*Kath’s POV*
Kaway kaway! HAHAHAHAHAHA.
Alam niyo bang 2 days na lang, wedding day na ng bestfriend ko! OMGEEE AKO ANG NAEEXCITE PARA SA KANYAAA. PARANG AKO YUNG IKAKASAL EH.
Minsan na lang din kami magbonding ng barkada kasi busy sa trabaho yung iba, sila Juls at Khalil busy sa wedding. Ako tsaka si DJ pumapasok pa din. PERO! CAPS LOCK PARA INTENSE! Hahahaha. Pero hindi kami masyado nakakapag-usap. Yung tipong isang tanong, isang sagot lang kami. Tapos hindi na kami sabay pumasok at umuwi. Lagi siyang nagmamadaling umuwi.
Minsan talaga nakakapunyeta na siya eh! Konti na lang makikipagbreak na ako... sympre kaechosan lang yun. Hahaha di ako makikipagbreak noh! Perooo huhubels naman eh, nakakatampo na talaga siya ng super duper.
Loner na ako lagi. Walang kasama maglakad sa hallway, walang kasama kapag naglulunch, wala ang lahaaaaat! Ughhh.
“Uy Kath, oks ka lang?” nilingon ko yung nagtatanong sa akin. Si Jerome lang pala, tagal ko na siyang di nakakasama.
“Oo naman, bakit naman ako hindi magiging okay?” bago niya ako sagutin, umupo siya sa tabi ko.
Nakaupo kasi ako sa floor ng classroom namin pero wala naman nang klase eh tsaka wala na din tao.
“Okay ba yang itsura na yan? Sinasabunutan mo yung sarili mo?” oh talaga? HAHAHAHAHAHA.
Natawa na lang ako dun sa sinabi niya.
Madami pa kaming napagkwentuhan. Sobrang dami nga eh kasi matagal na din kaming hindi nakapag-usap. Nilalayo ako ni DJ sa kanya eh. HAHAHAHAHA JOKE LANGGG.
“Uy magdidilim na. Sabay ba kayo ni Daniel uuwi?” haay naalala ko nanaman yung sitwasyon namin ni DJ. Pshh.
“H-huh. Hindi eh, ako lang.”
Napa-Ahh na lang siya sa sinabi ko.
“Oh. Tara hatid na kita.”
Inabot ko na yung kamay niyang nakaabang sa harapan ko.
Habang naglalakad kami palabas ng university, naisipan kong itext si DJ. Magpapaalam lang ako na kasabay ko si Jerome umuwi.
To: DJ ko
Eyy kasabay ko si Jerome umuwi. Yun lang, nagpapaalam lang ako sayo Babe baka magalit ka eh ;) Lavyuu.
Wushuu wushuu. HAHAHAHAHAHA. Muntanga ako XD.
Mukha akong tanga na nakangiti dahil sa tinext ko kay DJ. Hahaha ang baliw ba?
“Hoy! Parang kanina lang, sinasabunutan mo yung sarili mo tapos ngayon ngingiti ka mag-isa jan? Hanep ka Kath, hindi ba delikado yan?” natatawang sabi ni Jerome =.=
“Wag ka ngaa! HAHAHAHA.”
Tumawa lang kami ng tumawa hanggang sa maubusan ng hininga. Charot! XD.
“Ay Kath, gusto mo balik tayo dun sa treehouse ko? Medyo nalinis yun.” yung amazing niyang treehouseee?! WAAAAAAAAAAH :”””>
“OH TALAGAAAAA? Tara daliiii, punta na tayooo!” hinatak ko na siya para makaalis na agad kami. Hihihi :’))
Mga 6:30 na siguro nung nakaakyat kami sa treehouse. Wuu ang ganda talaga super dupeeeeer! To the highest level. HAHAHAHAHAHA.
Sa kalagitnaan ng kamanghaan ko sa treehouse ni Jerome, nagvibrate yung cellphone ko.
From: DJ ko
Ah sige okay. Ingat kayo.
YUN LANG YUN? Putangina lang po. Halos mabutas na yung screen ng phone ko kakascroll pa, umaasang may kasunod pa yung text niya. Pero wala na talaga. Tungunu lang. UGHHH!
“Ang bipolar mo talaga forever.” Si Jerome lang naman yan -__-
“Che. Tara na, uwi na ako. Gabi na eh. Balik na lang ulit tayo dito next time.”
Nauna na akong bumaba sa treehouse.
Siguro mga 8:30 na ako nahatid ni Jerome.
Pagkapasok ko sa bahay, hinagis ko yung bag ko sa sala at umakyat na sa kwarto ko kasi nawala na talaga ako sa mood.
Punyeta kung gusto niya ng cold treatment, bibigyan ko siya. Tsss.
*DJ’s POV*
“Sige Tita, uwi na po ako. Thank you ulit!”
U wanna know kung nasaan ako? Nasa bahay lang naman ako ng taong pinakamamahal ko ;)
Bago niyo po ako patayin, magpapaliwanag muna ako kung bakit medyo iniiwasan ko si Kath ngayon.
Well, I’m getting ready pa dun sa wedding nila Khalil at sympre dun sa proposal ko. Hahaha.
Pero I’m badtripping talaga kanina. (Anong klaseng grammar yan? -_-). Nawawala lang ako saglit sa tabi ni Kath, umaaligid nanaman yung Jerome nay un. Pucha pasalamat siya may ginagawa akong surpresa para kay Kath. It took me a long time bago ko isend yung reply ko kay Kath kanina. Errr.
Kanina pa pala ako dito sa bahay nila. Nakikipagbonding sa pamilya niya. Nakita ko na nga si Kath na hinatid pa ni Jerome eh. Pshh.
Pero sympre nagtago ako agad baka kasi makita niya ako dito. Napansin ko lang na nakabusangot yung mukha niya at mukhang badtrip na badtrip din. Hinagis niya lang sa kung saan yung bag niya eh at dumiretso na sa kwarto. Problema kaya nun? o.O
“O sige DJ. Hindi mo man lang ba pupuntahan si Kath sa kwarto niya? Sabi ni Yaya Myel, hindi daw kumain yun.” sabi ni Tita Min.
Pasaway talaga si Kath kahit kalian -___-“ haay nako, hindi nanaman kumain. Tapos baka magkasakit nanaman yun, ang hirap pa naman mag-alaga ng isang spoiled brat. Joke lang!
“Ah sige Tita, akyat lang ako sa kwarto niya.”
Tumango naman si Tita kaya tumakbo na ako paakyat. Hahahaha.
Pagbukas ko ng pinto nakita kong natutulog na si Kath. Hindi man lang nagbihis o ano -__- hindi niya pa din tinatanggal yung shoes niya. Nako naman oh, alam kong pinawisan siya tapos hahayaan niya lang na ganyan.
Okay, I sounded like a crazy and paranoid Mom of Kath. HAHAHAHAHAHA.
Seriously, baka magkasakit si Kath -__-“
Nilagyan ko ng towel yung likod niya. Tapos naghanap ng pajamas niya. Sympre hindi ako yung magibibhis sa kanya, si Yaya Myel na bahala dun ako lang nagready nung damit. HAHAHA.
“Goodnight Bebu! Sweet Dreams. I love you so much.” Hinalikan ko na siya sa forehead niya at lumabas na sa kwarto.
Bumaba na ako para tawagin si Yaya Myel, sinabi ko lang pwedeng palitan niya ng damit si Kath.
Nagpaalam na din ako kay Tita at umuwi na.
Dalawang tulog na lang, I’m going to be 100% sure na magiging akin na si Kath forever :’)
BINABASA MO ANG
Smile like you've never been hurt
FanfictionFrom Bestfriend to Boyfriend to Ex-boyfriend and back to Bestfriend again. Kahit anong trato mo sa akin, ganun pa din ang pagmamahal ko sayo. Walang magbabago, it will remain forever, nothing will change. But can I handle this relationship?