*DJ’s POV*
Busy silang lahat samantalang ako nganga lang. Dejoke hahaha.
Busy yung barkada sa pagsasaayos ng plano ko. Pinapaplano na nila kung sino yung magseset ng kung anu-ano para mas kasurprise-surprise.
Ako naman, ang trabaho ko ay kuntsabahin ang parents ni Kath.
Ngayon pa nga lang nila ako makikilala eh. Hindi kami legal noon diba? Pero sabi ni Kath sa akin noon na kilala na ako ng Kuya niya. Hahaha. Palagi nga daw siyang inaasar eh.
“Tao po.” Kumatok ako sa gate nila.
Pinagbuksan ako ng yaya nila.
Actually, hindi ito yung yaya ng buong bahay. Ito yung yaya LANG ni Kath. Kumbaga, personal yaya niya. Spoiled brat talaga -___-“
“Hi Ate. Uhm, nandyan po ba yung parents ni Kathryn?” tanong ko dun sa babae
“Ay si ano ka.. si ano.. Sir Daniel!”
Oh, kilala niya ako?! Ang galing naman neto. Siguro may pagnanasa toh sa akin kaya iniistalk ako. Joke, feeler lang. Hahaha.
“O-opo. Paano niyo po ako nakilala?” tanong ko ulit
“Lagi po kasi kayong kinikwento ni Kathryn sa akin. Ay pasok po kayo, nasa sala sila Maam at Sir.”
Pinapasok niya na ako.
Nadatnan ko yung Mommy at Daddy ni Kath sa sala, nanonood yung Daddy ni Kath ng TV, habang yung Mommy niya naglalaro ng.. Candy Crush? Hahaha astig yung nanay ni Kath ah XD.
“Uhm Maam Min, may bisita po kayo.” Sabi ni Yaya Myel, yun daw pangalan niya eh. Umalis din siya pagkatapos niyang sabihin yun.
“G-good afternoon po. Ako po si D-daniel.” Shiiz. Nauutal pa ako sa harap nila, nakakahiya =.=
“Oh iho, napadalaw ka dito. Kaklase ka ni Baby Kath diba?” Daddy niya yan.
Waaaaaaah! Ganito pala kahirap toh. Kinakabahan ako mga bregs. Kayo ko toh, para kay Kath. PARA KAY KATHRYN *U*
“A-ano po k-kasi. Uhhh..” Pucha, bat ganito ako magsalita?! Hiyang-hiya na talaga ako.
“Nako Daniel. Nahihiya ka pa, alam ko naman yung gusto mong sabihin eh.” Mommy ni Kath
“H-huh? Ano pong ibig niyong s-sabihin?” ano daaaaw? Medyo slow ako eh. Hahahaha.
“Haaay, ex-boyfriend ka ni Kathryn. Akala niyo hindi ko alam yun ah. Gabi-gabi, lumalabas pa yun ng bahay para makausap ka sa telepono. Lagi kong pinapakinggan yung pag-uusap niyo, Mga kabataan talaga.” Huwaaaaaaaaaaaat?! Nakakahiya na talagaaaa.
“Ah, he-he-he. S-sorry po kung hindi namin ipinaalam. Natatakot daw po kasi si Kath sa inyo.”
“Yung batang talaga yun kahit kelan. Ex ka na niya diba? Anong nangyari sa inyo? Ang tagal-tagal niyo na nga eh, akala ko nahanap na ng baby ko yung bago niyang hari sa buhay niya.” Daddy Teddy
Grabe, kaya pala sobrang spoiled brat si Kath kasi ganito yung trato niya sa kanya. Tsk tsk.
“Ay opo. Ako po yung nakipaghiwalay. Kasi po naconcious ako sa grades ni Kath, sobrang baba na po dahil sa akin. S-sorry po kung n-nasaktan ko yung anak niyo,” huhu nakakaiyak pala toh. Mukha na akong shunga dito.
Magsasalita na sana yung Mommy ni Kath pero may biglang bumaba sa hagdan at pumunta dito sa sala.
Mukhang kuya ni Kath toh. Sino pa bang lalaki sa bahay nila? Hahahaha.
“Uyyy ikaw yung ‘DJ ko’ ni Kath-kath diba?” Pati ba naman callsign namin ni Kath, kalat na kalat na din. Hindi talaga marunong magtago yun eh. Hahahaha.
“He-he-he” nahihiya talaga ako
“Nako nahiya ka pa sa akin tol. Alam na alam ko yung bawat galaw niyo ni Kath-kath nung kayo pa. Hanggang sa pag-iyak niya nung nagbreak kayo. Sa pagbibitter niya. Astigg!” Oh? Grabe talaga yun di Kath -___-
“Kevin mamaya ka na. Kami muna makikipag-usap kay Daniel.” Mommy ni Kath
Sabay harap sa akin nung Mommy niya
“Call me Tita nalang ha. Ano nga bang pinunta mo dito?” tanong niya
“Uhm tita. P-pwede po akong magsurprise sa debut ni Kath? Ngayon na lang po kasi niya ako makikita. Basta po, may plano na po kami ng barkada niya. No worries po, hindi po masisira yung debut ng anak niyo.” Pagpapaliwanag ko.
“Hmm. Mukhang mahal na mahal mo talaga yung baby ko ah. Osige, may maiitulong ba kami sa inyong surpresa?” Tito Teddy. FC ako noh? Hahaha.
Pinaliwanag ko na yung magiging pwesto nila sa surprise. Mukhang nagets naman agad nila. Woooh sana maging success toh.
Nandito kami sa kwarto ng Kuya niya. Mabait pala siya at todo kwento pa.
Grabe pala yung pinagdaanan ni Kath nung nagbreak kami. Buti nga hindi pa ako binubugbog ng Kuya niya dahil sa pinaggagawa ko sa kanya.
Konting bonding lang at umuwi na din ako.
*Kath’s POV*
Pauwi na ako galing university, ako lang mag-isa -___- S
ila Miles kasi lagi na lang nagmamadali umuwi kaya naiiwan ako mag-isa. Madaya talaga yung mga bestfriends ko =((
Sila na lang lagi magkasama, di man lang ako sinasama. Pati yung barkada kapag tatawagan ko para magbonding lang, busy silang lahat. Enebenemenyen -__-
Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko si Yaya Myel, nagliligpit ng mga baso, may bisita pala sila kanina? Madaya talagaaa =((
“Yaya! Sino bisita niyo dito kanina?” tanong ko sa kanya
“Oh nandito ka na pala Kathryn. A-ahh, si.. hindi ko kilala eh. Kausap ng Mommy at Daddy mo kanina yun.” Problema ni Yaya? Nauutal pa. Hahaha.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko pero bago yun napadaan ako sa kwarto ni Kuya Kevs. May kausap sa phone.
“Sige pre. Makakaasa ka. Ang solid mo talaga DJ! Bye na.” Kuya
DJ?! Kausap niya si DJ? Huwaaaat. Bat di niya binigay sa akin yung phone? =((
Gustong-gusto ko na talaga siya makausap. Kung hindi ba naman ako abnormal, nilayasan ko lang siya sa music studio.
Ayun na eh, chance na para umamin din ako pero nagpachix pa ako. Haaay.
“Kuyaaaaaaaaa! Sinong DJ yung kausap mo? Anuyun, magkavibes na agad kayo ng Ex ko?! Ang daya mo talaga. Di man lang pinakausap sa akin. *pout*” pumasok ako sa kwarto ni Kuya at sinigawan ko siya. At mukhang nagulat pa siya.
“Ano ba yan Kath-kath! Katok katok din pag may time. Si D-DJ? Ano.. hindi yun yung Ex mo. K-kaibigan ko s-siya sa trabaho. Don Jeric pangalan nung kaya DJ yung n-nickname.” Oh bat nauutal toh? Mga abnormal talaga yung mga nasa bahay ngayon. Hahahaha.
“Ay ganun ba. Akala ko si DJ na. Bat ganun, di man lang siya nagpaalam sa akin. Umalis na siya agad-agad after graduation. Madaya talagaaaa.” Nagddrama ako kay Kuya. First time toh! Hahaha.
“Sus paalam-paalam, eh halos sigawan mo na nga siya nung nasa music studio kayo diba? Abnormal ka eh. Ikain mo na nga lang yan! Matutulog na ako. Shoo!” Bastos toh si Kuya ah
Pero paano niya nalaman yung something sa music studio? Kahit kelan talaga si Kuya, stalker forever -___-
Gaya ng sabi niya, lumabas na ako ng kwarto niya at dumiretso na din ako sa kwarto ko para magbihis.
Dinalhan lang ako ni Yaya Myel ng dinner dito. Kumain ako at natulog na din.
BINABASA MO ANG
Smile like you've never been hurt
FanfictionFrom Bestfriend to Boyfriend to Ex-boyfriend and back to Bestfriend again. Kahit anong trato mo sa akin, ganun pa din ang pagmamahal ko sayo. Walang magbabago, it will remain forever, nothing will change. But can I handle this relationship?