SWK 8

6.7K 249 10
                                    

Timing.

Sabi ng iba, ang lahat ng bagay ay madadala sa magandang timing.

Kumbaga kung umamin ka sa isang tao na gusto mo siya.. pero hindi maganda ang timing mo.. hindi magiging maganda ang resulta.

People usually wait for the right "timing" for saying what they really feel.

But some people use it as an excuse. An excuse for not being brave enough. An excuse for not acknowledging the moment to be "perfect" because they are too scared to have it all end.. not in their favor.

Timing.

How do you even know when the right time is?

Pinaharap ni Alyssa si Dennise sa kanya. Nakangiti siya dito habang si Dennise naman ay nagtataka sa sinabi ni Alyssa.

Dennise: "Ha?"

Hinawakan ni Alyssa ang dalawang kamay ni Dennise. Tumingin siya sa mga mata nito para maniwala itong sincere siya sa mga susunod na sasabihin niya.

Alyssa: "Sabi ko.. you are the queen of my world.."

Dennise: "Ha?"

Hindi maintindihan ni Dennise ang sinasabi ni Alyssa. May kaunting idea siya pero hindi naman siya makapaniwala dito. Alam niya nagbibiruan lang sila ni Alyssa sa mga banat banat kanina. Yun ang pilit niyang sinasabi sa sarili dahil ayaw niyang umasa.

Kaya naman muntik nang malaglag ang puso ni Dennise sa bangin nang marinig ang sumunod na sinabi ni Alyssa.

Alyssa: "I know this may sound weird.. but I want you to know that I.. I.. uhm.. I like you. No scratch that. I think I.. I think I love you."

Ipagpatawad mo
Aking kapangahasan
Binibini ko
Sana'y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo
Ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo
Ako ma'y naguguluhan

Dennise: "Ha?"

Bumilis ang tibok ng puso ni Dennise sa narinig na mga salitang lumabas sa bibig ni Alyssa. She didn't know how to react. She didn't know what to say. She was surprised.

Dahil sa napakalabong reaksyon ni Dennise.. naisipan ni Alyssa na magpaliwanag. Baka kasi iniisip ni Dennise na nababaliw na siya.

Alyssa: "Sorry.. I know we met just a few days ago. I don't even know your last name. I don't even know where you live. Hindi ko din maintindihan.. pero sa ilang araw na yun eh pakiramdam ko tama ang lahat. Right place.. right time.. and you're the right person."

Sumasabog na sa tuwa ang internal organs ni Dennise at nagliparan na mas mataas pa sa Mt. Pulag ang mga paru-paro sa tiyan niya. Pero naiwan ang utak niya.. nauna ang damdamin. Kaya hindi niya pa din alam ang sasabihin.

Dennise: "Ha?"

Alyssa: "I just thought this was the best time and place to say it. Sa kabila ng lahat ng nakikita natin ngayon sa paligid.. the sun almost setting.. the clouds.. the grass.. the mountains. Pero ikaw ang gustong tignan ng mga mata ko. You are so beautiful Dennise. Not just outside.. but also inside. I may not know other things about you.. but I think and feel that I know you. How you think.. how you feel. Who you really are."

Halos pababa na din ang araw.. kanina pa sila nakahiga sa may damuhan din kasi ni Alyssa. Ang tagal din nilang nagpicture taking.

Kulay orange na halos ang paligid.. pero may parte pa din na medyo blue at may mga ulap pa.

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon