*Kath’s POV*
Heeey! Ang saya-saya lang. Lagi ko na nakakasama si Albie tapos nabawas-bawasan na yung pag-iisip ko kay DJ.
Siguro makakamoveon na talaga ako dahil kay Albie.
Haaay salamat. Weekend ngayon, wala naman masyadong gagawin eh. Kaya nakahilata na lang ako dito sa kwarto ko naghihintay ng himala. Hahaha kakagising ko lang eh.
Biglang nagvibrate yung phone ko, may tumatawag.
Akala ko si Albie, si DJ lang pala. Ngayon na lang niya ako tinawagan ah. Last time na tumawag siya sa akin, kami pa eh. Hahaha.
Sinagot ko na lang.
“Hello DJ?”
“K-kath punta ka d-dito..”
“Anyare sayo? Bakit?”
*toot* *toot*
Hala. Anong nangyare dun? Pupunta ba ako sa bahay nila? Hmm.
Bahala na, wala naman akong gagawin eh kaya gogora na lang ako dun. Hahahaha.
Parang may something din kasi kay DJ eh kaya pupuntahan ko na lang din.
Mga 15 minutes din yung biyahe ko papunta sa kanila.
Kumatok lang ako tapos lumabas yung kapatid niya. Kilala niya ako as Ex girlfriend. Hahahahaha. Pero alam kong boto yan sa akin kesa kay Zharm. Odiba, ganda ko eh! Chos hahaha.
“Hi Ate Kath! Pasok ka daliiii. Punta ka sa kwarto ni Kuya DJ.” Panimula ng kapatid niya sa akin. Namiss ako neto. Hahahahaha.
“Helloooo! :D. Osige, tara na.” Tas pinapasok niya nako
Pagkapasok ko sa bahay nila, nakita ko yung Mama ni DJ naonood sa living room nila, nanonood ata. Ngumiti ako sa kanya.
“Good Morning Tita! Punta lang po ako kay DJ” ang galang ko diba? Hahaha. Maka-Kathniel din yan si Tita, wag ka! Di niya nga alam na may bagong girlfriend na si DJ eh basta ang alam niya lnag break na kami.
“Oh Kath. Alagaan mo yun ha, alam mo naman na yung kwarto niya diba?”
“Uhm, opo. Sige po!” ako
Medyo tatanga-tanga pa ako. Nakalimutan ko kung nasan ulit yung kwarto niya. Hahahahaha. Nahanap ko din naman agad. Ehehe galing ko!
Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko siya nakahiga nanonood lang. Balot na balot siya ng kumot. Anyare dito? May hepa? Hahaha joke.
“Uy DJ. Anong meron?” tanong ko sakanya
Tumitig lang siya sa akin pero parang ang weak ng pagkatitig niya. A
no bang nangyare sa lalaking toh? Nanood na lang siya ulit ng TV pagkatapos niya akong titigan. Nilapitan ko na lang siya tas umupo sa kama niya.
“Huuuuuy, ang corny mo naman eh! Magyayaya ka tas hindi mamamansin.” Inalog-alog ko siya. Pero pagkahawak ko sa kanya, super init niya. As in! May lagnat pala toh eh, di man lang nagsabi.
“Uy DJ, ang init mo! May lagnat ka. Nakainom ka na ba ng gamot? Baka pinapawisan ka na jan sa kumot. Kumain ka kaya muna?” tuloy-tuloy yung tanong ko. Hahahahaha.
“O-okay lang a-ako.” Abnormal talaga yung lalaking toh -___-
“Anong okay ka jan?! Baka inaapoy ko na sa sobrang init kung hindi mo ako tinawagan. Teka lang, bibili lang ako ng pagkain sa labas ha? Hindi ako marunong magluto eh. Hahaha. May gamot ka naman na dito diba? Wait lang ha. Steady ka lang!” dami kong sinabi. Hahahaha.Tatayo na sana ako para lumabas ng kwarto niya tas makabili ng pagkain niya.

BINABASA MO ANG
Smile like you've never been hurt
FanficFrom Bestfriend to Boyfriend to Ex-boyfriend and back to Bestfriend again. Kahit anong trato mo sa akin, ganun pa din ang pagmamahal ko sayo. Walang magbabago, it will remain forever, nothing will change. But can I handle this relationship?