*DJ’s POV*
The rest of the school days hindi na kami nag-uusap ni Kath o nagkakalapit.
Kahit sila Kats, tumahimik na din sila, alam na din kasi nila yung nangyari.
Actually, planado talaga yun. Pinaalis ko sila para makaamin ako pero anong nangyare? -_____-
Late akong pumapasok at maaga din akong umuuwi. Bakla na kung bakla pero umiiyak ako tuwing gabi at inaalala yung mga masasayang panahon na kasama ko siya.
Si Zharm? Finiflirt ko siya. Naging sweet ako sa kanya these past few days. Ewan, para makalimot siguro?
May date kami ngayon ni Zharm, mukhang masaya talaga siya nung niyaya ko siya. Bat ba hindi ko maibalik yung pagmamahal ko kay Z noon? Ughh mukhang kalandian nga lang talaga yun nafeel ko sa kanya noon.
"Wag na wag mong ipagpapalit ang taong mahal na mahal mo sa taong kalandian mo lang." biglang nagpop-out sa utak. Sht naman oh!
Alam na din pala ni Mama na may bago na akong girlfriend. Grabe nga makareact eh. Hahahaha. Ipaglalaban niya pa din si Kath -_- Hay.
After ng date namin ni Z, hinatid ko na siya sa bahay nila.
Dapat uuwi na ako pero pinapasok pa ako ni Z sa bahay nila at pinakilala niya ako sa parents niya. Grabe, hindi namin yun pinag-usapan ah.
Mukhang kavibes ko yung parents niya pero paano toh? Eh niloloko ko lang naman si Zharm, mahihirapan talaga ako nito.
“Babe, text mo na lang ako kapag nakauwi ka na ha? Ingat ka. I love you.” Hinalikan niya ako sa cheeks
“Uhm Z, hindi naman natin napag-usapan yung pagpapakilala ah.”
“Ayaw mo ba Babe? =( ipakilala mo din ako as parents mo para legal na tayo. Please?” Hmm, siguro kung pinakilala ko siya kay Mama, tatantanan niya na si Kath.
“Tampo agad. Osige, soon babe.” Hinalikan ko na siya sa noo
Ayun, baka sa kalagitnaan ng pagloloko ko mafall ako kay Z. Goodluck sa akin ;)
*Barbie’s POV*
Nakakastress naman yung dalawa oh T___T.
Ang alam ko dati gustong-gusto ni Kath na magkabalikan sila.Ako pa mismo nagtanong nun sa kanya, “Kath, kung babalikan ka ni DJ, papayag ka ba?” Mabilis pa kay Flash yung pagsagot niya eh, “Oo naman, kahit siguro madami nang gustong tututol, papayag pa din ako.” Nako, nakakainis talaga.
Isa pa ‘tong si Zharm. Naging kaklase ko siya nung 1st year, ayaw ko naman talaga sakanya simula pa lang pero etong bestfriend kong si DJ, tinamaan ng pagmamahal dun, ano pang magagawa ko? Basta, nakakainis pa din -___-
Alam ko kasing hindi magiging strong yung relationship nila kasi nga kilala ko na si Zharm, madami na yun naging boyfriends, compared kay Kath na first boyfriend niya si DJ. Tsaka madami na din nalink kay Zharm, at gustong-gusto niya pa ngang malink sa mga gwapong schoolmates namin eh. How landi -.-
BINABASA MO ANG
Smile like you've never been hurt
FanfictionFrom Bestfriend to Boyfriend to Ex-boyfriend and back to Bestfriend again. Kahit anong trato mo sa akin, ganun pa din ang pagmamahal ko sayo. Walang magbabago, it will remain forever, nothing will change. But can I handle this relationship?