P.Q#37: Vacation I

942 14 0
                                    

SWEETZEL VARGAZ POV

1 whole week vacation sa Gensan and it is really nice to visit this place. Ang ganda kasi ng view dito and ang lamig din ng hangin. Actually kanina pa kaming mga 9am nakarating sa lugar na to. At hanggang ngayon di parin ako makapaniwalang andito ako sa Gensan. Its our first time to be here kaya susulitin namin tong moment na to.

"Enjoying the view, My Queen?" Tanong niya sabay hug niya sakin mula sa likod.

"Ang ganda pala talaga dito King. Ang ganda ganda tignan nung dagat, even those mountains na makikita from here." This place really is amazing. Grabe. Busog na busog yung mata ko sa ganda ng view.

"I agree, ang ganda nga ng lugar. But would you also agree pag sinabi kong mas maganda kapa kesa sa mga view na andito?"

"Ayan kana naman King eh. Nakatirik ang araw pero yang banat mo nakikisabay."

"Sos, kinikilig kana naman." Yes, I admit it. Alam ko sa sarili ko na kinikilig ako. Ikaw ba naman may boyfriend na bigla bigla nalang mangbanat, magpapacorny at magpapakasweet para lang kiligin ka araw araw. Syempre naman, kikiligin ka talaga.

"Ewan ko sayo. Tara na nga sa loob, na iinitan na kasi ako."

"Naiinitan kana? Ang hot kasi ng katabi mo." Eto na naman po tayo sa pagiging mayabang ng boyfriend ko.

"Ang hangin lang grabe. Tara na nga. Baka hinahanap na nila tayo." Pag-aya ko sa kanya.

Nasa loob na kami ng hotel, nadatnan namin sila na nag-aayos ng mga gamit at nag-aagawan sa mga vacant rooms. We're not teenagers anymore pero kung umasta kami parang teenagers parin.

"Anyare?" Tanong ko sa kanila. Nakatingin naman agad sila sakin.

"Eto kasing si Braylle, gusto niya nasa iisang kwarto lang sila ni Michelle Joy." Sumbong ni Abby.

"Wala namang masama dun. Mag boyfriend girlfriend naman silang dalawa and they know their limitations kaya ok lang." Sagot naman ni Randy. Sabagay tama nga naman siya.

"Sos, sumang-ayon siya kasi ganun din gagawin niya. Mag-iisang kwarto din sila ni Sweetzel."- Ellie

"Paki niyo? Inggit lang kayo kasi wala kayong mga girlfriend. Psh." Medyo inis na sabi ni Randy sa kanila. Natawa naman ako dahil sa kanila.

"Oh tama na yan. Eto nalang para fair sa lahat. Sa iisang kwarto tayong mga babae at sa iisang kwarto din kayong mga lalaki." Suggest ko sa kanila. Aangal pa sana si Randy at si Braylle ng bigla ko silang pinanlakihan ng mata.

"Queen naman. Eto na nga yung time na magkasama tayo buong linggo di mo pa ko pagbibigyan." Sabi niya sabay pout. Jusko! Kabaklaan niya naman lumalabas.

"Si Randy at si Sweet, si Michelle Joy at si Braylle. Si Annabelle at si Joshua. Silang anim lang ang mag-iisa ng kwarto habang yung walang couple sa iisang kwarto kayo."

So bale, ako at si King sa isang kwarto, same as Michelle and Braylle and Annabelle and Josh. Habang si Ruby, Mia, Almie at Angel sa iisang kwarto sila. Habang si Abby, Jake at Ellie sa iisang kwarto din.

"Nga pala Almie. Di mo ba inaya si Mio?" Tanong ni Mia sa kanya. Oo nga, kanina ko pa napapansing tahimik tong si Almie.

"Busy siya kaya di ko na inaya." Sabi niya. Sabagay, busy naman talaga si Mio. Ang dami kasing nag rerequest sa kanila kaya sobrang busy nila.

"Uhm, akyat na tayo? Para maayos na natin yung mga gamit."

"Oh sige tara. Hoy kayong mga lalaki. Bitbitin niyo nga yang mga gamit." Sigaw ni Annabelle sa kanila. Wala nang nagawa yung mga lalaki kaya kinuha nalang nila yung mga gamit ng mga babae. Pero syempre, yung gamit ko nakay Randy na.

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon