P.Q#11

1.5K 19 0
                                    

SWEETZEL VARGAZ POV

This is it, first day of school sa loob ng public school. The feeling is unusual dahil hindi namin alam kong anong mangyayari samin sa loob ng school na to. Nasa labas kami ng NPS (National Public School) at grabe ang creepy ng school nila, may mga tambay pa sa labas. May mga studyante din sa labas na naninigarilyo halos lalaki at may babae din.

"Hindi na ba pwedeng mag back out?" sabi sakin ni Ruby sabay kapit saming dalawa ni Mia, magkatabi kasi kaming dalawa at siya naman sumiksik sa gitna namin. Takot nga pala to sa mga lalaking naninigarilyo, mukhang mga kapre daw kasi. Weird mind.

"Hindi na, nakapag-oo na kasi tayo and we don't have any choice." sabi naman ni Almie. Tama siya, once we said yes wala na talagang atrasan. Bakit kasi hindi namin to tinignan muna bago umu-o kay Principal.

"Ewww, wag mo nga ako bugahan ng usok!" napatingin kami sa gawi ni Joshua at nagulat kami dahil pinapalibutan siya ng mga lalaking tambay. Kawawang bakla naman oh.

"Hoy ano ba! Tigilan niyo nga yang boyfriend ko!" pagtatanggol naman ni Annabelle sa kanya, nagsitawanan naman yung mga lalaki at patuloy na binubuga kay Josh yung usok na galing sa sigarilyo nila.

"Boyfriend mo to? Tong baklang to?" sabi nung lalaking nakaitim, well actually naka itim silang lahat. Ang pagkakaiba lang eh yung print sa damit nila. Bale yung kumausap kay Annabelle yung may crown print yung t-shirt, yung kanina pang buga ng buga ng uso kay Josh is yung lalaking may skull print na t-shirt and the remaining 3 boys, yung print nila is headset, emo at yung pinaka worst is yung lalaking may bottle ng rugby ang print ng t-shirt.

Grabe ganyan na ba siya ka adik para iprint yung ganung klaseng design? Ang che-cheap naman nila, mga amateur gangster siguro to sila. Paano ko nasabing amateur gangster sila? Para naman mas sosyal sila.

"Oo boyfriend ko siya, anong paki mo? Tsaka bakla? Oo, bakla nga siya pero atleast mas lalaki pa siya sa inyo! Pwe!" ang lakas talaga ng fighting spirit ni Annabelle, walang inaatrasan eh.

"Anong sabi mo ha?!" sabi nung lalaking may crown print na t-shirt sabay hawak sa braso ni Annabelle, lalapit na sana kami para pigilan yung lalaking adik na yun ng bigla siyang natumba. Lahat natulala at napanga-nga dahil sa pagka tumba nung lalaki.

"Aray ha! Grabe, ang tigas ng mukha mong gago ka!" nabigla kami sa nagsalita and believe it or not, si Mia yung sumuntok sa lalaking may crown print na t-shirt. Nasa state of shock pa kaming lahat dahil hindi naman namin inaasahang gagawin niya yun. Yung pagiging brutal niya lumalabas na naman, ayaw na ayaw niya kasing pinagbubuhatan kami ng kamay ng kahit na sino lang at mas lalong hindi yan papayag kapag ganitong sitwasyon na ang mangyayari.

Biglang nagsilapitan yung apat pang lalaki, pero hindi sila lumapit doon sa lalaking natutulog sa sahig kay Mia sila lumapit and guess what lumuhod yung apat habang umiiyak. Huh? Anyare?

"Master huhuhuhu." sabi nila kay Mia. Ha? Ano daw? Master?

"Tumayo nga kayo, ang papanget niyo at wag niyo nga ako tawaging master!" reklamo naman ni Mia sa kanila. Wow, theres a lot of question mark inside my head. Hindi ko alam kong anong nangyayari at bakit master ang tawag nila kay Mia.

"Uh, whats happening?" tanong ni Ruby napatingin naman samin yung apat at si Mia.

"Pag napatumba mo yung mismong leader nila, ikaw na ang tatawaging master nila." biglang singit ni Almie, ha? ano daw? Hindi ko pa rin maintindihan.

"So you mean yung lalaking natutulog diyan eh leader nila? How cheap." comment naman ni Ruby, talagang cheap. Sabi ko naman sa inyo eh mga amateur gangster sila, psh.

"Sinong tinatawag mong cheap ha? Ako ba? Ha?" sabi nung lalaking nakatulog dahil sa isang suntok ng babae. Tsk.

"Uy gising kana pala, baka gusto mo pang matulog ha?" panghahamon naman ni Josh sa kanya.

"Ang lakas ng loob natin ngayon Josh ah, anyare kanina? Bat biglang bumalik yang buntot mo sa loob?" sabi ko sa kanya. Lakas ng loob ng baklang to, akala mo naman kung sinong matapang eh siya pa nga tong ipinagtanggol ng babae. Sabagay babae naman kasi siya--pusong babae.

"Uhmm guys mukhang late na ata tayo?" pangbabasag ni Ruby sa away na magsisimula na naman sana. Nagkaharapan na naman kasi si Josh at yung lalaking cheap.

"Shit! Tara na pasok na tayo, hayaan niyo na yang mga shokoy jan." sabi naman ni Mia sabay kuha nung bag niya at naglakad na papuntang gate kaya sumunod nalang kami sa kanya.

---

"Sila ba yung new students?"

"Grabe ang gaganda nila."

"Duh halata namang nagpapanggap mayaman lang sila no."

"Yah right. Tignan niyo nga sila ang sisimple lang kaya nila."

Yan lang yung iilan sa mga naririnig namin habang naglalakad kami sa ground, yung style kasi ng school nila is ganito. Pagpasok mo sa gate nila kaharap na agad ang building nila, so basta imaginin niyo na lang hindi ako maganda mag describe eh basta yun na yun. Kung hindi mo ma imagine, kawawa ka XP.

May humarang saming limang babaeng clown? Wow ang cool naman ng school na to pwede palang pumasok pati clown? Cool.

"Para sabihin ko sa inyo, hindi kayo maganda." sabi nung babaeng putok na putok yung labi sa sobrang pagka pouty lips.

"Para sabihin namin sa inyo, new students lang kayo dito so..."

"Back off bitches!" sabay sabay na sabi nilang lima. Wow sabayang bigkas.

Nabigla silang lima dahil sa ginawa namin, malamang sino ba namang hindi mabibigla eh bigla kaming pumalakpak at sabay sabay pa talaga at sabay din kaming natapos.

"Ang cool ng school." sabi ni Ruby

"Ang cool ng grounds." sabi naman ni Annabelle

"Mukhang lahat ata dito cool maliban lamang sa limang to." kalmadong sabi ni Almie

"Wag ka nga mashadong harsh Almie, be nice to the clowns baka hindi na tayo patatawanin niyan." natatawang sabi ni Michelle Joy. Napansin naman naming mukhang nagegets na nila yung sinasabi namin. Hindi naman pala slow.

"What t--" react nung babaeng mukhang panda sa sobrang kapal ng eyeliner nila.

"Shhh te, wag muna magsalita ha? Hindi pa kasi kami tapos eh." sabi ni Josh kaya tumahimik naman sila pero halatang halata na sa kanila na husto na nilang sumugod samin. Ang pipikon naman nila, para tawagin lang clowns eh.

"You know girls, our self-esteem has two levels." sabi ni Mia sabay lapit sa kanila at sila naman mukhang natakot at biglang napaatras.

"We are worthless piece of shit who deserves no love." sabi ko at syempre sabay lapit din sa kanila. Na gets siguro nila yung sinabi ko kaya tawa sila ng tawa. Bigla namang nag forward sila Ruby at sabay sabay kaming nagsalita.

"And bow down before us BITCHES! WE ARE YOUR QUEEN!"

---


Porn Queens (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon