P.Q#53

626 7 1
                                    

ALMIE RHOSE DORUMAL POV

Matapos kong marinig ang sinabi ni Mio biglang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Alam kong nakatingin sila sakin ngayon, but I don't care.

"What happened, Almie? Bat ka umiiyak? Is there something bothering you?" Tanong ni Tita Bea. Sa pananalita niya hindi mo malalaman kong concern ba siya o natutuwa sa nakikita niya.

Nakayuko lang ako at patuloy na umaagos yung mga luha ko. Hinahayaan ko lanh silang umagos hanggang sa na realize kong mukha na pala akong tanga ngayon at sa harap pa talaga nila.

Pinunasan ko yung luha ko sa pisngi at pilit na ngumiti at humarap sa kanila.

"Haha I'm sorry Tita. Nadala lang ako sa emosyon. By the way Tita, Tito, I need to go na po. May emergency po kasi eh." Pagsisinungaling ko. Hindi ko na sila pinagsalita pa. Tumalikod na ko at naglakad papalayo sa kanila. Palalayo sa taong sinaktan ako ng sobra.

Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway, umaasa pa rin ako na hahabulin ako ni Mio. Na pipigilan niya ko, na babawiin na niya yung sinabi niya, na ako lang ang mahal niya. Pero wala, walang Mio'ng humabol at pumigil sakin.

Oo nga naman, sino ka ba naman Almie para habolin ng isang Mio Parcutilo. You're just his best friend, for Pete's sake! Stop assuming things!

Sa sobrang pag-iisip ko, namalayan ko nalang na nasa harap na pala ako ng condo ko. Nagbayad na ako sa taxi at agad na pumasok sa loob.

Pagpasok na pag pasok ko dumiretso agad ako sa kwarto at umiyak ng umiyak. Hindi ko na talaga kaya to. Bubuhos na siguro lahat ng luha ko ngayon ng biglang may kumatok sa pinto. Mabuti nalang at ni lock ko yun.

"Almie, Love. Let me explain." Panimulang sabi niya. Sa boses pa lang niya alam kong nasasaktan siya. Hindi ako manhid at alam kong naiipit lang siya sa sitwasyon namin ngayon.

"Ano pa bang kailangan mong i-explain ha Mio? Ano pa? Ano pang kasinungalingan ang sasabihin mo sakin?! Gustong gusto mo ba talagang nakikitang nasasaktan ako ha?!"

"Please Almie. Kahit ngayon lang. Please Love, please." Pagmamakaawa niya. I want to hug him, I want to touch him, I want to kiss him but I don't want to see him. Baliw na kong baliw pero yan ang nararamdaman ko ngayon.

Galit ako, oo. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko na siya mahal. My love for him is bigger than my anger. Kung nakikita ko pa siya ngayon alam kong napatawad ko na siya.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinipigilan ang luhang gustong lumabas.

"Ano? Sasabihin mo na naman bang naipit ka sa sitwasyon dahil malaki ang utang na loob mo sa kanila? Na sila ang sumagip sa bandang pinaghirapan mo?!"

"Alam ko Mio, alam kong importante sayo ang banda mo, but am I not important too? Hindi ba ko importante sayo? You can keep me and your band Mio."

"You don't understand the situation, Almie. Napakakomplikado ng lahat. Kaya nilang sirain ang bandang binuo ko, kaya nila kaming tanggalan ng trabaho at kapag nagkataon, saan kami pupulutin? Saan Almie?"

"No Mio! Everything is not complicated, ginagawa mo lang komplikado ang lahat. Naipit ka sa sitwasyon kasi wala kang ibang solusyon. Nagpapadala ka kaagad sa kahinaan mo. And what you did there gave me so much pain Mio! Alam mo ba yun? Of course you don't! You don't know the feeling that someone you loved the most denied you two times in front of others."

Humagulhol na ko dahil hindi ko na mapigilan ang luhang kanina pang gustong kumawala sa mga mata ko.

Biglang may dalawang kamay ang pumulupot sa bewang ko. He hugged me, yung yakap na ramdam na ramdam mong mahal na mahal ka niya. Yung tipong hinding hindi ka niya bibitawan kahit na kailan.

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon