SWK 22

8.4K 230 43
                                    

Sayang.

Panghihinayang. Regrets.

Sino nga ba naman ang gusto manghinayang? If possible, we want to live with no regrets.

Isang malaking 'What if'?

Wag mo na hintayin maging 'perfect' ang lahat dahil hindi yun dadating. Ikaw ang gagawa ng sarili mong perfect. Perfect timing. Perfect moment. Perfect event.

Perfect.

 Ano nga ba ang definition ng perfect?

Sabi ni Pareng Google, "having all the required or desirable elements, qualities, or characteristics; as good as it is possible to be."

Paano mo ba masasabi na meron na siya ng required or desirable elements? Paano mo masasabi na it is as good as it is possible to be?

Nandun na rin mismo yung sagot sa tanong.

Paano mo masasabi. Mo. Ikaw.

Ikaw lang ang magiging batayan ng pagiging perfect ng isang moment o event. Ikaw lang ang makakapagsabi kung may mas ikakaganda pa ba ang lahat, o kung meron mang ikakaganda pa ay kontento ka na. Tipong kahit may mali, may kulang, o kung anu man.. para sa iyo perfect na ang lahat. Tipong may mali, pero hindi yun mahalaga sa'yo. May mali, pero hindi na siya mali talaga para sa'yo.

Imperfectly perfect.

"Dennise?"

Hindi alam ni Alyssa ang irereact sa itsura ni Dennise na nagbukas ng pinto. Magulo ang buhok, nakapajama lang, at namumutla.

Dennise: "Alyssa.. sorry hindi ako nakapagreply agad kasi nakatulog ako, hindi ko napansin yung oras.."

Nakayakap naman si Dennise sa sarili na parang nilalamig. Kahit na nahihiya si Alyssa ay niyaya niya si Dennise sa loob.

Alyssa: "Okay lang ba pumasok na muna tayo diyan? Kasi ano, mukhang nilalamig ka."

Ayaw niya din kasi na may makakita kay Dennise na ganoon lang ang suot. Manipis na pajama pang-ibaba tsaka spaghetti strap na sando lang na manipis.

Dennise: "Oo naman, tara pasok ka."

Pansin ni Alyssa ang mabagal na kilos ni Dennise at pinagmasdan lang niya ito hanggang sa nakaupo ito sa couch, at umupo siya sa tabi nito. Umubo si Dennise at kahit na nahihiya ay hinimas ni Alyssa ang likod nito baka sakaling makatulong.

Nawala sa isip niya ang kaba at pag-aalala na lang kay Dennise ang tanging iniisip niya ngayon. Ni hindi niya na naisip ang polo niyang nagusot na sa pagkakaupo niya at sa pagtama nito kay Dennise at sa may couch.

Dennise: "Sorry. Kasi akala ko gagaan na pakiramdam ko pag-inom ko ng gamot kanina after exam at paggising ko, pero hindi pa pala.. napasobra din tulog ko. Sorry talaga.."

Alyssa: "Hala, ano ka ba okay lang yun."

Dennise: "Pero kasi mukhang nagprepare ka.. tapos mauudlot yung lakad natin dahil sa kin.."

Alyssa: "Ano ka ba, wala yun. Hindi mahalaga yun sa kin. Mas mahalaga sa akin ngayon, ikaw. Yang nararamdaman mo. Kumain ka na ba? Uminom ka na ulit ng gamot?"

Hinawakan ni Alyssa ang noo ni Dennise at naramdaman niyang mainit iyon. Napakunot ang noo niya at kita ni Dennise ang pag-aalala sa mga mata nito.

Dennise: "Hindi pa eh.. kakagising ko lang kasi. Magluluto lang ako sandali--"

Tatayo na sana si Dennise pero pinigilan siya ni Alyssa, hinawakan niya ito sa balikat.

Alyssa: "Ano ka ba, may sakit ka. Ako nang bahala. Okay lang ba sa'yo, gamitin ko kitchen mo? Lilinisin ko naman pagkatapos."

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon