*Kath’s POV*
Medyo maayos-ayos naman na yung lagay ni Daniel ngayon.
Dapat daw Daniel ang itawag ko sa kanya kasi hindi naman DAW kami close. Yung ‘DJ’ nga hindi na pwede, paano pa kaya kapag ‘DJ ko’ na? =((
It’s been 4 days siguro simula nung nagising siya. Hindi ko na alam kung anong meron kay Daniel
Yung araw na nagising siya at hindi niya ako maalala. Umuwi na ako pagkatapos nun, never na akong bumalik sa ospital.
Ang sakit eh. Bago siya maaksidente, nagkakalabuan na kami. Pagkatapos maaksidente, ganun pa din, lalong nagkakalabuan.
Papasok ako ngayong araw. Ang dami ko na din kasing absent mula nung naaksidente siya kaya bumabawi na ako ngayon. Shizz, babagsak ako neto sa masteral eh.
Medyo maaga ako ngayon. 8:30 palang tapos yung class ko mamaya pang 10:00. Good student ata toh! Hahahahaha.
Nung nagmasteral ako, wala akong masyadong friends. Gumraduate na silang lahat eh, trip ko lang kasi yung masteral. At si DJ este Daniel lang naman ang lagi kong kasama noon. Ayaw niyang may iba akong kasama, dapat siya lang daw. Pshh, buti nga di kami nagkakasawaan sa pagmumukha ng isa’t isa eh. HAHAHAHAHA joke. Ngayong wala na si Daniel, loner na ako. Medyo madami na din namang tao dito sa room, mga 8 siguro kami. Ewan basta.
Nilapitan ko yung isang lalaki. OY DI NAMAN AKO MALANDI NOH! Hahaha. Siya kasi yung pinakamalapit sa akin.
“Uhm, excuse me.” Aaminin ko, ang landi ko na talaga XDDD. Ang pogi kaseeee pero mas pogi pa din si Daniel
“Yes?” taraaay umeenglish. Hahahaha.
“Mind if I sit with you? Wala kasi yung nag-iisa kong friend dito. And wala din naman akong ibang friends na.” it’s true naman. Hahahaha.
“Ah sige. It’s okay.” Nakss, pogi na nga, mabait pa! HAHAHA.
Umupo ako sa tabi niya.
“By the way, I’m Kathryn pala. Kath na lang.” Pagpapakilala ko
“I know. I’m Jerome” oh kilala niya ako?!
“Oh, you know me agad-agad?” tanong ko sa kanya
“Oo naman. Sikat kaya kayo ng boyfriend mo dito sa university.” Nuxx naman!
“Oww kaya pala. Hahahaha. Ang galing!” naamaze ako eh. Bat ba? XD
“Mind if I’m going to ask kung bakit hindi na kayo laging magkasama ng boyfriend mo? Tsaka hindi na din siya pumapasok eh.” Tss here it goes again -____-
“Ah ok lang. Naaksidente kasi siya, car accident. Hindi din ako pumasok ng 2 weeks diba, nandun lang ako sa hospital the whole time para bantayan siya.”
“Ah. Ang swerte pala nun sayo! Is he okay na ba?”
“Uhm yeah. Nacomatose lang siya for 2 weeks siguro. Tapos nagising siya 4 days ago and...” di ko na natuloy kasi may luha na pumatak galing sa mata ko
“He had an amnesia. He could still remember some of our friends pero ako? Kahit pangalan man lang, di niya alam.” Umiyak na ako sa harap niya
“Shiz, sorry for that.” Niyakap niya ako at pinatahan.
Medyo napatahan naman niya ako. Nakakahiya naman kung iyak pa din ako ng iyak sa harap niya, eh hindi naman kami ganun kaclose.
BINABASA MO ANG
Smile like you've never been hurt
FanfictionFrom Bestfriend to Boyfriend to Ex-boyfriend and back to Bestfriend again. Kahit anong trato mo sa akin, ganun pa din ang pagmamahal ko sayo. Walang magbabago, it will remain forever, nothing will change. But can I handle this relationship?