SWK 20

9.5K 257 45
                                    

"Nothing worth having comes easy."

Sabi nila kapag daw mas masarap daw kapag pinaghirapan mong makamit ang isang bagay. Mas maaappreciate mo ito kapag hindi mo ito agad agad o ganoon kadali lang na nakuha. Mas mararamdaman mo yung saya kapag sa tinagal tagal mong tiniis ay nakuha mo rin ang gusto mo.

Kasi alam mong deserve mo yun.

Kasi alam mong dahil pinaghirapan mo yun, iingatan mo yun.

Kasi alam mong gagawin mo ang lahat para hindi na yun mawala sa'yo.

Mas magiging proud ka. Mas mararamdaman mo yung naging achievement mo.

Parang kapag umakyat ka ng bundok. Dahil sa hirap na dinanas mo paakyat, sobrang sarap ng pakiramdam kapag narating mo yung tuktok.

Kasi alam mong hindi ka sumuko.

"Alam niyo, ang cute niyo sana eh. Kung hindi ko lang alam na ang tanga tanga niyong dalawa matutuwa sana ako sa inyo. Kayong dalawa lang pala naghahanapan, susmaryosep."

Napalingon naman si Dennise at Alyssa at naputol ang pagtititigan nila dahil sa sinabi ni Ella.

Gretch: "True. Ang arte niyo kasing dalawa. Eh kung sinabi niyo sa amin agad yung mga pangalan eh di matagal na kayong nagkita."

Fille: "Wag nga kayong epal diyan. Baka ito talaga yung tamang time na magkita silang dalawa. Diba?"

Napangiti naman si Dennise sa sinabi ni Fille. Looking back at the past months, she may have learned some things she didn't know before and may not have known if they found each other sooner.

Kinuha ni Alyssa ang kamay ni Dennise na nasa tabi nito. Dennise did not resist and even intertwined their hands. They smiled at each other for the simple gesture.

Simple gesture that took them so long to be able to do.

Dennise: "Wag na kayong magreklamo. Ang mahalaga, nagkita na kami."

Alyssa: "At hindi na kami maghihiwalay ulit."

Sabay kindat ni Alyssa kay Dennise.

Ella/Gretch/Fille: "YIIIIEEEE!"

Gretch: "Landi mo, pre."

Alyssa: "Che! Landiin mo din si Fille ah."

Nakaupo na sila ngayon sa pinakamalaking booth sa coffee shop ni Alyssa kasama sina Gretch at Fille. Nagulat na lang si Ella nang makitang magkayakap ang dalawang kaibigan niya.

Flashback

Alyssa leaned in for the kiss.

When their lips met, it was like something new and familiar at the same time. Something familiar, since it was the same lips they kissed that day in Mt Pulag. Though their background makes it look like they are in Pulag too, but the feeling is different. It's something new and exciting. It's a feeling they will always look forward to. Every brush of their lips feels like a first kiss.. when you're nervous and you want it to be perfect. You feel tingles on your skin, and shivers down your spine.

Nakakalimutan mo ang paligid. Nakakalimutan mo ang lahat ng hinanakit, lahat ng dinadaing, lahat ng dinadala mong problema. Nakakalimutan mong may mga ibang tao sa paligid na baka makakita sa'yo. Nakakalimutan mo ang lahat. Ang tanging nasa isip mo lang ay ang sarap ng pakiramdam.. kung gaano mo kamahal ang taong ito.. kung ano ang gagawin mo para hindi na mawala sa'yo ang pakiramdam na ito at ang taong ito.

Para bang sa pagdikit ng labi niyo ay nagdikit na din ang lahat sa inyo. Para bang yung dugo na dumadaloy sa katawan mo ay ang paghinga niya at ang tibok ng puso mo. Parang siya na lang ang dahilan ng iyong eksistensiya o pag-iral.

Someday We'll KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon