*Kath’s POV*
Shizz. Papasok nanaman ako, aga-aga 5am palang.
Astig diba? Sobrang aga ng pasok namin. Medyo malayo naman kasi yung bahay naman eh. Bwiset hahaha.
Simula nang nangyari yung pinakamasakit na pangyayari sa akin, tinatamad na ako pumasok. Hahahahaha abnormal ko talaga. Walang inspirasyon eh.
Parang kahapon lang nangyari yun.. ansakit pa din sobra.
flashback
Uwian na, tatambay muna kami ni Julia sa likod ng school bago umuwi.
Rubiks cube lang ako ng rubiks cube. Hahahaha.
Haaaay, cool off pa din kami DJ. Di ko na talaga maintindihan kung anong nangyayari sa amin. Mukhang ako lang naman yung apektado sa cool off na toh eh. Kasi siya, ansaya-saya pa din.
Eh ako? Iiyak-iyak kaninang breaktime. Tss.
Umupo muna kami ni Julia, tahimik lang kami at nagpapahangin, alam niya naman kasing may problema ako kaya tahimik lang kami.
Nagcoconcentrate lang ako sa rubiks cube nang biglang may humila kay Julia, alam kong si Sofia yung humila sakanya. Rinig na rinig yung boses eh. Hahaha.
Loner ako ditto sa likod, nagrurubiks cube at iniisip yung nangyayari samin ni DJ.
Nang biglang may tumabi sa akin, hinayaan ko lang yung taong yun. Baka naman kasi si Julia lang yun, pero biglang..
“Sorry”, kahit hindi pa ako lumilingon sakanya, boses palang niya. Kilalang-kilala ko na. Yung taong miss na miss ko na at sobrang mahal na mahal ko.
Pagkasabi niya ng sorry, tinitigan ko lang siya at bumalik na sa pagrurubikscube. Namumuo na talaga yung mga luha ko. Ayokong umiyak sa harap niya.
“Sorry kasi hindi ko natupad yung pangako ko sayo.” Pagpapatuloy niyo pa.
Wait, pangako? Ah, yung forever daw kami.
Tss in the first place naman talaga hindi ako naniniwala sa salitang forever. Pero nung nagging kami, naniwala na ako na nag-eexist talaga ang forever.
Once again, tinitigan ko lang ulit siya at nilapag yung rubiks cube tas lumingon ako sa kabilang side kung saan hindi ko siya makikita.
Viola! Umiiyak na ako. Tuloy tuloy lang yung mga luha ko.
Humihikbi na nga din ata ako eh, siguro narinig niya yun kaya niyakap niya ako.
Nung una, nagmatigas pa ako, hindi ko siya niyakap pabalik. Hinayaan ko lang. Pero nung paulit-ulit siya sa pagsosorry at nagpapaliwanag.
Niyakap ko na din siya, at umiyak sa balikat niya. Parang nakakahiya na nga eh kasi basing-basa na yung uniform niya dahil sa luha ko. Hahaha.
Sa paulit-ulit niyang pagpapaliwanag, may nagstuck sa ulo ko, “Sorry, hindi lang naman toh dahil kay Zharm eh, madami pang dahilan.” fuu. Zharm nanaman. Nagcool off kami dahil kay Zharm.
Tss ok, umiiyak pa din ako minsan nagsasalita ako, paulit-ulit lang din naman yung sinasabi ko eh, “Ayoko”, “Ok lang kahit masaktan ako”, “Mahal na mahal kita”. Nung sinabi kong mahal ko siya, hahawakan niya sana yung kamay ko pero hinila ko agad yung kamay. Pero hinigpitan niya yung hawak niya. At yun iyak pa din ako ng iyak.
“Oy uwi na lahat.” extra amputa. Hahahaha. Yan lang naman ang epal na guard ng school. Hello?! Nagmomoment po kami tas eextra ka? -___-
Nung narinig namin yan, humiwalay agad ako sa yakap niya at pinunasan yung luha ko pero tuloy tuloy pa din yung luha ko.
Umupo na lang ako ng maayos.
Nagsalita ulit siya, “Uwi na ako ha, tahan na.” Hinalikan niya ako sa noo.
And yes, yun yung first time halikan niya ako.
Kahit 3 years na kami hanggang yakapan lang talaga. Bawal masyado PDA ditto sa school eh. Hahahaha. Ayun, umalis na talaga siya ng tuluyan sa buhay ko. At dumating na yung mga taga-rescue kong kaibigan si Julia at Miles. Pinatahan nalang nila ako. Ang sakit.
flashback ends
Tinignan ko yung phone ko habang papunta ako sa school.
Daming messages puro GM lang naman.
Nakita ko yung text ni DJ, goodmorning daw. Hahaha k. Guess what? He’s my bestfriend na.
Himala noh? Hahahahaha. Naggoodmorning nalang din ako at tinago ko na yung phone ko baka maholdap pa ako ng wala sa oras eh XD.
Pagdating ko sa school, ayuuun ang loko. Nag-iingay haha.
Umupo nalang ako sa upuan ko at tinabihan si Sofia.
Tawa-tawa lang kami tas dumating na yung teacher namin.
*lesson* *lesson* *lesson*
Then breaktime! Hahaha my favourite subject!
Nakatambay si DJ sa pinto, alam ko naman kung bakit nandun yun eh. Sumisilay kay Zharm tss.
Di ako nagseselos! Tss nagrereact lang ako.
Palabas na sana ako nang biglang tinawag ako ni DJ, “Oy Kaaaaaath!” sinigaw niya talaga.
Alam ng mga classmates namin na break na kami pero hindi nila alam na back to bestfriend na ulit kami. Hahaha. Kaya ayuuun, pagkasigaw na pagkasigaw niya ng pangalan ko.
Biglang nagkantahan yung mga classmates naming ng
“Muling ibaliiiiiiik..ang tamis ng pag-ibiiiig” Nilapitan ko na lang si DJ at sinuntok sa tiyan.
Hahaha di ko na siya hinintay magsalita kasi umalis na ako para bumili sa canteen.
BINABASA MO ANG
Smile like you've never been hurt
FanfictionFrom Bestfriend to Boyfriend to Ex-boyfriend and back to Bestfriend again. Kahit anong trato mo sa akin, ganun pa din ang pagmamahal ko sayo. Walang magbabago, it will remain forever, nothing will change. But can I handle this relationship?