*DJ’s POV*
“And don’t worry, hindi ikaw yung tinutukoy ko. Ha-ha-ha. Galing noh, tugmang-tugma yung mga pinagsasasabi ko sayo pero hindi naman ikaw yun.” Paulit-ulit pa din sa akin yung kinwento ni Kath sa akin kahapon. Dapat na ba talaga ako umamin? Masyado na siyang nasasaktan sa mga ginagawa ko.
“DEEEEEEEEEEEEEJ!” Naknam, sino ba yun?
Halos mawasak na yung pinto ng kwarto ko kakakatok nila.
Bat nga ba sila kumakatok, eh hindi naman yun nakalock -_____-“
“Bukas yan mga gago!” sigaw ko.
Hindi pa sila nagkasya sa pintuan. Nag-uunahan sa pagpasok eh. Gago talaga kahit kalian. Hahahaha.
“Ano nanaman kailangan niyo? Tanong ko sa kanila.
“Grabe ka naman Fafa DJ! Di mo ba ako namiss?” wait. SI KATSUMI KABE YUN AH!
Pumasok siya sa kwarto at nilapitan ko siya. Sympre ano pa bang kasunod nuh? Isang malakas na batok -.-
“Aray! Ansakit ah. Ganyan talaga yung pambungad sa aken?!” Kats
“Loko ka! Ang tagal-tagal mo bumalik. Simula nung umalis ka nagkandaleche-leche na yun buhay ng Kathniel.” Totoo naman eh. HAHAHAHAHA.
“Sinisi mo pa ako?! Ako ba yung boypren ni Kath? Uluuul. Shushunga-shunga ka kasi eh, bat ba sa dinami-daming tao sa buhay mo si Kath pa yung nakalimutan mo? Pwede namang si Lester na lang. Hahaha!” nagtawanan sila tapos si Les naman binatukan si Kats.
Tumambay muna sila dito sa kwarto, nakikigamit ng laptop kasi nakikipagskype sila kay Seth. Mga loko-loko eh XD.
“Grabe, si Seth. Isang araw pa lang wala, may paskype-skype na kayo! Ako, nganga lang dun sa ibang bansa. Walang communications! Mga puta talaga kayo.” Katsumi -____-“ wala talagang pinagbago ‘tong lalaking toh.
Binatukan namin siya isa-isa. Gagu eh XD.
“Hoy mga loko! Wag kayong magkalat dito ah. Alis na ako” sabi ko.
“Iiwan mo na ako Fafa?” Kats -___-“
“Ulul! Papasok ako.” Sabay sara ko ng pinto. Beki forevs talaga yun xD
....
Pagkadating ko sa university, nakita ko agad sila Kath at Jerome magkasama. Nuxx naman, ang gandang pambungad sa aken =.= pshh. Makahawak sa bewang ni Kath, akala mo girlfriend niya. Sapakan na lang eh. Ughh.
Dumaan lang ako sa harap nila mismo. Bahala jan si Kath, mahahalata niya naman siguro na nagseselos na ako eh.
Ineexpect kong may magtatawag sa akin o hahabol man, pero wala eh.
Bat nga ba ako nag-eexpect? Kung umamin na lang agad ako edi sana happy forever na kami ni Kath.
Paano naman kung umamin na ako. Anong gagawin kong dahilan kung bakit ako nagpanggap? Dahil lang sa lovetest na walang kwenta? Hindi ko alam na ganito pala magiging kakumplikado toh! Fuu.
“DEEJAAAY!” lumingon agad ako at ngumiti kasi alam kong si Kath yung tumawag sa akin.
Pagkalingon ko, nawala yung ngiti ko kasi nakita kong nakaakbay si Jerome kay Kath. Naknam talaga oh! >.<
“Bakit?” cold kong tanong sa kanya.
“Uhm tawag ka ni Prof Medina sa office.”

BINABASA MO ANG
Smile like you've never been hurt
FanfictionFrom Bestfriend to Boyfriend to Ex-boyfriend and back to Bestfriend again. Kahit anong trato mo sa akin, ganun pa din ang pagmamahal ko sayo. Walang magbabago, it will remain forever, nothing will change. But can I handle this relationship?