2 weeks
Nalabas na sa operating room si DJ at nilipat sa ICU at nilipat ulit sa isang private room. Like the doctor said hindi pa din siya stable. Hindi pa siya gumigising. 2 weeks na din akong nandito sa ospital, never akong umuwi. Pinapahatid ko lang kay Yaya Myel yung mga kinakailangan ko.
Ako lang yung nandito sa ICU. Wala yung barkada, umuwi muna para magpaalam na mag-oovernight sila dito. Sila Tita naman kumuha ng mga gamit. Sinasama na din nila ako umuwi pero nagpumilit ako na hindi.
Nasa couch ako na katapat ng hospital bed ni DJ. Ayaw ko siyang hawakan o lapitan. Naaawa ako sa kanya, siguro kung hindi ako nagmukmok sa kwarto, hindi siya magkakaganito. Kasalanan ko toh.
Tinititigan ko lang siya habang may tumutulo yung mga luha ko.
Mga 2 hours pa bago dumating yung barkada. Ayun, nakiupo na din sila sa couch. Hindi nga kami magkasya eh -.- Kaya tumayo na lang ako at pumunta sa tabi ng hospital bed ni DJ.
“DJ ko.. gising ka na. Kahit kalian ka talaga eh, *sobs* humingi nga ako ng space pero sobra-sobra naman yung binigay. Sayang naman, *sobs* monthsary natin last’last week tapos ganyan ka. Paano tayo nyan makakapagcelebrate? Deejaaay *sobs* please. I love you forever and always. And like you said before, infinity and beyond pa. Gising ka na ha? Madami tayong nakatambak na school works, naisipan pa kasi natin mag MBA-MBA eh. Ha-ha-ha. Gagraduate tayo ng masteral, magppropose ka sa akin tapos magyeyes ako. Papakasalan mo ko diba? Magkakaanak pa tayooo! *sobs* Don’t leave me.. again.” Naiiyak kong sabi kay DJ. Kahit tulog siya kinakausap ko siya lagi. Nagbabaka sakali na maririnig niya ako.
Nilapitan ako ni Miles at Sofia, pinapatahan nila ako. Nilabas na din muna nila ako sa room para mapakalma pa ako.
*Julia’s POV*
Awang-awa na ako kay Kath. Sobrang sakit ng dinadanas niya. Minsan nga tinatry na namin pag-usapan ng barkada na kausapin sila Tita Min na dalhin muna siya sa ibang bansa para malimutan yung mga sakit. Hayyy grabeng problema.
Kani-kanina pa lumabas sila Miles, Sof at Kath. Kami-kami na lang ang nandito. Biglang tumayo si Seth at tumabi sa hospital bed ni DJ, yung parang pwesto ni Kath kanina.
“Bregs naman oh! Gumising ka na nga jan. Dalawang linggo na tol. Tambak na yung utang mo samin nila Les. Pasalamat ka nga pinagtitiyagaan pa namin yung pagiging kuripot mo sa panlilibre. Yung mga linya mo lagi sa amin kapag nasa mall, ‘Yung mura lang ha? Dadalhin ko pa si Kath sa Paris’ Oh anon a? Paano mo dadalhin si Kath sa Paris kung tutulog-tulog ka lang jan? Bumangon ka na nga, tamad mo eh!” Seth. Kahit pabiro yung mga sinabi niya alam kong may lungkot pa din yun.
Ang solid talaga ni DJ eh, tinutupad niya pa din yung promise niya kay Kath tungkol sa Paris thingy na yun.
Tumayo na din si Barbs at lumapit sa hospital bed,
“Bestfrieeend! Alam mo kahit kalian talaga napakacorny mo. May nalalaman-laman ka pa jan na comatose. Sus, If I know natutulog ka lang jan. Gumising ka na. Sige ka, ibubugaw ko si Kath kay Albie. Papabalikin ko yun dito. Ayaw mo nun diba? Kaya bumangon ka na jan, please?” Barbie. Nilapitan siya ni Josh kasi umiiyak na siya.
Sumunod naman na tumayo si Elmo.
“Hoy bruha ka! *gay voice* Nako ikaw talaga, teh! Gising gising din pag may time ha. Subukan mo talagang hindi gumising jan, hindi ka mapapabilang sa listahan ng best man sa kasal namin ni Julie Anne. Bahala ka, hindi kita makkwentuhan tungkol sa mangyayari sa honeymoon namin.” Hahahahaha bigla naman siyang siniko ni Julie. Loko talaga toh -___-
BINABASA MO ANG
Smile like you've never been hurt
FanfictionFrom Bestfriend to Boyfriend to Ex-boyfriend and back to Bestfriend again. Kahit anong trato mo sa akin, ganun pa din ang pagmamahal ko sayo. Walang magbabago, it will remain forever, nothing will change. But can I handle this relationship?