"AYOKO NA!"
Sigaw ni Dennise na ikinatawa naman ni Baldo.
Baldo: "Magdadalawang oras pa lang tayong naglalakad, ayaw mo na?"
Dennise: "Oo ayoko na! Pagod na ko! Nakakainis kasi yung inakyat natin kanina akala ko yun na yun. Tapos pagdating natin dito sa taas, may mas mataas pa pala tayong aakyatin? Ano ba yan!"
Baldo: "Hahahaha! Ano bang ineexpect mo? Tatlong araw ang climb papunta sa summit tapos isang araw pababa. Unang araw pa lang tayo. So pataas talaga ng pataas to."
Dennise: "Wow salamat ah."
Dalawang oras nang magkasama ang dalawa pero puro lang sila small talk. Si Mang Antonio ay nauuna naman kaya hindi naman nila masyado itong nakakausap. Tumitigil lamang ito pag mag-aalok ng pahinga kapag maganda ang pwesto nila.
Nang makarating naman sila sa medyo patag na lugar eh nagdesisyon si Mang Antonio na magpahinga.
Matapos uminom ng tubig ay naisipan ni Baldo na mangulit.
Baldo: "Are you a mountaineer?"
Dennise: "Obvious ba na hindi?"
Masungit talagang sumagot si Dennise pero tinatawanan lang siya ni Baldo. Nainis naman si Dennise pero dahil tinulungan lang siya nito para matuloy dito eh pinagtitiyagaan niya. Malapit na nga siyang mainis talaga at sasapakin niya na ito eh.
Dennise: "Ikaw ba?"
Baldo: "Hindi din."
Dennise: "Eh bakit parang hindi ka napapagod?"
Baldo: "Hindi naman. Pagod na. Marunong lang akong magdala. Kahit haggard na pogi pa din."
Dennise: "Naks. Ang yabang mo din pala eh ano."
Baldo: "Eto naman, binibiro ka lang naman."
Dennise: "Baldo ba talaga ang pangalan mo?"
Baldo: "Bakit, ayaw mo?"
Dennise: "Masyadong panglalaki eh."
Baldo: "Bagay naman sa pogi na katulad ko."
Dennise: "Hoy maawa ka baka liparin lahat ng puno dito!"
Baldo: "Hahahahahaha! Hindi ba pogi?"
Sabi ni Baldo tsaka nagpacute kay Dennise. Pinagmasdan ni Dennise si Baldo mula ulo hanggang paa. Nilagay niya pa sa baba niya ang kanyang kamay na parang nag-iisip talaga.
Hmmmm. Matangkad. Macho. Maganda naman ang porma kahit nasa bundok kami. Simpleng jacket at jogging pants lang pero ang lakas ng dating. Mukhang mayaman dahil sa bag at sapatos at relo. Pwede na siguro. Sa isip ni Dennise.
Napatingin naman siya sa mukha ni Baldo at nagkatitigan sila.
Shocks. Yung dimples niya talaga ang cute eh parang gusto kong kurutin. Ang ganda pala ng mata niya. Habang tumatagal akong nakatingin sa kanya para akong namamagnet. Para akong nanghihina sa titig niya. Ano ba to? Bakit ganito? Alam ko may mga babaeng nagagandahan ako, pero hindi pa ko nagkakagusto sa babae ah? Sa isip ni Dennise.
Baldo: "Ehem. Ano, pogi ba?"
Dennise: "Hindi."
Baldo: "Talaga lang? Eh kung makatitig ka, wagas."
Dennise: "Ang tagal ko kasing iniisip kung saan nanggagaling ang yabang mo eh hindi ka naman gwapo."
Baldo: "Aww talaga?"
