Chapter 22

196 0 0
                                    

*Kath’s POV*

Shizz, sakit ng ulo ko paggising ko. Grabe, hindi naman ako nagpakalasing kagabi pero sobrang sakit talaga ng ulo ko ~___~

Pagtingin ko sa paligid ko, wala na yung barkada. Kami na lang ni DJ yung natira. 1:30 na kasi ng tanghali. Siguro lumalamon na yung mga yun.

Tulog pa din si DJ ngayon kaya titigan ko muna.

Ayan pa din yung noo niya na madalas nakakunot dahil sa hindi ko pagsunod sa mga utos niya sa akin noon

Yung eyelashes niyang sobrang haba, parang pambabae. Hahaha.

Yung ilong niyang sobrang tangos.

Yung.. labi niya na malambot.

Naalala ko nung nag-Romeo and Juliet kami  nung highschool. Waaah ang lambot ng labi niyaa!

Ang gwapo niya pa din. Lalong gumwapo. No wonder, madami akong magiging kaagaw dito. Tss.

“Matunaw ako nyan, Kath ko.” H-huh? Gising na pala toh?

“Good Morning! “ sabay halik sa cheeks ko

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya.

Ano ba yaaaan. Mukha nanaman akong tanga neto -__-

“Huuy Kath ko, ok ka lang? May masakit sayo? May problema ka ba? Uyyy” waaah concern siya :””>

“H-ha? A-ano wala.”

“Weh. Gutom ka na ba? Tara kain muna tayo.”

Tinatamad akong bumaba. Pero gutom na ako.

Hmm, may tinagong snacks sila Neil dito sa room kagabi! Yun na lang kakainin namin. Hahaha.

Gusto ko lang makipagkwentuhan kay DJ ngayon. Alone time? Haha

“Ayokong bumaba.” Nagpout pa ako. Para pumayag na din siya agad. Hahahaha.

“Eh. Di pa tayo kumakain oh. Tara na, Kath ko.” Tumayo na siya at humarap sa salamin para mag-ayos ng sarili.

 Walang effect yung pout ko? Huhuhu.

Nagbackhug ako sa kanya, sana umeffect! Hahahahaha.

“Sige na, DJ ko. Dito muna tayo.” Baby voice :”””>

Humarap siya sa akin tas niyakap niya ako pabalik. Yieee papaya na toh *u*

“Tss sige na nga. Ano naman gagawin natin dito?”

Humiwalay muna ako sa yakap.

“Hmm.. kain tayo ng snacks? May tinago dito sila Neil na pagkain eh. Tapos manonood ng tv!” sabi ko na parang bata pa din. Hahahaha.

“Ayoko ngaaa..” Luh? Madaya talaga toh =(((

“Ayaw ko na, nawala yung hug ko kanina eh.” Aw nagpout siya. Hahahaha ang cute!

Nginitian ko siya at niyakap ng mahigpit. Hahaha namiss ko nga talaga ang DJ ko.

“I love you Kath ko.”

Tumingala muna ako. Ang tangkad niya kase -___-

“I love you too DJ ko.”

Palapit ng palapit yung mukha niya sa akin. Lechugas, second kiss na namin toh?

Smile like you've never been hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon