P.Q#35

655 17 0
                                    

RANDY WRIGHTE POV

"KING! SIGE NA!"

"Hindi nga pwede ang kulit!"

"Sige na please. King, sige na. Gusto ko kumain nun."

"Hindi na. Tama na. Kakatapos mo lang kumain. Enough with that. Nakakasama ang burger."

"Kainis!"

Haaaay. Ang hirap palang mag-alaga ng babaeng may period. Minsan masungit, minsan makulit, minsan matampuhin, minsan dedma, minsan naman malambing tapos ang daming hinihinging pagkain, tapos pag di mo bibigyan magtatampo, magagalit, dedma ka. Kagaya ngayon, kinukulit niya na naman ako. Pangatlong beses na siya kain ng kain ng burger, okay lang sana kung isang burger lang maubos niya, eh ang kaso lima eh. Parang sobra naman ata yun. Nakakasama din ang burger pag ina-araw araw mo.

"Queen naman, wag kana mainis." Basta talaga siya hindi ko matiis. Nanlalambot ako kapag galit o nag tatampo siya. Di ko matiis na di ko siya suyuin at di kami magkaayos na dalawa.

"Hindi na ko maiinis, pero bilhan mo ko ulit!"

"Hindi na nga pwede!" Sigaw ko sa kanya. Nagulat siya sa pagsigaw ko kaya dumeretso siya sa kwarto ko. Aish naman!

*Mia Calling...*

"Hel--"

(Anjan ba si Sweetzel?) Naks hanep, mag best friend nga silang dalawa. Ni-Hi, ni-hello wala.

"Oo, bakit?"

(Asan? Pakausap nga ako.)

"Nasa kwarto nagkukulong."

(Why?)

"Nagtatampo ata."

(Bakit? Nu ba ginawa mo sa kanya?)

"Ang kulit eh, hingi ng hingi ng burger. Kanina pa kasi siya kain ng kain. Baka nakakasama sa tyan niya."

(Yikes! Period niya ngayon diba? Kung ako sayo Randy, ibigay mo nalang yung hinihingi ng girlfriend mo.)

"I'm worried Mia, tatlong beses na siyang kumain ng burger at tag lilima pa. Baka sumakit nga yung tyan niya."

(Alam mo Randy, pag ang babae may period kailangan nilang kumain ng kumain to ease the pain. Kasi pag ang babae may period sumasakit yung puson, kaya kapag yang girlfriend mo nanghingi ng pagkain bigyan mo agad!)

"Pero k--"

(Wag kang mag-alala hindi ka maghihirap ng dahil sa burger na pinabibili niya. Bahala ka, ikaw.lang din naman maghihirap sa pagsuyo sa kanya.)

"Aish, oh na oh na."

(Good. And one more thing, bilhan mo din siya ng chuckie. Yung malaki mismo. Bye.)

*Call Ended...*

What? Ganito ba ka hirap maging babae? Ang dami daming arte ng mga babae, no offence girls pero yun yung napapansin ko. Im just being honest here.

Hindi na ko nag dalawang isip pa, iniwan ko na muna si Queen sa condo ko at umalis na papuntang 7/11. Buti nalang at malapit lang sa may condo ko kaya less hassle. Ilang minuto pa nakarating na agad ako dito kaso may problema. Wala nga palang jollibee dito -_-. Tsk. Bumalik nalang ako sa condo ko para kunin yung kotse ko.

Nasa jollibee na 'ko, pumila na agad para makapag-order na agad.

"20--uhhm make it 30 yum burgers. Take out." Sabi ko agad.

"Uhm sir can you wait for a minute? Naubusan po kasi kami ng Yum, kailangan pong magluto ulit."

"Its okay. May bibilhin pa naman ako. Babalikan ko nalang later." Kinuha ko na yung number ko at umalis agad. Pupunta pa kong grocery store para bumili ng chuckie niya.

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon