Very short update. Hahaha :)))
---------------
Chapter 33
*DJ's POV*
Past 1 am na siguro kami nakauwi ng barkada. Masyadong nadala sa kasiyahan eh. Hahaha.
Ang galing nga eh, yung mga bagong sali lang sa barkada kavibes na agad ni Kats.
Nagtataka pa nga yun eh, nung araw na binulabog nila ako, nakabusangot yung mukha ko pero ngayon hindi na daw.
May naisip pa naman na daw siyang plano para magkabati kami ni Kath. Hahaha oh well, mas magaling ako sa kanya kaya nagkabati kami ni Kath agad ;) Hihi yabang ko noh.
"Bye DJ. Salamat sa paghatid. Ingat sa pagddrive ha?" sabay kiss sa cheeks ko.
"Ehh Kath. Inaantok na ako." Sympre pa-keme ko lang yan. Di pa naman talaga ako inaantok eh, gusto ko lang talaga makitulog sa kanila. Hahahaha.
"H-huh? Timplahan muna kita ng coffee sa loob?" ayaw ko nun -___-
Pinatay ko muna yung sasakyan ko at lumabas. Pinagbuksan ko na din si Kath.
"Ayaw ko magcoffee, matutulog na lang ako sa inyo." hinila ko na siya papasok sa bahay nila.
"Uy saan ka naman matutulog dito? Di pa nalilinis yung guest room eh."
"Edi sa kwarto mo. Dali naaaa!"
Umakyat na ako agad-agad at dumiretso sa kwarto niya. Alam ko namang hindi ako papayag yun eh. Hahahaha.
"DEEJAAAAAAAY!" sigaw ni Kath sa akin -.-"
"Sisigawan mo na lang ako?" kunwaring pagtatampo ko.
"Eh ikaw naman kasi! Di pa nga ako nagpapaalam kay Mommy na dito ka matutulog." grabe sinisigawan niya pa din ako -.-
"Ah ganun ba? Sige uwi na lang ako."
Akmang lalabas na ako ng pinto ng kwarto niya...
"DJ.." good, mahinahon na yung boses niya.
"Goodnight Kath."
Lumabas na ako ng kwarto niya. Pshh sa bahay na lang ako matutulog -__- o kaya sa sasakyan ko na lang. Tinatamad ako magdrive eh.
"DJ kaseee!" sumisigaw nanaman si Kath -__- nandun siya sa terrace ng kwarto niya.
"Oh? Sa bahay na lang ako matutulog. Bahala na kung antukin ako sa pagddrive at maaksidente nanaman. Goodnight ulit." cold kong sabi.
Napakabipolar ko ngayon -__- HAHAHAHA.
"DJ isa!"
"Bakit?" tanong ko.
"Balik ka ditoooo."
"Wag na. Baka magalit pa yung Mommy mo eh, di ka nakapagpaalam di ba?"
Mukha kaming shunga dito. Alas dos na nga madaling araw, nag-aaway pa kami. Hahaha.
"Kapag hindi ka bumalik dito, tatalon ako!" PUCHAAA! Subukan niya lang talaga >.<
"HOY KATH UMAYOS KAAAA!"
Inaakyat niya na yung bakod ng terrace niya at mukhang desido talaga siyang tumalon -.- Tumakbo na ako papasok sa bahay nila, pinuntahan ko siya.
"Ano ba Kath! Kung wala kang pakialam sa buhay mo, pwes kaming taong nagmamahal sayo meron! Ano na lang sa tingin mo ang mangyayari sa amin kung tuluyan kang nahulog dun?! Hindi mo ba naiisip yun? Tsk wag na wag mo na ulit yun gagawin." sermon ko sa kanya.
Napayuko na lang siya sa mga sinabi ko. Haaayy para siyang bata na pinapagalitan ng Daddy niya.
"Eh kasii *sobs* ikaw." umiiyak nanaman siya.
Niyakap ko siya ng mahigpit, patuloy pa din siya sa pag-iyak.
Sht naman oh, pinaiyak ko nanaman siya >.<
"Tahan na Kath. Concern lang talaga ako sayo." pinasok ko na ulit siya sa kwarto niya at pinahiga.
"Matulog ka na. 3 am na oh, madadagdagan yung eyebags mo." sabi ko sa kanya habang hinahaplos yung buhok niya.
"Ikaw? Saan ka matutulog?" tanong niya.
"Dito lang ako sa tabi mo. Babantayan kitang matulog."
Nginitian niya ako.
"Goodnight Kath ko. I love you" hinalikan ko na siya sa forehead niya.

BINABASA MO ANG
Smile like you've never been hurt
FanfictionFrom Bestfriend to Boyfriend to Ex-boyfriend and back to Bestfriend again. Kahit anong trato mo sa akin, ganun pa din ang pagmamahal ko sayo. Walang magbabago, it will remain forever, nothing will change. But can I handle this relationship?