Natatawa na lang si Mang Antonio sa kalokohan ng dalawang kasama niya.
Alyssa: "Aray!"
Dennise: "Oh bakit? Anong nangyari?"
Alyssa: "Ikaw kasi binato mo ko."
Dennise: "Ha? Anong binato kita? Wala naman ah."
Alyssa: "Binato mo ko. Ayan tuloy tinamaan ako sa'yo."
Saka ngumiti at kumindat si Alyssa kay Dennise.
Dennise: "Akala ko naman ano nangyare!"
Kunwaring inis na sabi ni Dennise pero kinikilig naman. Kanina pa banat ng banat si Alyssa mula pa noong umalis sila ng campsite.
Nagising sila kanina na may magagandang ngiti sa mga labi. Magkayakap sila buong gabi pero hindi sila nakaramdam ng pagkailang sa isa't isa. They felt safe and warm in each other's arms.
It felt like home.
Kung hindi pa nga sila tinawag ni Mang Antonio ay hindi pa sana babangon at magbibitaw ng yakap ang dalawa.
Nagpatuloy lang sila sa paglalakad at natapilok naman ng kaunti si Dennise.
Alyssa: "Ikaw talaga. Napakaclumsy mo. Lagi ka na lang nadadapa."
Dennise: "Ngayon lang naman ah."
Alyssa: "Kanina pa kaya nung patawid ka."
Dennise: "Kelan ako tumawid? Saan?"
Alyssa: "Kanina nung tumawid ka sa isip ko. Nadulas ka ayan tuloy nahulog ka sa puso ko."
Kinindatan lang ulit ni Alyssa si Dennise kaya naman namula lang ang pisngi ng huli. Si Mang Antonio iiling iling na lang.
Dennise: "Kanina ka pa ha."
Alyssa: "Kanina pa ano?"
Dennise: "Kanina mo pa pinapabilis ang tibok ng puso ko."
Alyssa: "Mabilis din naman tibok ng puso ko para sa'yo."
Dennise: "Uuugggghhhh."
Alyssa: "Hahahahaha!"
Kinikilig na naiinis si Dennise kasi hindi niya malaman kung seseryosohin ang mga sinasabi ni Alyssa o pinagtitripan na naman siya nito.
Dennise: "Tigilan mo na nga ako sa mga banat mo."
Alyssa: "Anong gusto mo pala? Alangan namang tahimik lang tayo."
Dennise: "Kwentuhan mo na lang ako."
Alyssa: "Ng?"
Dennise: "Hmmmm. Saan ka madalas magbakasyon?"
Alyssa: "Hmmmmm ang totoo hindi ako madalas magbakasyon."
Dennise: "Bakit naman?"
Alyssa: "Kasi mas gusto ko tumambay na lang sa shop."
Dennise: "May business ka?"
Alyssa: "Ah oo. With my friends. Maliit na coffee shop lang naman."
Dennise: "Wow."
Alyssa: "Bakit?"
Dennise: "Akala ko kasi tambay ka lang ganyan."
Alyssa: "Maooffend sana ako pero madami nang nagsabi sa kin nyan kaya okay lang. hahahaha."
