P.Q#19

1K 22 4
                                    

MIA PARCUTILO POV

Hinila ko papalayo kay Sweet si Anj. Dahil baka hindi lang sampal ang magawa niya.

"Malandi ka!!" Sigaw ni Sweet kay Anj.

"A-ano bang ginawa ko sayo?" Sagot ni Anj sa kanya. Hinawakan ko yung kamay ni Anj dahil baka biglang susugod si Sweet sa kanya, mahirap na.

"Ginawa mo sakin? Nilandi mo lang naman ang boyfriend ko!"

Biglang kumulo yung dugo ko sa sinabi ni Sweet. Itinago ko si Anj sa may likuran ko. Kumalma muna ako bago nagsalita.

"Teka nga muna Sweet. Anong pinagsasabi mong malandi si Anj?"

"Yang babaeng yan! Siya yung nakita kong nakikipaghalikan kay Randy sa loob ng gym. You bitch!!" Sigaw niya at sumugod kay Anj. Hindi ko na mapigilan yung galit ko kaya naitulak ko si Sweet. Nagulat naman siya sa ginawa ko, this is the first time na naitulak ko siya ng dahil lang sa galit ko.

"Pwede ba! Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Anj! Nakakasiguro ka bang siya talaga yun ha? May ebidensya ka ba?!"

"Oo meron! Dahil may nakakita sa kanya! At si Angel yun!"

Tinignan ko ng masama si AngHELL. Nagtago naman agad siya sa likod ni Sweet.

"Ows? Talaga? Sigurado ka bang si Anj ang nakita mo Angel? O yung sarili mo mismo ang nakita mong nakikipaghalikan kay Randy?!" Nanglaki naman ang mata ni Angel at ni Sweet.

"A-anong ibig mong s-sabihin?" Kinakabahang tanong niya sakin.

"Alam mong alam ko kung anong ibig kong sabihin at kung anong ugali meron ka Angel. Nahuli na nga kitang nag transformed hindi ba? From being a nerd turns into a low class bitch."

"Stop it, Mia! Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Angel! Wala siyang kinalaman dito! Bakit hindi mo matanggap na yang babaeng yan ang lumandi talaga kay Randy!"

"Talaga? Dahil sa pagkakaalam ko, sabay tayong pumunta ng school at humiwalay ako sayo kasi kailangan kong puntahan si Anj. And how come napunta siya sa loob ng gym eh nasa tabi ko siya nung oras na may nakita kang kahalikan si Randy? Sige nga, ipaliwanag mo nga yang kasinungalingan mo Brenda Assuncion. "

Lahat ng attention nasa saming apat, lahat ng mata nakatingin samin, lahat ng tengang meron sila nakikinig samin. At lahat ng sinabi ko narinig nila.

"Oh bakit bigla kang namutla Brenda? Did I hit it? Oopss, sorry but ang pagpapanggap mo ay dito na mismo matatapos." Singit ni Annabelle samin.

Hindi namin malaman kong anong reaksyon meron si Sweet ngayon. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng narinig niya at sa lahat ng sinabi ko.

"T-totoo ba yun Angel?" Tanong ni Sweet sa kanya. Umatras ng konti si Angel at tinanggal niya yung peke niyang buhok at peke niyang salamin!

"Surprise? HAHA hindi ko lubos maisip na ganyan ka pala kabilis mag tiwala Sweet. Oh dear, look at you. You look so priceless."

*PAK*

Isang malutong na sampal ang nakuha ni Brenda mula kay Ruby, lahat kami nabigla sa ginawa niya. Hindi ko lubos maisip na kinakampihan pa niya si Brenda dati.

"How dare you!!" Galit na sabi ni Ruby. Susugod pa sana siya kaya lang biglang siyang pinigilan ni Sweet. Hinayaan lang namin sila kung anong dapat nilang gawin kay Brenda.

"You did it on purpose do you?! Pagkatapos ka namin maging kaibigan ito igaganti mo samin?!"

"Enough Ruby." Pigil ni Sweet sa kanya.

Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon