Chapter 35

172 4 0
                                    

*DJ’s POV*

Hanggang sa makarating kami sa school hindi pa din ako nakakaget-over na may girlfriend na si Katsumi Kabe. Wahahahahaha!

Matatanggap ko pa sana kung hindi kagandahan pero isang Daezen Mae Timog. Aba pucha naman baka ginayuma lang ni Kats toh. Ginamitan ng black magic. Jokeee XD.

Haaay. Medyo madami nang nabago dito sa school namin, sobra-sobrang nag-improve. Grabe nakakahiya naman sa amin na alumni, halos malusaw na kami sa init sa room noon tapos ngayon dala-dalawang split aircon na ang meron sa kanila? Sobrang lawak ng room nila tapos yung may tig-iisa silang desk. Wow ha -___-“

At ang pinakanakakainggit talaga ay yung nagkaauditorium yung school namin. Fuu ang laki pa! Yung laki ng auditorium nila kasing laki ng rooms ng buong batch namin. Huehue what happened ba? Naging matinong estudyante naman kami dati dba? Hahahaha joke langss! XD.

“Shems ang cool na ng school.” Sabi ni Kath na manghang-mangha pa. Nakatingin sa paligid eh.

“Oo nga eh. Nasan na kaya yung tambayan natin dati?” tugon naman ni Julia.

“OMG-G-R-R babalik na ako sa pagkahighschool sa sobrang ganda ng school niyo.” Kiray.

“BALIK KA MAG-ISA MO!” sabay-sabay naming sigaw. HAHAHAHAHAHAHA.

“Babe libot tayo.” Pacute ko kay Kath, gusto ko siya masolo eh. HAHAHAHAHA :D.

“Ah sige. Guys, li—“ tinakpan ko yung bibig niya. Yayayain niya kasi yung barkada, eh kakasabi ko lang na gusto ko siyang masolo -__-

“Ano ba DJ. Bakit?” medyo pasigaw nanaman siya -.- hindi kami masyadong naririnig ng barkada kasi nauuna silang naglalakad.

“Ehh. Gusto ko tayong dalawa lang magllibot.” Medyo pacute :””>

“Haaay DJ. Osige na, tara.” Hinila niya na ako papunta dun sa isang hallway.

Madami kaming nadaanan. Iba’t ibang rooms at sobrang ganda. Ngayon ko lang napag-alaman na e-book na ang gamit nila. Naks naman! Dati kahit sira-sira na yung libro, ginagamit pa din namin tapos ngayon sila, patechie-techie na lang? -.- ok medyo affected XD.

“Uy Babe oh, yung dating canteen ginagawa na lang nilang storage room.” Turo ni Kath sa isang room na nakalock.

“Ah. Hahaha. Parang dati lang, jan ka tumatambay para masilayan ako sa tuwing bumibili ako diba?” pang-aasar ko sa kanya. Like duuh, totoo naman eh XD.

“Hoy ang kapal mo naman! Si ano kaya yung sinisilayan ko kapag tumatambay ako dito!” sabay irap niya pa sa akin.

“Pshh Enrique nanaman.” Kunwaring pagtatampo ko.

“Weh Bebu.” Kiniss niya ako sa cheeks. Tungunu, alam na alam talaga yung kahinaan ko eh -_-

Naglakad-lakad pa kami. Medyo naexpand na yung lupa ng school kaya pinarenovate na din nila. Umaasenso! Hahahaha.

Nadaanan pa namin kanina yung lugar kung saan ako laging tumatambay DAW para makita si Zharm. Pucha toh -__- tapos maya-maya magseselos yan. Bat ganyan kayong mga babae? Hahaha. Kinikilig-kilig pa daw ako habang nakaupo dun sa lugar nay un. LOL naman xD.

Next naman yung hallway kung saan lagi kaming naghahabulan. Hahahaha. Kapag nag-aasaran kami tapos kikilitiin ko siya, lalabas siya bigla ng room at tatakbo.

Napuntahan din namin yung open space na puro amorseco (yun yung kabag binato mo didikit sa damit mo tapos masakit kapag natusok ka). Pumitas ako ng isang piraso ng amorseco at tinawag si Kath.

“Babe.” Lumingon naman siya.

Binato ko yung amorseco sa may damit niya. Hindi naman siya nagalit, alam ko kasing gaganti yan. Hahahaha.

Habang tinatanggal niya yung amorseco sa damit niya,

“Ouch ughh!” Kath.

“Uy Kath, ano nangyari?!” lapit ko agad sa kanya na sobrang nag-aalala.

Nakita kong natusok siya nung amorseco. Hindi naman nagdudo pero namumula. Sobrang itchy nyan eh.

“Tsk akin na. Hugasan muna natin tapos lalagyan ng alcohol.” Sabi ko.

Pero pagkasabi na pagkasabi ko ng salitang alcohol. Lumayo siya sa akin bigla. Waah eto nanaman yung pagkatakot niya sa alcohol =(( spoiled brat nga talaga forever.

“Ok baby. Hindi na lalagyan ng alcohol. Huhugasan lang natin, ok?”

Pagkatapos namin hugasan, ni-wrap niya yung daliri niya gamit yung panyo ko. Naka-pout pa di siya hanggang ngayon -___-“

“Kath, stop that thing. Bahala ka kapag hindi ako nakapagtimpi.” Pero sympre I still respect her kahit ituloy-tuloy niya yung pagpapapout nay an. Panakot ko lang yung sinabi ko kanina.

Mukhang natauhan naman siya at umayos na ulit.

Ang huli namin napuntahan ay yung inuupuan namin sa likod ng school. Yun din ang lugar kung saan madaming madramang nangyari. Hahahaha.

Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa mismong upuan kung saan kami nagbreak noon.

“Lalim ng iniisip natin, Babe ha.” Kath.

Pinatong ko muna yung ulo ko sa shoulders niya at nagsalita.

“Alam mo Babe nung naglibot tayo, lahat ng mga pangyayari noon nagfflashback sa utak ko simula dun sa canteen na sinimulan ng lahat, sa hallway na puro harutan, hagisan ng amorseco,sa upuang ito at marami pang iba. Dito nagsimula ang lahat. Narealize ko na sobrang dami na nating pinagdaanan, alam ko naman na habang pinagdadaanan natin lahat ng yun, mahal na mahal pa din natin ang isa’ isat nun. Kung bibilangin mo ang lahat ng yun, more than 5 years na siguro. Wala pa tayo sa kalahati ng sinasabi ko sayong forever, siguro nasa 0.01% na tayo pero wag kang mag-alala tutuparin ko pa din yun.” nilabas ko yung singsing na binili ko kahapon. Mukhang nagulat naman siya, akala niya siguro engagement ring -_- Hahahaha.

“Don't worry Babe, it’s not what you think. Hahaha. Hindi ito engagement ring, promise ring lang. Once you accept this, ippromise mo sa akin na tutuloy na talaga tayo sa biyaheng forever.”

“Pshh eh parang engagement ring lang din naman.” Ang KJ talaga ni Kath forever -__-“

“Kath naman e!” reklamo ko naman.

“Hahaha joke lang Bebu. Of course, I promise.” Waaaah medyo kinilig :’))) XD.

Medyo nagtagal pa kami dun sa likod ng school. Natauhan kami na hindi pala kami nakapagpaalam sa barkada na maglilibot kami. Shizz magtatatlong oras na ata kaming naglilibot eh xD.

“Babe tara na. Balik na tayo sa auditorium!” hinihila-hila ako ni Kath pero hindi naman ako nagpapahila >:D.

“Babe naman eh.” Sige Kath, baby voice pa -_- mas lalo akong naattract sayo.

“Kiss muna.” Sabi ko.

Akala ko magdadalawang isip pa siya pero dali-dali niya akong hinalikan. Wow ah :””> Mga bregs hindi lang sa cheeks eh, sa LIPS. Wuuuu kabaklaan overloaded. LOL.

Sht naman Kath eh. Ikaw lang nakakapagpaganito sa akin =)

Smile like you've never been hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon