P.Q#50

561 6 0
                                    

ALMIE RHOSE DORUMAL POV

Nasa favorite kainan kami ngayon, nagutom ako bigla dahil sa pinagsasabi ni Mio doon sa sale's lady. Tawang-tawa pa nga siya paglabas namin sa boutique, kasi nakakatawa daw yung ekspresyon nung babae. I felt sorry to that girl. Nakalimutan ko kasing ayaw na ayaw niya nga pala sa mga malalandi. Nakakadiri daw kasi.

Umorder kami ng puro seafoods. Favorite naming dalawang kainin yan dito, especially the shrimps. Geez, natatakam na talaga ako.

"Uy yung laway mo tumutulo." Tukso niya sakin. Sinipa ko ng mahina yung paa niya, nasa harap ko kasi siya. Napa-aray siya pero tumawa naman. Baliw na nga talaga siya.

Kwentohan lang kami ng kwentohan habang hinihintay yung orders namin. Tawa kami ng tawa, lumalabas kasi yung pagiging kalog namin sa isa't-isa kapag kaming dalawa yung magkasama.

"M-mio? Mio Parcutilo?"

Napatigil kami sa pag-uusap dahil sa isang babaeng nakasuot ng red tube na dress and a red high heels with super red lipsticks. Wow, pulang pula ah. But it does not matter here, how come nakilala niya si Mio eh nakadisguise nga siya diba? Is she a stalker or what? Tinanggal naman ni Mio yung sunglasses niya at tinignang mabuti yung babae.

"M-Meyka?" Biglang sambit ni Mio. Napa-palakpak naman agad yung babae. Ah--okay? Na out of place ata ako ah.

"Hey, have a seat. How are you?" Pa gentleman gentleman pa tong lalaking to! Sarap sapakin, tsaka haler? Girlfriend here? Baka hindi mo napapansin? Duh! Nag-usap lang silang dalawa, oo sila lang hindi ako sinali.

"Ahem!" Tumikhim ako. Natahimik naman silang dalawa, and of course, tumingin sila sakin.

"Uhmm, I didn't know na may kasama ka pala. And who is she by the way?" Ako lang ba o sadyang may halong pagka irita yung boses niya? Tsk.

"Uh! Nga pala. Almie, this is Meyka and Meyka, this is Almie." Inabot ko naman yung kamay ko, syempre may manners naman ako kahit konti. But I regret it, hindi ko na sana siya nilahadan ng magamhanan kong kamay!

"Uhmm so, when ka ba babalik sa Hong Kong? My Dad wants to see you na. He misses you na daw kasi eh." Maarteng sabi niya. Tinignan ako ni Mio and I also looking at him without any expression.

"Uhm, excuse me ha? Are you two are friends? Or what?" Tanong niya sakin. Saktong pag bukas ng bibig ko ay nagsalita si Mio.

"Ah, yes! She's my bestfriend. Diba, Almie?" Sabi niya at pinanlakihan ako ng mata.

Why I have this kind of feeling na parang pinupunit ng unti-unti yung puso ko. Yung feeling na parang may mga karayom na tumutusok tusok sa bawat parte ng puso ko. Yung feeling na parang may hika ka dahil sa hindi ka makahinga ng maayos dahil sa sobrang sakit ng puso mo. Ganito ba yung feeling na i-deny ka ng taong mahal na mahal mo? Siguro ok lang sakin na ideny niya ko pero yung wala ako sa harap niya--nila. Kasi baka matanggap ko pa, pero bakit kailangan harapharapan pa?

"A-ah yes." Wala sa sarili kong sagot.

Bigla namang pumulupot yung mga kamay ni Meyka sa braso ni Mio.

Fvck this!

"Good! Akala ko kasi may ibang babae na siya eh. Alam mo ba na since naging Manager nila si Daddy ko, naging mas malapit ako sa grupo nila and especially kay Mio. We even do dates before eh."

Hindi kayang ma-process ng utak ko lahat ng pinagsasabi ng babaeng to. Mashado akong naiirita, mashado akong nagagalit at mashado akong nasasaktan. He even dated her kahit na may girlfriend siya? Ito ba ang ginagawa ni Mio everytime na mag a-out of town sila ng groupo nila? Sh*t naman! This is too much for me to handle.

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon