"Anak ng tinapa naman oh. Ilang ulit ko bang sasabihin na ready na nga ang lahat."
Iritang sagot ni Gretchen kay Alyssa.
Alyssa: "Eh yung flowers sigurado ka bang hindi malalanta yun mamayang gabi? Baka naman pagdating namin--"
Gretch: "Baka pagdating mo dun para sa'yo na yung flowers kasi sasaksakin na kita kung hindi ka pa kakalma diyan."
Alyssa: "Grabe ka naman! Para namang hindi ka ganito nung nagpropose ka kay Fille."
Gretch: "Yun na nga! Date lang to! Hindi ka pa magpopropose!"
Alyssa: "Eh siyempre hindi pwedeng pumalpak to."
Patuloy lang si Alyssa sa paikot ikot na paglalakad sa office niya habang kagat kagat ang kuko at paminsan minsan sinasabunutan ang sarili kapag may naisip siyang kulang o baka magkamali.
Gretch: "Kahit nga ata dalhin mo sa turo-turo yung si Dennise magiging perfect ang date niyo para sa kaniya. Kaya kumalma ka."
Alyssa: "Hindi naman porke't ganun hindi na ko mag-eeffort diba?"
Napangiti naman si Gretch sa kaibigan. Tinamaan nga naman talaga.
Gretch: "Okay fine. Fine. Mageeffort ka nga. I get it. Pero kung mukha kang basang sisiw mamaya sa kakaikot mo diyan at gulo gulo na yung buhok mo dahil sa kakastress mo, sayang effort mo lang nun. Kaya kumalma ka na. Ready na lahat. Ako pa ba? Pababayaan ba naman kita?"
Napatigil si Alyssa sa sinabi ni Gretch at nagbuntong hininga siya. Kumalma din siya sa wakas at naupo na.
Alyssa: "Okay sige sige. Sensya na pre."
Ngumiti lang si Gretch. Alam niyang may tamang panahon para mang-asar at para maging supportive lang.
Gretch: "Okay lang yan. Gets ko naman eh. Ang kailangan mo na lang madala si Dennise sa venue at ayos na lahat."
Napangiti na din si Alyssa.
Alyssa: "Salamat pre."
Gretch: "Sige na, bye. Madami nang customer dito."
Alyssa: "Asa ka uy. Anong oras pa lang oh. Nandiyan si Fille ano?"
Saka sumulpot sa gilid ng screen si Fille na nakangiti. Kumaway siya sa screen at kumaway naman pabalik si Alyssa.
Nasa kanya kanyang opisina sila ni Gretch at nagskype lang sila para nga pag-usapan ang pinahanda ni Alyssa kay Gretch para sa date nila ni Dennise.
Fille: "Hi Alyssa!"
Alyssa: "Hi Fille! Sige na, hindi ko na kayo guguluhin."
Gretch: "Yan, mabuti naman."
Alyssa: "Paremind na lang ako na ipapalinis ko yang office diyan. Kung anu ano na siguro ginawa niyo diyan ni Fille."
Kitang kita ang pamumula ng mukha ni Gretch at natawa na lang si Alyssa.
Fille: "Grabe ka! Nililinis naman namin pagkatapos!"
Lalong namula si Gretch.
Gretch: "Love naman eh!"
Fille: "Hindi ba? Ha?"
Dumagan naman si Fille kay Gretch at nagkilitian ang dalawa.
Alyssa: "Okay okay bababa ko na to baka makalibre pa ko ng show."
Iiling iling na lang si Alyssa na sinara ang skype pati ang laptop.
Lumabas siya at nakitang wala namang gaanong tao dahil nga sa oras, pero masipag na naglilinis ng counter si Isabel.