SWK 25

9.1K 211 26
                                    


Iniwan ka na ng eroplano
Okay lang baby, wag kang magbago
Dito ka lang
Humimbing
Sa aking piling, antukin


Alam na alam ni Dennise na pagkatapos ng araw na ito ay ubos na ang lakas niya, at isang linggong diretso siyang matutulog. Patapos na ang sem at ito na ang huling hirit.

Isang buhos na lang ng requirements at malaya na siya.. pansamantala.

Ito na ang naging pinakamabagal at mahirap na linggo ng buhay ni Dennise.

Ilang gabi na siyang walang tulog, hindi niya na alam kung ilang drum ng kape ang nasa katawan niya. Kung iisipin nga, baka lugi na si Alyssa at Gretch sa dami ng libreng kape niya sa shop nila.

Napapapikit na siya pero alam niyang hindi siya pwedeng matulog. Kapag ganito madalas ay kumukuha siya ng kape na nasa ref (iced coffee prepared by none other than Alyssa) para medyo magising kapag wala na siyang lakas pang umalis para pumunta sa coffee shop mismo.

Kaso sa sobrang pagod niya ngayon pati pagpunta sa ref wala na siyang lakas pa. Isa na lang ang kaya niyang gawin para magising.

Ring ring ring

Nakangiti na agad si Dennise habang naghihintay pa lang na may sumagot sa kabilang linya.

Yun ang isa sa mga bagay na gusto ni Dennise kay Alyssa.

Kahit na ba alam niyang busy itong tao ay hindi ito madamot sa oras. Alam niyang gagawa at gagawa ng paraan si Alyssa para maglaan ng oras sa kanya.

Kaya kahit na alam niyang busy ito, alam niyang sasagutin nito ang tawag niya.

Alyssa: "Hello Den? Is everything okay?"

Kitams.

Hindi naman porke't alam niyang parating nandiyan si Alyssa para sa kanya ay binabalewala niya na. Hindi siya ganon. It just made her even more willing to give back everything Alyssa is willing to give her.

Dennise: "It is now."

Narinig na lang ni Dennise ang tawa ni Alyssa mula sa kabilang linya.

Alyssa: "Inaantok ka na naman ano?"

Nagpout naman si Dennise kahit alam niyang hindi ito makikita ni Alyssa. Pero dahil kilala siya ni Alyssa...

Alyssa: "Wag ka na magpout diyan. Alam ko namang nagrereview ka, at hindi ka naman tatawag kung hindi ka humahanap ng paraan para hindi makatulog eh."

Dennise: "Grabe ka. Hindi ba pwedeng namiss lang kita?"

Alyssa: "Pwede naman. And I miss you too. Pero you can just get the coffee I left there in your refrigerator. It's good, I promise."

Dennise: "I don't doubt that. But you are doubting my intentions of calling you."

Alyssa: "Hindi ka ba talaga inaantok?"

Dennise: "Hindi ah."

Pero hindi napigilan ni Dennise ang hikab sa kalagitnaan ng sinasabi niya, na ikinatawa naman ni Alyssa.

Alyssa: "It's okay. It's an honor to be the person you call when you're sleepy. You're cute when you're sleepy."

Dennise: "Ugh. Hindi naman ako nagpapacute eh."

Alyssa: "I know! And that makes it even more adorable."

Dennise: "Ginagawa mo naman akong tuta."

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon