Matagal tagal na mula nung huling mahimbing na tulog ni Dennise. Sa dami ng iniisip niyang problema nitong nakaraan eh parati na lang pangit ang panaginip niya o di kaya eh putol putol ang tulog niya.
Sarap na sarap siya sa pagkakayakap sa unan niya kaya naman hinigpitan niya pa ang yakap niya dito.
Ang bango bango naman nitong unan ko. Ang lambot pa. Sarap yakapin. Sa isip ni Dennise.
Halos tumalon siya pababa sa Manila nang maramdamang gumalaw ang unan niya. Dahan dahan siyang dumilat at nakitang nakayakap pala siya kay Alyssa.
Lalo pa siyang naloka nang makitang gising ito at nakangiti sa kanya.
Alyssa: "Good morning."
Agad siyang bumitaw at umusog para lumayo kay Alyssa. Tatawa tawa lang ito, as usual.
Alyssa: "Nahiya ka pa ngayon samantalang buong gabi mo na nga akong niyakap."
Dennise: "Talaga? Sorry."
Alyssa: "Okay lang naman. Napasarap din naman ang tulog ko."
It's been a while since Alyssa slept like that too. She felt like everything was right when she felt Dennise's arm around her. Nasa loob pa din siya ng sleeping bag pero damang dama niya ang yakap nito.
Hindi naman tinatanggi ni Alyssa na attracted siya kay Dennise. Hindi naman niya tinatanggi na masaya siya na may kasama siya sa climb bukod sa guide, at bonus pa dahil maganda ito.
Dennise was simple. Dennise was beautiful. Dennise was simply beautiful. Kahit na pawis na pawis o punong puno ng putik o basang basa sa ulan eh maganda pa rin ito. Kahit ata punit punit ang damit na parang taong grasa maganda pa rin ito.
But Alyssa respected Dennise. There was something about her that commanded respect. May be the raised eyebrows.. Alyssa wasn't sure. But she knows that Dennise was a strong but sensitive woman. Someone who wants to prove she's independent but wants to be cared for. Possibly someone.. someone she was looking for.
Dennise: "Uhm. Anong oras na ba?"
Alyssa: "7am. Napasarap nga tayo sa tulog. Lalabas na muna ako para kausapin si Mang Antonio."
Dennise: "Ah sige."
Bumangon naman si Alyssa at lumabas na. Si Dennise naman humiga pa muna. Nilukot niya ang mukha niya.
Dennise: "Nakakahiya!"
Matapos pagalitan ang sarili eh lumabas din siya para magmumog at hilamos.
Pabalik na sana siya ng tent para magpalit ng damit nang makita si Baldo na nakashorts at sando.
Dennise: "Anong trip mo? Hindi ka ba lalamigin niyan?"
Alyssa: "Sama ka? Pwede tayo maligo diyan sa parang falls dun sa ilog!"
Dennise: "Hindi ba delikado yon?"
Alyssa: "Mag-iingat na lang tayo. Tara!"
Dennise: "Ikaw na lang, papanoorin na lang kita."
Alyssa: "Ikaw bahala. Eto ah. Picturean mo ko!"
Sabi ni Alyssa habang binibigay ang camera niya kay Dennise.
Tumakbo naman ito papunta sa may gilid kung nasaan ang daan pababa ng ilog.
Iiling iling naman si Dennise na naglakad papunta sa hanging bridge para makita ng mas maayos si Baldo. Syempre nagselfie siya gamit ang sariling phone.
![](https://img.wattpad.com/cover/48416087-288-k726650.jpg)