P.Q#39: Vacation III

788 10 0
                                    

RANDY WRIGHTE POV

Kinagabihan. Andito lang kami sa kwarto magdamag. Kanina pa nga natutulog ng mahimbing tong si Sweet. Pagod na pagod siguro siya kanina, plus ang init init pa. Nakaupo lang ako sa tabi niya habang minamasdan ko siya. Hinawi ko yung konting buhok na nakatakip sa mukha niya.

"Konti nalang matutunaw na ko."

"Kanina kapa gising?"

"Kagigising lang. Nung hinawi mo yung buhok ko."

"Sorry, did I disturb you?"

"No King. Tsaka gutom na rin ako ><." 

Cute. I gave her a peck on her lips at ginulo yung buhok niya. I am so lucky to have an adorable girlfriend.

"Tara na. Baba na tayo. Gutom na rin ako eh."

"Eh bat di kumain kanina?"

"Gusto ko kasi sabay tayo. Tsaka, binabantayan kita kanina."

"Whatever. Tara na nga."

"Sos, kinikilig ka na naman." Tukso ko sa kanya habang kinikiliti. Tawa lang kami ng tawa at napag pasyahang bumaba na.

Pagpunta namin sa kusina walang tao, pagbukas ko ng ref walang laman. Kaya siguro walang tao dito.

"Tara Queen, sa labas nalang tayo kakain. Mukhang nasa labas din naman sila eh."

Hindi na kami nag dalawang isip ni Queen at lumabas na kami ng hotel.

"Wow, ang ganda."

"Ang ganda nga. Pero mas maganda ka."

Alam kong kinilig to, nanapak eh HAHA. Ang daming lights, each tree may iba't ibang kulay na ilaw. Lutang na lutang ang ganda ng resort plus ang dami ring couple na nakatambay.

"Balik tayo dito King mamaya pag tapos nating kumain." Sabi ni Queen habang naaaliw sa mga ilaw.

"I have a better idea Queen."

"Ano?"

"Maghanap muna tayo ng magandang pwesto. Tapos pag nakahanap na tayo, you stay at ako na bibili ng pagkain nating dalawa."

"Himala at may idea ka. Hindi naba bulok yang utak mo?" Sabi niya sabay tawa.

"Grabe, girlfriend ba talaga kita? Psh." Kunyari nagtatampo ako. Alam kong lalapit sakin to, tapos lalambingin ako. Ang talino ko talaga.

"Biro lang ikaw naman. Tsaka wag kang magtampo tampohan jan, di kita lalambingin no! Asa kapa!" Pagkasabi niyang ganun lumingon agad ako sa kanya. Tapos hawak hawak ko yung sa may puso ko banda.

"Ouch Queen. Ang sakit, ang sakit sakit Queen! How could you do this to me? How?!"

*PAK*

"Kabaklaan mo King. Tigil tigilan mo ko sa kakadrama mo ah!"

Hehe sabi ko nga titigil na. Di ko ata kaya tong girlfriend ko. Napakasungit, napakasadista, ang hilig manapak. Aish, minsan nga iniisip ko kubg babae ba talaga to o lalaking barako tapos naging babae.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Kahit ganito yung girlfriend ko, mahal na mahal ko to.

"Tara na nga. Gutom na ko."

---
Nasa ilalim ng puno ng mangga, di naman siya gaanong mataas di rin mababa, for short tamang tama lang. Nakabili na rin kami ng pagkain at syempre, hinding hindi mawawala ang burger niya.

"Queen, ang ganda no?" Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya habang siya busyng busy sa pagkain niya.

"Ng ano?"

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon