SWK 1

18.8K 296 14
                                    

BEEP BEEP BEEP!!!!!!!!

Galit na galit na bumusina ang lahat ng nasa likod ng sasakyan na kasalukuyang sinasakyan ni Dennise. Kinuha niya lang ang bag niya tsaka bumaba at binalabag ang pintuan ng sasakyan nito. Naglakad siya ng mabilis papalayo sa sasakyan.

LA: "Dennise! Dennise!"

Sigaw ni LA matapos nitong bumaba sa kotse at sinundan si Dennise na mabilis na naglalakad sa sidewalk. Iniwan ni LA ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada at hindi na nila pinansin ang mga driver na minumura mura sila dahil sa ginawa nilang pagharang doon.

LA: "Pwede bang wag kang gumawa ng eksena dito?"

Den: "Ikaw ang gumagawa ng eksena dahil bumaba ka pa. Eh di sana pinabayaan mo na lang akong maglakad para tapos na diba?"

Sagot ni Dennise na patuloy sa paglalakad at hindi man lang nilingon si LA. Mainit ang ulo niya dahil sa mga sinabi nito sa kanya kanina noong nasa sasakyan pa sila.

Galing sila sa dinner date nila at papauwi na sana nang biglang binring up ni LA ang topic na pinaka-ayaw ni Dennise. Sex.

LA: "Bakit ka ba ganyan? Ikaw na nga itong may pagkukulang sa ating dalawa, ikaw pa ang galit?"

Napatigil si Dennise sa paglalakad sa sinabi ni LA, ang boyfriend niya. Marami na ang nakatingin sa kanila sa paligid pero hindi ito pinansin ni Dennise.

Den: "Excuse me. Hindi ko pagkukulang yun dahil una sa lahat hindi ko naman yun obligasyon sa'yo. Eh di kung naniniwala ka ngang napakagwapo mo at maraming naghahabol sa'yo, eh di go! Dun ka sa kanila!"

LA: "So you want me to sleep with other women?"

Den: "Kung dun ka sasaya, nakakahiya naman, eh di susuportahan na kita!"

LA: "Gusto mo talaga? Ganito mo na lang ba ako kadaling ipapamigay sa iba? Ito lang ba ang halaga ko sa'yo? Ito lang ba ang halaga ng relasyon natin para sa'yo?"

Lumingon lingon si Dennise sa mga taong nasa paligid na nanonood sa kanilang dalawa. Pakiramdam ni Dennise ay hinuhusgahan siya ng mga ito dahil sa sinabi ni LA kaya lalong uminit ang ulo niya. LA would always make her feel inadequate. That she was not good enough. That was his way of making Dennise do something she normally wouldn't do.

And Dennise was tired of it.

Den: "Stop with the drama LA. Huwag ako ang kwestiyonin mo sa relasyon na ito dahil ikaw.. ikaw itong hindi naniniwala na mahal kita dahil lang ayaw ko pang makipag-sex sa'yo. Is that what love means to you? Sex? Physical attraction and desire? Is that all you want in this relationship?"

Hindi naman nakasagot si LA. Nagbulungan ang mga kanina pang nakikiusyoso sa away ng dalawa. Masama ang tingin ng mga babae kay LA at ang mga lalake naman ay tinatawanan siya.

Tila naman napahiya si LA at napayuko. Humina na din ang boses nito.

LA: "Can we talk about this privately?"

Den: "Oh now you want to talk privately. Kanina lang sigaw ka ng sigaw pati yung nasa kabilang kanto rinig na rinig ka. Tapos ngayon, ano? Nahihiya ka na?"

LA: "Dennise. Let's be mature about this."

Den: "Ngayon ako pa ang immature? Wow. I don't want to talk about this privately. I don't want to talk about this. I don't want to talk to you ever."

LA: "What do you mean?"

Den: "Let's break up LA."

LA: "WHAT?"

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon