Chapter 2

302 4 1
                                    

*Julia’s POV*

“Juliaaaaaaaaaaa!” ayan nanaman. Sumisigaw ang dalawang dakila kong bestfriend. Sino pa ba? Si Miles at si Kath.

“Bakiiiiiiiiiiiiiiiiit?!”sympre sumigaw din ako para fair. Hahahaha.

“Oh, ano kailangan magsigawan tayo dito? Hina-hinaan din ang boses pag may time.” sabi ni Kath kaya nagtawanan  kami.

“Tara uwi na nga tayooo. Daming school works eh.” biglang singit ni Miles. KJ ang peg nyan eh -___-

Uwing-uwi lagi sa tuwing gumagala kami. Kaya ayun eto na, pauwi na kami. Naghiwa-hiwalay na kami kasi si Miles magjjeep pa.

Tapos kami naman ni Kath sasakay lang ng pedicab. Hahahaha.

Pwede naman kami mag-jeep eh pero ayaw lang talaga namin.

Nung nakasakay na kami, may nakita kami ni Kath na dalawang lalaki naglalakad.

Alam na naming agad yun kung sino. Sino pa ba? Mga pinakamamahal naming lalaki. Chos, si DJ at Khalil.

Walking distance lang yung bahay nila DJ galing school pero ewan ko kay Khalil kung bakit naglalakad siya. Tinawag na lang namin kahit nakasakay pa din kami ni Kath.

*Kath’s POV*

“Deejaaaaaaaay!/Khaliiiiiiiiiil!” Sigaw naming dalawa ni Julia. Hahahahaha. Napalingon naman agad sila at lumapit sa pedicab na sinasakyan namin.

“Hi Julia!” bati ni Khalil sa pinakamamahal niyang girlfriend. At etong si Julia sarap sapatusin, kilig na kilig ang loka. Hahaha.

Parang nakakahiya, nakasakay kami tapos sila naglalakad lang.

Sinasabayan nila yung pedicab, mabagal lang naman yung takbo nung pedicab eh.

Tahimik lang kami. Well, except kay Khalil na daldal ng daldal. Puro kakornihan lang naman. Hahahaha.

“Juliaaa!  Oxygen ka ba?” banat ni Khalil. Nako ayan nanaman sila -___-

“Bakit?” tss  sasapatusin ko talaga ‘tong si Julia eh. Hahahahahaha

“Eh kasi I can’t live without you *sabay kindat*” Corny -____-“

“BOOOOOOOOOOOOM!” extra ni DJ. Suuus, ganyan din siya kacorny nung kami pa. Hahahaha.

Tumawa na lang kami ng tumawa para mawala yung katahimikan. Malapit na pala yung bahay nila DJ, err.

“Oyyy uwi na ako. Bye Juliaaa! *tapik kay Khalil*” Aww di niya ako naalala. Biglang sumigaw si Julia..

“Hoy Padilla! Baka may nakakalimutan ka?” Hahaha alam na alam talaga ni Julia eh.

“Ha? Uhm, bye Kaaaaaaath! *kindat*” If I know -___- nagloloko nanaman yan.

Biglang kumanta sila Julia at Khalil, “Muling Ibaliiiiiiik..”

“K” yan na lang  sinagot ko. Hahahahaha.

Pero aaminin ko kinilig ako kanina. Hahahahahaha.

Pero NO, dapat act like a bestfriend lang dapat. Walang kilig-kilig. Kasi alam ko na agad ang mangyayari kapag nalaman ni DJ na kinikilig pa din ako sakanya.

Lalayuan niya ako.

Smile like you've never been hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon