! Bat ang sungit sungit mo?! Tatlong araw muna kong sinusungitan!"

"Ewan ko sayo!" Sabay talikod ko sa kanya. Maglalakad na sana ako pabalik sa loob ng Jollibee ng bigla niya kong yakapin mula sa likod.

"Letche ano ba! Wag mo nga akong yakapin!"

"Wag ka ngang gumalaw mashado."

"Wag mo kasi akong hakapin!"

"May tagos ka."

What?! Bat ngayon pa dumating yung sakin! Shit naman! 

"Naman eh! Wala ka bang jacket jan? Pantago lang, aish! Uwi na tayo King." Grabe nakakahiya! Bat dito pa? Bat siya pa yung nakakita? Geez! Feeling ko mukhang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.

Naramdaman ko namang parang kumakalas yung kamay niya mula sa pagkakayakap sakin kaya bigla ko siyang hinila pabalik.

"Waaaah. Wag kang aalis King!"

"Saglit lang, di naman ako aalis." Tapos kinuha na niya yung kamay niya. Maya maya naramdaman ko nalang na may inilagay siya sa likuran ko. Haharap na sana ako sa kanya ng bigla siyang pumunta sa harap ko at may itinali.

"There, all done." Sabi niya. Ako naman nakatingin lang sa kanya na parang di makapaniwala. Eh kasi naman, yung ginamit niyang pangtago sa tagos ko eh yung damit niya. Nakahubad tuloy siya ngayon, the abs men, ulalam yummy bels.

"Laway mo tumutulo. Tara na, sa condo muna ikaw mag stay hanggang sa matapos yang period mo." Hinila na niya ko papunta sa kotse niya, hindi ako nagsalita kasi ninanamnam ko yung likod niya. Shit! Pati ba naman likuran yummy pa rin.

Ano daw sabi niya? Tumutulo laway ko? Sos pasalamat nga siya't sa kanya pa tumulo yung gamhanang laway ko eh. Kahit nga mag damit siya nakakatulo lawag how much more kung hindi naka damit. Yikes, ang swerte ko lang sa boyfriend ko. Ang yummy eh. Eh ikaw? Yummy ba boyfriend mo? HAHA alam kong hindi HAHA.

---
(A/N: HAPPY 14K PORNIANS :) SALAMAT SA PAGBABASA AT PAG SUPORTA ^^. GOD BLESS  EVERYONE ^^. HAPPY READING :)

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon