*Warning*
---------
One minute.
One minute can last very short.. but can also be very long.
Yung isang minuto bago ka malate sa opisina o sa klase ay napakabilis kung ikukumpara mo sa isang minuto bago ka makalabas o makatapos ng trabaho o klase din.
Depende sa sitwasyon kung mabilis o mabagal ang magiging takbo ng oras para sa'yo. Ika nga nila, time flies when you're having fun.
That one minute can also mean nothing and everything to you.
Yung isang minuto sa hinaba haba ng paghihintay mo para sa isang bagay.. pwedeng nakapila ka para sa papanoorin mong concert o laban ng mga idol mong volleyball o basketball player o kahit ano pang show.. eh wala lang sa'yo. Sasabihin mo pa nga, kahit ilang oras pa hintayin ko.. "it will be worth it".
Pero yung isang minutong itinunganga mo sa banyo kesa kumilos ka na para hindi ka sana nalate sa pagpasok.
O kaya yung isang minuto na sinayang mo sa pagdrawing ng kung anu ano o pagsulat ng pangalan ng crush mo ng paulit ulit sa tabi ng mga puso puso (baka nga nagFLAMES ka pa ng pangalan niyo) kesa nagfocus ka sa pagsagot sa exam mong nasa harap mo na para pumasa ka sana.
O kaya yung isang minutong hinayaan mong masaktan at umiyak ang isang taong mahalaga sa'yo.. at hindi mo siya pinatahan dahil sa pride mo.
O kaya yung isang minutong nakausap o nakasama mo sana ang isang tao bago siya nawala sa buhay mo.
One minute.
Everything can change in one minute.
Dennise: "Saglit nga! One minute!"
Kanina pa tinatawag ni Alyssa si Dennise para makaalis na sila ng campsite. Nauna nang naglakad si Mang Antonio at naiiwan na sila.
Alyssa: "Ano bang ginagawa mo, bakit ang tagal?"
Dennise: "One last picture lang kasi!"
Pinicturean ni Dennise ang campsite.. isang lugar na alam niyang hindi niya malilimutan pero siyempre mas maganda pa rin yung may remembrance diba.
Alyssa: "Bilisan mo ah."
Napangiti na lang si Dennise nang matapos kumuha ng picture at nilagay ang phone sa bag niya. Paglingon niya ay nandun na si Alyssa na naghihintay sa kanya.
Alyssa smiled. She held out her hand for Dennise.
Alyssa: "Ready?"
Dennise smiled back. She took Alyssa's hand.
Dennise: "Ready! Tara!"
----------
Tahimik lang na naglalakad si Alyssa at Dennise habang nakasunod kay Mang Antonio. Inaalalayan ni Alyssa si Dennise pag may mga pababang part na medyo matarik, at hindi naman na natatakot si Dennise dahil alam niyang safe siya basta kasama niya si Alyssa.
Nasa isang mahabang patag na lugar sila. Hindi naman awkward yung katahimikan. Paminsan minsan ay nagkakatinginan sila at ngumingiti ngiti lang din sila sa isa't isa. Unti-unti pa nilang iniintindi yung idea na malapit na matapos ang climb at maghihiwalay na sila pagkatapos non.
Ano na? Sa isip nilang dalawa.
Dahil ayaw naman ni Alyssa na magexpect ng kahit ano ay balak niyang tanungin si Dennise bago sila maghiwalay kung ano na sila. Kung ibibigay niya na ba ang pangalan niya.. at kung magkikita pa sila pagkatapos nito.