*DJ’s POV*
Hinga hinga din ng malalim. *inhale exhale*
Nandito na ako sa lugar kung saan ako magppropose kay Kath. Yung mga close friends at family niya ay nasa mismong venue which is sa baba pa. Tatalon kasi ako :P seriously HAHAHAHAHAHA.
Pakshet naman. Alam niyo bang nasa rooftop ako ngayon? Hahaha.
Nung 18th birthday niya, dito din ako nagsurprise.
Sympre dapat sa pagppropose ko, dito din gaganapin.
Maya-maya nakita kong isa-isang nag-akyatan yung mga kumag na lalaki. Sila Kats, John, EJ at kung sino-sino pa. Kaya mas lalo pa akong kinabahan.
Narinig ko na yung boses ng mga babae. Daldalan ng daldalan -____-“ di naubusan ng kwento.
Ok back to the surprise.
Nakita ko na si Kath wearing her yellow dress :”””> Mukhang nagulat din siya kasi nandito ako sa edge ng building.
“HOY DJ UMAYOS KA NGA! BUMABA KA JAN.” Rinig na rinig ko yung sigaw niya kahit nandun siya sa kabilang dako ng building. Hahaha.
Ngumiti lang ako ng nakakaloko bilang sagot dun sa sinabi niya.
Inis na inis siyang lumapit sa akin.
Nung one step away na lang ata siya sa akin. Tinanong ko siya, “Kath, mahal mo ba ako?”
“Ano bang klaseng tanong yan Dj!” iritang-irita agad?!! Pagbigyaaan =))
“Just answer it.” Sabi ko
“Oo naman. Ngayong sinagot ko na yung tanong mo, bumaba ka na jan. Baka kung mapano ka.”
“One more question. Kapag ba nahulog ako dito, anong gagawin mo?” nakangiti pa din ako habang tinatanong ko siya.
“Dj, masasapak talaga kita. Bahala ka, wala akong gagawin kahit mahulog ka jan.” Nagsungit bigla takte.
“Osige, let’s give it a try.”
Di ko na siya hinintay magsalita.
Tumalon na talaga ako.
Ohwell, may sasalo naman sa akin na malaking cushion sa baba. At sympre may nakahandang kung anu-ano dun. May pa-will you marry me. Nakaheart shape yung mga friends at family namin. Tapos sympre sa gitna ako.
*Kath’s POV*
“Osige, let’s give it a try.”
Bigla akong kinabahan dun sa sinabi niya.
ABA’T TANGINA SI DJ NAHULOG SA BUILDING. OMGEEEE!
Agad akong tumakbo sa may edge ng building kung saan nahulog si DJ.
Pagtingin ko sa baba... sht naman.
May surprise palang nagaganap.
Nasa baba lahat ng mga mahal ko sa buhay. Heart shape pa talaga ang ginawa nila. At sympre feeling ko mukhang si DJ ang may pakulo neto. Hahaha.
“Hi Kath ko, it’s been more than 8 years simula nung nagkakilala tayo. Ang galing ba? Sa loob ng 7 years and 10 months. Hahaha sympre may butal dapat, hindi pwedeng mainlove agad-agad kasi hindi mo matatawag na seryoso kapag nainlove ka agad sa isang tao. Tutuparin ko na yung pangako ko sayo na forever at infinity and beyond. Mukhang ka-vibes ko naman lahat ng tao dito kaya wala magrereject dito sa pagppropose ko. Babe palitan mo na yung promise ring na binigay ko 2 weeks ago lang. Hahaha. Will you marry me Kathryn?” rinig kong sabi ni Dj na nakamegaphone pa. Hahaha :””>
Sht happens nga naman.
8 years ago..
Nakapasok ako sa isang Science High School. Isa pa ata akong ugly duckling sa sobrang panget ko nun. Napakaforever alone ko pa. Pero simula nung dumating sa buhay ko sila Julia at Miles, naging masaya na ako. Naging mas masaya pa ako nung nakilala ko si Dj. Ang pabiro kong crush nung 1st year. Joketime lang dapat ang lahat pero sa di inaasahan ay nainlove ako sa kanya. Ganun din siya. Hanggang sa naging kami, nag-away, naghiwalay, nagkabalikan, nagkaselosan kung kani-kanino, napunta sa maling tao, nanumbalik ang pag-iibigan. Madami na kaming napagdaanan at pinagdaanan namin ang lahat ng yun nang magksama.
Totoo pala talaga ang destiny. May taong para sayo talaga, kailangan mo lang maghintay. Destiny ko? Ang bestfriend slash boyfriend kong si Dj.
“Ay teh?!! Proposal pa lang, wala pang kasal. Chill ka lang. Sagot mo na!! Nandyan sa gilid mo yung card.” Panira talaga ng moment ‘tong si Kiray -___- buset.
Pagtingin ko sa gilid may dalawang malaking card. May nakasulat na Yes yung isa tapos yung isa naman ay.. Yes din -_-“ mga peste. Anong sense ng mga card na toh?!
Tinaas ko na lang yung isang card na Yes.
Pagkatingin ko sa baba, nakangiti lahat ng tao, yung iba kinikilig, yung naman ay natutuwa. Pero parang may nawawala, si DJ. Nasan yun? =.=
.
.
.
.
.
.
.
.
“Thank you Kathryn. I love you so much.” Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko.
Paglingon ko sa likod ay nakita ko ang mahal na mahal kong nilalang sa mundo. Hahahaha.
“I love you too.” Sagot ko sa kanya.
Kasabay ng pagsagot ko ay paghalik niya sa akin.
Nakisabay na din ang pagputok ng mga fireworks.

BINABASA MO ANG
Smile like you've never been hurt
FanfictionFrom Bestfriend to Boyfriend to Ex-boyfriend and back to Bestfriend again. Kahit anong trato mo sa akin, ganun pa din ang pagmamahal ko sayo. Walang magbabago, it will remain forever, nothing will change. But can I handle this relationship?