*Kath’s POV*
Nagising ako ng sobrang aga dahil sa phone call ni DJ.
Hindi ko alam kung sinong kausap niya pero feeling ko napakaimportante nun kasi sinagot agad ni DJ.
Duuuh phone call tapos 5:30 am?!! -____-“
Naririnig ko yung usapan nila, actually yung kay DJ lang pala ang naririnig ko.
“Oo, hindi ako pupunta. Yun ang desisyon ko.”
“......”
“Bakit ba kasi kailangan nyan? Pwede namang umuwi na lang kayo dito sa Pilipinas. Ako na lang magttrabaho para sa atin, kaya ko naman eh”
“......”
“Oo na! Pag-iisipan ko na lang.”
Nakita kong binaba na ni DJ yung phone at bumalik na ulit sa higaan niya.
Ay oo nga pala! Nandito pa din siya sa kwarto, yun nga lang sa sahig siya natulog. Hahaha.
Dun niya gusto eh :3
*DJ’s POV*
Nagising ako bigla sa tawag ni Papa.
Yan nanaman siya, kagabi pa niya kinukulit si Mama.
Sinagot ko na lang.
“Daniel, nakapagdesisyon ka na ba?” Papa
“Oo, hindi ako pupunta. Yun ang desisyon ko.”
“Alam mong kinakailangan mong pumunta dito” Papa
“Bakit ba kasi kailangan nyan? Pwede namang umuwi na lang kayo dito sa Pilipinas. Ako na lang magttrabaho para sa atin, kaya ko naman eh”
“Ilang taon ko din naman pinaghirapan ‘tong posisyon ko dito. Hindi naman pwedeng iwan ko na lang basta-basta. Hindi ba’t ikakasal na kayo ni... Kathryn ba yun? Kailangan mo na mag-ipon para sa kasal at magiging kinabukasan ng pamilya niyo.” Papa
“Oo na! Pag-iisipan ko na lang.”

BINABASA MO ANG
Smile like you've never been hurt
FanfictionFrom Bestfriend to Boyfriend to Ex-boyfriend and back to Bestfriend again. Kahit anong trato mo sa akin, ganun pa din ang pagmamahal ko sayo. Walang magbabago, it will remain forever, nothing will change. But can I handle this relationship?